034 K I R A "Babe?" Naupo ako sa tabi ni Sander nang mapansin ko siyang mag isang nakaupo sa gilid ng pool at parang ang lalim ng iniisip. Hindi siya umimik na para bang hindi niya napansin ang presensya ko kaya naman binigyan ko siya ng isang damping halik sa ilong. Duon na siya napabaling sa pwesto ko. "Babe, nandyan ka pala." Ngumuso ako at pinag krus ko ang aking mga braso na kunwari ay nag tatampo. "Ano ba kasing iniisip mo dyan? May ibang babae ka na siguro!" Ngumisi siya at hinila ako palapit pa lalo sa kanya. "Makakapang babae pa ba ako sa sobrang dami ng inaasikaso ko sa opisina?" "Kaya nga. Akala mo di ko napapansin nawawalan ka na ng oras sa akin." Nakangusong sabi ko. Hinaplos niya ang mukha ko at hinawo ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko na. "Napaka selosa

