015 Y A K I R A "Mag pahinga na muna tayo. Saan mo gustong kumain?" Tanong ko kay Zach na abala pa din sa pag babasa ng mga files. Huminto siya at tumingin sa akin. "Hindi ko alam. Wala naman akong alam na kainan dito." "Ah alam ko na. Duon na lang tayo kumain sa paborito nating kainan dati." Nakangiting mungkahi ko. Tumango lang siya at wala ng sinabi pa. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ang sungit sungit ng lalaking ito ngayon? Parang hindi siya nag hahabol sa akin nuon ah. Dinala ko siya sa madalas na kainan namin nuon. Naalala ko dito ko din dinala si Sander nung highschool kami para makabawi sa pag liligtas niya sa akin nuon. Bigla ko tuloy naalala si Sander. Si Sander siya ang palaging nandyan kapag nalulungkot ako o kapag nalalagay ako sa panganib. Bakit ba ngayon ko

