CHAPTER 14
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang paluwas kami ng Manila ni Marco. “Are you excited?” tanong niya. Hinawakan pa niya ang kaliwang kamay ko at mabilis niyang hinalikan.
“Para tayong bagong kasal na pupunta sa dream house natin.” Hindi na siya sa dorm niya tutuloy. Humanap siya ng condo na titirhan naming dalawa ngayong sa Manila na rin ako mag-aaral. Nakapasa kasi ako sa school niya at sa susunod na dalawang linggo, umpisa na ng klase ko. Education ang kursong napili ko. Matagal ko na kasing pangarap maging teacher.
Dahil siya ang may hawak ng pera, ‘yung bayad dapat sa dorm niya at dorm ko pinagsama niya. Hindi alam nina Nanay at Daddy na magsasama kami sa Manila. Ang alam nila tutuloy ako sa dorm na puro babae ang kasama. Hindi naman nila malalaman dahil nag-renew ng kontrata si Daddy sa kumpanyang pinagtratrabahuhan niya, kaya hindi pa sila makakauwi rito sa Pilipinas. Si Nanay naman bagong panganak lang at naging mahina ang katawan niya pagkatapos niyang manganak. Para bang lahat ng lakas niya napunta kay bunso na napaka-cute at ang taba-taba.
“Pagkatapos kong ipakita sa ‘yo ‘yung condo. Mamimili tayo ng gamit. Medyo mahihirapan tayo sa umpisa dahil wala pang laman ‘yung bahay natin.”
“Sanay naman ako sa hirap. Nakita mo naman ‘yung dating bahay namin ‘di ba? Second hand na lang ‘yung mga bilhin nating gamit para makamura tayo.”
“May online jobs naman ako kaya maidadagdag ko ‘yung mga sinuweldo ko sa panggastos natin. Don’t worry I’ll make things easier for you as much as possible.” Hinalikan niya uli ‘yung kamay ko.
Kaya ba ‘ko sobrang nahirapan noong bata pa ‘ko dahil siya naman ang kapalit? Lahat ng ginagawa niya, simple man o hindi, sobrang naa-appreciate ko. Kahit simpleng pagkuha niya lang ng tubig kapag tinatamad akong bumaba para kumuha, sobrang laking bagay na no’n sa ‘kin. Plus 100 pogi points na ‘yon sa kanya. Kung nasusukat ang pagmamahal, hindi ko siguro kayang sukatin ‘yung pagmamahal ko para sa kanya. Kaya kong ibigay at kaya kong isakripisyo ang lahat para sa kanya. Kung malalaman siguro ni Nanay ang tungkol sa amin, ayos lang kahit bugbugin niya ako at wala siyang itirang parte ng katawan ko na walang pasa. Kahit murahin niya pa ako at tawaging malandi, buong buhay ko, ayos lang, basta hindi niya kami mapaghihiwalay. Ibang klaseng ligaya ang dinala ni Marco sa buhay ko at kakapitan ko ‘yon nang mahigpit para hindi mawala.
Pinunasan ko ‘yung gilid ng mata ko dahil namasa nang dahil sa luha. Naiiyak ako sa sobrang saya. Mahal na mahal ko talaga siya at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay siya sa ‘kin. Nagpapasalamat ako dahil minahal din niya ako nang tulad ng pagmamahal ko sa kanya.
“Ba’t ka umiiyak?”
“Masayang-masaya lang ako.”
Isang maliit na studio type na condo unit ang inupahan namin. Malapit ito sa school at may malapit ding grocery store. Wala kaming kama pero bumili naman kami ng kutson. Wala kaming aircon kaya bumili kami ng electric fan. Ang pinakamahal naming binili ‘yung refrigerator namin. ‘Yon ang isa sa mga inuna namin para meron naman kaming malamig na tubig at lagayan ng tirang pagkain para hindi kami mapanisan. Sa unang buwan puro lutong pagkain muna kami pero nang sumweldo uli siya bumili na kami ng induction stove. Hindi na muna ako nagpabili sa kanya ng washing machine dahil sanay naman akong maglaba sa kamay.
“Sa susunod na sweldo ko ibibili kita ng washing machine,” sabi niya habang hawak niya ang kamay ko na namumula at may konting sugat. Ganito talaga ako kapag naglalaba at nabababad sa sabon ang mga kamay ko.
“Baka masyado ka nang napapagod. Ang dami mong tinanggap na trabaho. Late ka na palagi kung matulog at palagi kang nakaharap sa laptop mo,” sabi ko habang hinahaplos ko ‘yung buhok niya. Nakahiga kasi siya sa kandungan ko.
“Gusto ko kasi kumportable ka. Ayokong nahihirapan ka. Pero kapag kumpleto na tayo sa gamit dito, babawasan ko na ‘yung pagtanggap ng projects. Bibilhan muna kita ng washing machine ‘tsaka, aircon. Pati pala TV.”
“Baka naman kumpleto nga tayo sa gamit pero hindi naman tayo makabayad sa kuryente. Maghanap na rin kaya ako ng trabaho.”
“Hindi. Ayoko. Nangako ako sa ‘yo na ako ang bahala. Mag-aral ka na lang.”
“Pero kaya mo pa ba talaga? ‘Yung mga subjects mo, sabi mo mahihirap na. Mas lalo pa next year graduating ka na. Ayokong mapagod ka.”
