016 Y A K I R A Mabigat ang dibdib na umuwi ako sa amin. Isang mahigpit na yakap ang agad na sumalubong sa akin pag bukas ko ng pinto ng kwarto ko. "I miss you." ani Sander. Hindi ko alam na nandito pala siya. Hindi naman kasi siya nag sabi na pupunta siya o baka nag sabi siya kaya lang ay busy ako masyado kanina kaya hindi ko na check ang phone ko. Humiwalay ako sa yakap niya. "Anong ginagawa mo dito?" "Namiss lang kita. Hindi mo sinasagot ang tawag ko mula pa kanina kaya pinuntahan na lang kita dito sa inyo." Paliwanag niya. "Pasensya na ah. Nakalimutan kong icheck ang phone ko." "It's okay ang mahalaga mag kasama na tayo ngayon." Aniya sabay yakap ulit sa akin. Mga ilang segundo kaming nanatiling mag kaganun nang mag salita siya. "Bukas na ang alis ko pa paris. Medyo matatagal

