CHAPTER 15

1902 Words
CHAPTER 15 Kahit palapit pa lang kami at hindi pa sinasabi ni Marco sa ‘kin kung alin ang bahay ni Jeffrey alam ko na agad dahil sa lakas ng tugtog na nanggaling sa loob ng bahay na apat na palapag ang taas. Sa tuktok may rooftop. Nakabukas ang malaki nilang gate at labas-masok ang mga tao na may mga hawak na baso at bote ng alak. May mga naninigarilyo din sa labas at napakaraming kotse na nakaparada. “Ang lakas ng tugtog. Buti walang nagagalit na kapitbahay,” sabi ko. “Mga politiko at general ‘yung mga kamag-anak ni Jeffrey kaya malakas ang loob. Kahit mag-reklamo sa baranggay ‘yung mga kapitbahay nila, walang pakialam ‘yung kapitan dahil isang sobre ang katapat no’n.” “Sobre lang?” “Sobre na libo-libo ang laman.” Medyo malayo ang pinagparadahan namin dahil nga marami nang iba na nakaparada sa labas. Sabay-sabay na kaming lumabas ng kotse at naglakad papunta sa bahay. Simple lang ‘yung suot namin ni Michelle. Naka-dress ako na kulay dilaw na manipis ang tirante at naka-sandals ako na walang takong habang si Michelle naman naka-jeans at blouse na kulay blue, pero itong si Ida naghanda talaga. Nakasuot siya ng dress na maroon ang kulay na hapit na hapit sa katawan niya. Nakasuot din siya ng sapatos na ang taas at tulis ng takong. ‘Yung hikaw niya ang laki na hugis bilog. Tinanong ko nga siya kanina kung hindi siya nabibigatan pero sabi niya hindi naman dahil magaan lang daw. Pinasukat nga niya sa ‘kin pero inalis ko rin agad dahil hindi ako sanay. Pakiramdam ko mahihila at mapipilas ang butas ng tenga ko kapag nahatak ko nang hindi sinasadya. “Excited na ‘ko! Sana maraming gwapo!” kinikilig na sabi ni Ida. Naglalakad sila sa harapan namin habang magkaakbay kami ni Marco. “Di ba may boyfriend ka?” sabi ni Michelle. “Boyfriend ko lang siya kapag nasa hotel kami. Wala naman ‘yon balak na seryosohin ako dahil may fiance siya na doktora. Pera ang habol ko sa kanya at katawan ko naman ang habol niya sa ‘kin. Kaya maghahanap ako ng mas mayaman at mas bata sa kanya at baka makakita ako rito.” “Hay naku Ida. Bahala ka nga. Buhay mo naman ‘yan.” “Diyos ko naman ‘tong si Sister Michelle, napakalinis. Nag-rosaryo ka na ba kanina at sumubo ng ostiya? Mamaya may ipapasubo ako sa ‘yo ha?” “Ha? Ano naman?” “Ut*n. Ihahanap kita ng ut*n mamaya. Masarap ‘yon parang lollipop.” “Bastos mo Ida!” Tinalikuran ni Michelle si Ida at naglakad palapit sa ‘min. “Sa inyo na lang ako sasabay. Nakakainis si Ida.” “Hindi ka na nasanay d’yan kay Ida. Araw-araw naman ganyan ang bibig niyan.” “Kapag masyado nang bastos ang bibig niya, kinikilabutan ako. Ikaw ba hindi? Virgin ka pa rin naman ‘di ba?” “Oo naman! Virgin pa ‘ko, pero hinahayaan ko na lang si Ida kasi hindi ko naman siya mababago.” Napatingin ako kay Marco, pagkatapos kong sagutin ‘yung tanong ni Michelle, at nakita kong nakangisi siya kaya pinisil ko ‘yung tagiliran niya kaya napatingin siya sa ‘kin. “What? Why?” Pinaningkitan ko lang siya ng mata. Alam kong nangingiti siya dahil kanina lang bago kami umalis sa bahay nag-s*x muna kami. Pero heto ako ngayon at pinaninidigan kay Michelle ang pagiging virgin ko. Nang malapit