027 K I R A Pag tapos naming mag almusal ay nag paalam na din naman si Zach kina nanay. Kailangan niya pa kasing pumasok sa school at mag hahabol pa siya ng lesson dahil ilang araw din siyang hindi nakapasok. Akala ko talaga kanina mabubuko na kami ni Zach. I mean.. Wala naman kaming masamang ginagawa pero ang panget pa din talagang pakinggan na natulog kaming magkasama sa iisang kwarto at iisang kama pa. Tapos may mga kanya kanya na din kaming karelasyon kaya ang panget talaga. "Babe, okay ka lang?" Tanong ko kay Sander pansin ko kasi mula nang dumating siya dito wala na siya gaanong imik. Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa nuo. "I'm okay medyo madami lang pinoproblema sa opisina." Lumabi ako at yumakap sa bewang niya. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib habang yakap yakap

