023 Y A K I R A "Alam mo tama na yang panunuod mo sa dalawa. Lalo mong mamimiss si Sander niyan." Ani Zach habang naka tuon atensyon sa mga iniihaw. Nag salubong ang kilay ko. "Sino namang nag sabi na namimiss ko si Sander?" "Bakit hindi ba?" "Baka ikaw. Namimiss mo na kaagad si Kristine ano?" Pang aasar ko sa kanya pero deep inside may halong selos iyon. Hay naku Kira. Tigilan mo na nga yang kahibangan mo. Sarili mo lang din naman ang sinasaktan mo eh. Dapat kung mahal mo ang isang tao matuto kang palayain siya. Palagi mong uunahin ang kasiyahan niya kaysa ang sayo. Ilang sandali lang ay lumapit na din naman sa pwesto namin sina Claire at Seb na parehong nakangiti. Hays. Paano kaya nila nakukuhang ngumiti ng ganyan? Gusto kong mainggit sa relasyong meron sila pero pag naiisip ko y