na kami sa bahay at parami na ‘yung mga tao, nagtatakbo palapit sa ‘min si Ida. “Mauna kayo. Nahihiya ako. Wala naman akong kakilala rito.” Kami ni Marco ang naunang pumasok. Si Jeffery nasa labas ng bahay nila at may kakwentuhan pero lumapit siya sa ‘min at sinalubong kami. “Marco! Pare! Ang gaganda ng mga kasama mo ah!” “This is Nadia.” “Yung kapatid mo?” “Yes and these are her friends, Michelle and Ida.” “Girls, this is Jeffrey. The birthday boy.” “Hi…” malambing na sabi ni Ida kasabay ng paglahad ng palad kay Jeffrey. “My name’s Ida and I’m single.” “Really? I don’t think so. ‘Yung ganyan kaganda?” “Mamaya siguro hindi na ‘ko single.” Nagbasa pa at kumagat ng labi si Ida. “Mukhang may target na si Ida,” bulong ni Michelle sa ‘kin. “Si Jeffrey?” “Ano ka ba Nadia, hindi pa ba obvious? Nag-umpisa na si Ida.” Hindi ko na narinig ‘yung pinag-usapan nina Ida at Jeffrey dahil kausap ko si Michelle. Sunod ko na lang nakita, magkaakbay na sila. “Come in! Come in! Maraming food and drinks sa loob.” “Nalingat lang ako. Sila na agad?” tanong ko kay Marco. Habang kumukuha kami ng pagkain. Si Ida hindi na namin kasama dahil kay Jeffrey na siya nakadikit. “Baby you’re so naïve and I find it both cute and sexy,” bulong niya sa ‘kin. “Marco, marinig ka ni Michelle.” “She won’t. Busy siya sa pagpili ng kakainin niya.” Napatingin ako kay Michelle na puno na ng pagkain ‘yung hawak na plato pero mukhang wala pa siyang balak tumigil sa pagkuha. Medyo malakas talaga siyang kumain. “Ikaw, ‘yan lang ang kakainin mo?” tanong ko sa kanya nang mapatingin ako sa hawak niyang plato na ang konti ng laman na pagkain. “Ayokong masyadong kumain dahil iinom ako mamaya.” “Maglalasing ka? Paano tayo uuwi?” “Bukas na tayo umuwi. May hinanda naman na room si Jeffrey para sa ‘min na mga kaibigan niya.” “Gano’n kadami ‘yung kwarto nila rito?” “Two rooms dito sa baba and three each sa second and third floor. At may isa pa pala sa rooftop. Anim lang kaming magkakaibigan kaya sobra-sobra ‘yung kwarto para sa ‘min.” “Paano friends ko?” “For sure Ida will stay with Jeffrey.” Napatingin si Marco kay Michelle. “She can stay with us.” Pagkatapos namin kumain, pinakilala sa ‘min ni Marco ‘yung tatlo pa niyang kaibigan na sina Dino, Andre at Levi. Mukhang puro anak mayaman din sila. Si Dino at Andre parehong may girlfriend habang si Levi wala. Habang nagkwekwentuhan, umiinom na sila. Nasa isang kwarto kami, hiwalay sa iba pang bisita. Si Jeffrey at Ida hindi ko alam kung nasaan. Mayamaya may lumapit na babae sa ‘min at tumabi kay Marco. “Hi baby, I missed you,” mukhang lasing na siya dahil ang pungay na ng mga mata niya. Ganito ang itsura ni Nanay noon kapag nalalasing. “Donna, you’re drunk. Where’s James?” “Huwag mo nang hanapin ‘yung wala. Malamang nasa ibang kandungan na naman ‘yon. Pero okay lang, kasi nandito ka naman,” sagot niya at hinilig pa niya ‘yung ulo niya sa balikat ni Marco at hinimas ang tiyan nito. Hinawakan ni Marco ‘yung kamay ni Donna at pinaayos niya ‘to ng upo. “Ikukuha kita ng tubig. Wait lang.” “Donna. Stop with your acting. Si Marco lang ang napaniwala mo,” sabi ni Kathryn pagkaalis ni Marco. Si Kathryn girlfriend ni Dino. “Alam namin na hindi ka pa lasing,” sabi naman ni Lia na girlfriend ni Andre.  