038 K I R A "Let's go?" Bago pa man ako makapag salita ay hinila na ako ni Zach palabas ng hardin. Mag kahawak kamay naming nilibot ang buong school. Sobrang nakakamiss dito. Parang bumabalik kami sa nakaraan. Unti unti kong naaalala yung mga panahon na palagi pa kaming nag aaway ni Zach. Yung mga araw na bigla na lang niyang sisirain yung araw ko pero ang totoo pala siya talaga ang bumubuo ng araw ko. Kung hindi niya siguro ako inaasar nuon ay hindi magiging memorable ang mga araw ko dito sa school na ito. For sure sobrang boring ng mga babalikan kong ala-ala sa lugar na ito kung hindi dahil kay Zach. Siya ang tunay na nag bigay ng kulay sa napaka plain na buhay ko at hindi ako nag sisisi kahit kailan na minsan ko siyang minahal. Habang buhay kong dadalhin sa isip at sa puso ko ang m

