011 Y A K I R A Pag mulat ko ng mata ko ay agad na bumungad sa akin ang babaeng kumupkop kay Zachary. Pinupunasan niya ng bimpo ang nuo ko. "Kamusta na ang pakiramdam mo hija?" Tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Parang gusto kong mahiya dahil sa inasta ko sa kanya kahapon pero nasabi ko lang naman yun sa sobrang galit. Matagal na nawala sa amin si Zach kaya natural lang sigurong magalit ako dahil itinigo nila si Zach nang matagal na panahon. Niloko na nila si Zach at ipinagkait pa nila sa amin siya. "A-Ano.. Yung kagabi. Hindi ko ho sinasadyang sabihin ang mga iyon sa inyo." "Wala iyon hija. Naiintindihan ko naman kung ano ang nararamdaman mo. Minsan na din akong nawalan kaya alam ko kung gaano iyon kasakit at kahirap sa'yo." "Si Zach po ang buhay k

