031 Third Person Muling pinaikot ni Ethan ang bote bago pa man siya gisahin ng tanong ni Kim. Tumapat ang bote sa nananahimik na si Kristine at dahil si Ethan ang huling tinanong siya na ngayon ang may karapatang mag utos at mag tanong kay Kristine. "Truth or dare?" Tanong ng binata kay Kristine habang seryosong nakatitig sa mga mata ng dalaga. "Dare! Dare! Dare!" Hiyaw ng iba habang nanahimik lamang si Zach na inaantay ang magiging pasya ng nobya. Mula nang mag simula silang mag inuman ay tahimik na ito at hindi nakikisali sa usapan. "Sige dare na lang." Matapang na sagot naman ni Kristine. "Body shot! Body shot!" Hiyaw ni Louise na ginaya naman ng mga lalaki. Nahihiyang ngumiti lamang si Kristine sa kanila. Hindi ito sanay sa mga ganung bagay dahil lumaki ito sa isla at hindi naman