Umayos ng upo si Donna at naghawi ng buhok. “Girls, huwag n’yo naman akong ibuking. May ibang kasama tayo rito.” Napatingin siya sa ‘min ni Michelle. “That’s your future sister-in-law, kaya umayos ka,” sabi ni Dino. “You’re Nadia?” Tumango ako. Bigla na lang siyang yumakap sa ‘kin. “Nice to meet you!” Hinaplos niya ‘yung buhok mo. “You know, you’re so pretty. I like your dress and and my favourite color is yellow.” Natawa sina Kathryn at Lia kaya napatingin ako sa kanila. Hinawakan naman ako sa kamay ni Michelle at tumayo siya. “Tara sa labas Nadia. Naiinitan ako rito.” “Labas lang kami,” paalam ko sa kanila. “Take care Nadia!” sigaw naman ni Donna habang palayo kami. “Nadia, hindi ko gusto ‘yung mga kaibigan ng Kuya mo. Ang maldita nung mga babae tapos ‘yung Levi tingin nang tingin sa ‘kin. Parang manyakis.” “Okay naman sila. Pinuri pa nga ako ni Donna.” “Ang plastik kaya niya. Halatang mabait lang siya kasi may gusto siya sa kuya mo.” “Pero kaibigan sila ni Kuya, kaya tingin ko mababait naman sila.” “Dapat matuto ka bumasa ng tao. Hindi lahat ng nakangiti sa ‘yo, mabait.” “Paano ‘yon? Hindi ko alam.” “Hindi ko rin alam kung paano ituturo sa ‘yo. Saan ka ba lumaki at napaka-inosente mo?” “Michelle balik na tayo sa loob. Baka hinahanap na ‘ko ni Kuya.” “Ikaw na lang Nadia, uuwi na ‘ko. Ayoko na bumalik sa loob.” “Ipapahatid kita kay Kuya.” “Hindi na. Magta-taxi na lang ako. Maaga pa naman.” “Sigurado ka?” “Oo. Sigurado ako.” “I-text mo ‘ko kapag nakauwi ka na ha?” “Okay. Ingat ka. Huwag kang lalayo sa Kuya mo, okay?” Tumango ako. Pagbalik ko sa loob nakita ko si Marco na katabi si Donna. May sininghot siyang puting powder na hindi ko alam kung ano. “Kuya?” Napatingala siya. “Baby, come here.” Umusog siya para may maupuan ako at umakbay pa siya sa ‘kin. “Ang sweet n’yo namang magkapatid. Baby talaga tawag mo sa kanya?” “She’s my baby sister. What’s wrong with that?” “Nothing,” nakangising sagot ni Andre. “Andre, kadiri ka,” sabi ni Donna na nakataas ang isang kilay. “What? Ano’ng sinabi ko?” “Yung ngiti mo may meaning.” “Ang sabihin mo selos ka. Nang dumating ‘yung kapatid, naitsapwera ka.” “Lia, sabog na ‘yang boyfriend mo. Hinay-hinay kasi.” “Ikaw nga kanina lasing ka, pero ngayon deretso na ‘yang dila mo. Girl, dapat consistent ka,” sagot ni Lia. Napatingin ako kay Dino at Kathryn na walang pakialam sa mga kaibigan. Naghahalikan lang silang dalawa at ‘yung isang kamay ni Dino nasa hita na ni Kathryn. “D’yan muna kayo.” Tumayo si Marco at nilingon ako. “C’mon Nadia. Samahan mo ‘ko.” “Saan tayo pupunta?” tanong ko pagkatayo ko. “Kukuha akong tubig.” “I have water,” sabi ni Donna at tinaas pa ‘yung baso niya. “I need more than that,” sagot naman ni Marco at umalis na kaming dalawa. Paglabas namin ng kwarto, sa ibang direksyon nagpunta si Marco. Hindi papuntang kusina. “Marco, nahihilo ka na ba? Hindi d’yan ‘yung papunta sa kusina,” sabi ko. “Who told you na sa kusina tayo pupunta?” nakangising sagot niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD