037 K I R A "Maiwan ko na muna kayong dalawa." Sabi ni Caleb bago lumabas ng kwartong kinalalagyan namin kaya naiwan kaming dalawa ni Sander. Naupo si Sander sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga. Hinaplos niya ang pisnge ko, bakas sa kanyang mukhang ang sobrang pag aalala. "Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Umiling iling ako at hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisnge. Dinala ko iyon sa aking labi at binigyan iyon ng isang halik bago ngumiti. "Okay na ako kasi nandito ka na." "I'm sorry Kira. Hindi dapat ako umalis kaagad eh. Kasalanan ko ito, hindi kita nabantayan ng maayos. I'm so sorry Kira hindi kita naaalagaan ng maayos. Sobrang dami ko lang talagang inaasikaso nitong mga nakakaraang araw pero alam kong hindi pa din sapat na rason yun. I'm sor

