035 K I R A Nang mag simulang mag bilang si Stephen ay nagsi kilos na kami upang mag tago kung saan para di kami mahanap kaagad ni Stephen. Hindi ko na napansin kung saan nag punta si Sander basta nag hanap na lang ako ng sarili kong mapag tataguang lugar. Malawak naman ang buong resort kaya madami kang pwedeng mapag taguan. Naisipan kong mag tago sa mga matataas na damong nakita ko sa may gilid ng resort. Napapitlag na lang ako nang may maramdaman akong mga brasong pumulupot sa bewang ko. Nang lumingon ako ay ang nakangising mukha ni Zach ang bumungad sa akin. Agad na sana akong tatayo upang maka alpas mula sa kanyang pagkaka hawak sa akin ngunit mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "What do you think you are doing, Walcott?" "Shhh." Tinakpan niya ang bibig ko.

