010 Y A K I R A "Mag papakamatay ka ba ha babae?" Naluluhang niyakap ko siya. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o totoo na talaga 'to. Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na siya ngayon at yakap yakap. Hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala na ito na talaga siya. Hindi naman ako nananaginip lang di ba? Hindi naman sana ito panaginip lang. Diyos ko po! Kanina halos mawalan na ako ng pag asang makikita ko pa siya. Hindi ko na alam gagawin ko pero ito. Nasa mga bisig ko na siya ulit. Hindi ako makapaniwala na dadating pa ulit yung araw na ito na mayayakap ko siyang muli. Sobrang tagal kong nag intay at nag dasal na sana bumalik siya at ito na nga siya. Nakita ko na siya! Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingala upang tignan siya. "Bak

