030 K I R A Pag baba namin ni Sander ay nakahanda na ang mga pagkain at nandun na din silang lahat maliban na lang kay Zach. Akala ko ba nauna na siya dito? Nasan na yung isang yun? Bumaling ako kay Kristine at nakita kong mag kausap nanaman silang dalawa ni Ethan. Napairap ako sa kawalan. Hindi man lang niya isipin yung boyfriend niya na wala dito. Inuuna pa kasi ang pag harot. Akala niya hindi ko mapapansing nilalandi niya si Ethan? Anong klaseng babae ba 'tong nakilala ni Zach. "Kain na babe." Nilagyan ni Sander ang plato ko ng pagkain. "Ah babe mag CR lang ako. Medyo masama kasi ang timpla ng tiyan ko." "Ganun ba? Gusto mo samahan na kita?" "No! Hindi na. Kaya ko na 'to. Kumain ka lang dyan." Sabi ko at umalis na din kaagad. Ang totoo dahilan ko lang yung pupunta ako sa CR dahil

