018 Y A K I R A "Ano bang pag uusapan natin?" Tanong niya na mukhang hindi naman interesado sa kung ano mang sasabihin ko. Masakit sa akin na ganito ang trato niya sa akin pero wala naman na akong magagawa kung mag dadrama pa ako. Hindi siya mapapasakin kung dadaanin ko sa pag papaawa. Siguro panahon na para ako naman ang mag hirap para mapasa akin siya. Gaya ng ginawa niya nuon. "I'm sorry Zach. I'm really sorry sa mga masasamang bagay na nasabi ko. Nadala lang talaga ako. Hindi kasi ako makapaniwala na may iba ka ng gusto na hindi na ako yung mahal mo. Nakakapanibago lang kasi pero pasensya na ha. Hindi ko naman intensyon na makasakit ng ibang tao sobrang mahal lang siguro kita kaya ko nagagawa yun. Hindi naman talaga ako ganito eh. Nag kakaganito lang ako dahil hindi ko pa matanggap.

