024 Y A K I R A "Hi!" Bungad na sabi ko nang sagutin ko ang tawag ni Sander nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nag hahanda na sanang matulog nang tumawag si Sander. "Hello there princess! How's your day babe?" Malambing na sabi ni Sander mula sa kabilang linya. Umayos ako ng pagkakahiga. "Okay lang naman." Matipid na sagot ko. "Are you sure babe? Bakit ganyan ang boses mo? May nangyari ba? Pinagsalitaan ka nanaman ba ng kung ano ano ni Zachary? Babe tell me." "No hindi. Okay na kami ni Zach. Mabait na ulit siya sa akin at magkaibigan na kami." "Good." Sandaling nagkaruon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa pero ako na ang bumasag sa katahimikang iyon. "Pasensya ka na pala hindi na ako nakatawag kagabi. Lobat na kasi ako kagabi hindi kaagad kami nakabalik ni Zach dito sa re

