028 Y A K I R A Nakipagkita ako kina Liah, Kim at Louise. Napag isip isip ko na lahat ng nagawa kong mali sa kanila nuon. Masyado lang siguro akong nagpakain sa lungkot nung nawala si Zach kaya hindi ko napansin na nag iiba na pala ako, na hindi na pala ako tulad ng dati. Sila lang ang tumanggap sa akin bilang kaibigan nuong highschool, kahit na mahirap lang ako tanggap nila kung sino ako tapos ito pa ang igaganti ko sa kanila? Unang dumating si Louise sa tagpuan namin. Ngumiti siya sa akin at naupo sa harap ko. "Kanina ka pa?" Tanong niya. "Medyo. Inagahan ko talaga kasi ayoko namang kayo pa ang mag hintay sa akin." Nakangiting sabi ko. "I see." may ilang na sabi niya. Nakakamiss yung dati. Yung walang ilangan sa pagitan namin. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagawa ko lahat ng y

