026 Y A K I R A "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko kay Zach habang nakahiga siya sa kama ko at ako naman ay nakaupo lang sa tabi niya. Naka dalawang movie na kami pero ang mokong mukhang wala pa yatang balak umuwi. Hindi siya kumibo dahil nakatutok maiigi ang atensyon niya sa kanyang pinapanuod. Napairap ako. Hindi ko alam na nag bago na pala pati ang taste ni Zach sa mga palabas. Isipin niyo yun si Zachary Walcott nanunuod ng isang romantic movie at talagang tutok na tutok pa siya sa panunuod. Napangiti na lang ako habang napapailing. "Ano?" Tanong niya nang mahuli niya akong nakangiti. Inirapan ko lang siya at ibinalik na uli sa screen ang tingin. Kinabukasan, nagising akong may mga brasong nakapulupot sa baywang ko. Agad akong napabangon nang maisip ko kung kaning mga braso iyon. Na

