017 K I R A "The fvck?!" Tanging nasabi ni Ethan nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa kondisyon ni Zach. Hindi siya makapaniwalang tinitigan lamang si Zach. Napakamot siya. "So hindi ka din niya naaalala?" Tanong ni Ethan sa akin. Malungkot na tumango ako. "Damn!" "Mahal handa na ako." Sabay sabay kaming napalingon sa nakangiting si Kristine. Agad na nag salubong ang kilay ni Ethan habang tumaas naman ang sa akin. Bakit bihis na bihis ang babaeng 'to? Nawala ang ngiti sa mukha ni Kristine pagkakita sa akin. Lumapit sa kanya si Zachary at umakbay. "Sino naman ito?" Tanong ni Ethan sabay turo kay Kristine. "His slut." Bulong ko kay Ethan na lalong nag palito sa kanya. "Anong kalokohan ito Zach? Sino yan?" Tanong ni Ethan kay Zach pero hindi siya pinansin nito. Nag simula na silan