“Magsasabi naman ako kapag pagod na ‘ko. Titigil ako kapag hindi na kaya. ‘Tsaka Baby, ang bata ko pa. Kahit pagod ako kaya ko pang maka-limang round ‘di ba?” sabi niya. May pilyong ngiti sa labi niya habang hinahalik-halikan ang kamay ko. D’yan ako hanga sa kanya, nanlalambot na ang tuhod ko at nanginginig na ang legs ko pero siya nakakatayo pa rin. Dati nga sa sobrang pagod ko, siya na ang naglinis sa ‘kin. Pinunasan na lang niya ng basang bimpo ang loob ng mga hita ko.
“Alam mo, kahit simpleng buhay lang ang ibigay mo sa ‘kin masaya na ako. Wala kang katumbas na materyal na bagay para sa ‘kin. Basta ang gusto ko lang, palagi kang nand’yan. Sa umaga paggising ko ikaw ang una kong makikita. Sa gabi pagtulog ko katabi pa rin kita. Sa oras na may problema ikaw ang karamay ko. Sa mga panahon na masaya ikaw ang kasalo ko. Hindi ko kaya na wala ka, kaya importante sa ‘kin ‘yung kalusugan mo. Ayokong magpakapagod ka dahil para sa mga material na bagay na gusto mong ibigay sa ‘kin.”
“Oo, pero syempre, bilang lalaki, gusto kong ibigay lahat sa ‘yo. Hindi pa ‘ko nakaka-graduate pero iniisip ko na kung saan ako mag-a-apply ng trabaho. Gusto ko sa magandang kumpanya para malaki ang sweldo dahil gusto kong makaipon para sa kasal natin. Gusto ko rin ibili ka ng malaking bahay na maraming kwarto para sa mga magiging anak natin. ‘Yung may malaking kitchen dahil mahilig ka magluto. Gusto kong ipasyal ka sa maraming lugar dahil ‘yon ang pangarap mo ‘di ba? Sabi mo gusto mong makakita ng snow. Dadalhin kita kahit saan mo gusto. Dito man sa Pilipinas o sa labas ng bansa.”
“B, hinay-hinay lang. Washing machine nga wala pa tayo,” biro ko sa kanya.
“Sinasabi ko lang sa ‘yo. Pangako, tutuparin ko lahat ng ‘yon, kasi mahal na mahal na mahal kita.”
“Mahal na mahal na mahal din kita!” sabi ko na nangingilid na ang luha. Ewan ko ba, sa tuwing masaya ako nang dahil sa kanya, napapaiyak ako. Ganito siguro talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao.
“Baby, mamaya birthday ni Jeffrey, pwede ba ‘kong pumunta?” tanong niya sa ‘kin habang papasok kami ng school. Nakaakbay siya sa ‘kin. Sa mata ng mga nakakakita sa ‘min ang alam nila magkapatid kami. Walang nakakaalam tungkol sa totoong relasyon namin kahit mga kaibigan.
“Si Jeffrey, ‘yung kasama mo sa dorm mo dati?”
“Siya nga. Nagyayaya sa bahay nila. May party daw. Inuman ‘yon, kaya okay lang ba na pumunta ako?”
“Pwede ba ‘kong sumama? Maaga naman uwian ko mamaya.”
“Sure ka? Okay lang sa ‘yo? Maraming tao do’n. Hindi ka ba maiilang?”
“Medyo sanay na naman ako sa tao. Sa dami ba naman ng estudyante sa school natin. Triple ata ng estudyante sa dati kong school.” ‘Tsaka may mga kaibigan na rin naman ako, kaya medyo kaya ko nang makipag-usap sa iba. “Pwede ko bang isama si Michelle at Ida?”
“Okay lang. Nakapunta na rin ako dati sa isa sa mga party niya at kung sino-sino ang nandoon. Kahit hindi niya kakilala basta kakilala ng kaibigan niya, ayos lang sa kanya. Sa laki rin naman ng bahay nila, hindi na niya mapapansin kung sino ang nalalabas-masok.”
“Okay lang sa mga magulang niya?”
“Wala naman ‘yung parents niya rito, parang tayo. Nasa abroad din pareho ang mga magulang niya. Parehong nasa UK. Buwan-buwan lang siya pinapadalan nang malaking pera kaya sunod sa luho ‘yong si Jeffrey.”
“Ano pa lang susuotin ko sa party? Ikaw na lang pumili.”
“Yung simple lang. Ayokong umangat ‘yung ganda mo do’n. Baka pagkaguluhan ka at mapaaway ako.”
“Maganda ba talaga ‘ko? Ikaw lang kasi ang laging nagsasabi sa ‘kin.”
“Maganda ka sa loob at sa labas.” Inilapit niya ‘yung bibig niya sa tenga ko. “May damit man o wala.” Kinilabutan ako sa sinabi niya. ‘Yung boses pa naman niya mapang-akit. ‘Yung kilabot ko umabot hanggang sa gitna ng hita ko.
“Nadia!” Bumalik lang ako sa katinuan nang may tumawag sa pangalan ko. Mula sa malayo nakita ko ang mga kaibigan ko na sina Ida at Michelle. Si Michelle matangkad at maganda na medyo bilugan at may salamin sa mata. Bata pa lang daw kasi malabo na ang mga mata niya. Ang taas na nga ng grado ng salamin niya. Kapag hindi niya suot ‘yon, halos wala na siyang makita. Si Ida naman matangkad din at maganda. Medyo may pagka-masungit at prangka pero mabait naman at magaling makisama. Minsan pasaway nga lang dahil uma-absent para sumama sa boyfriend niya na sampung taon ang tanda sa kanya. ‘Yon daw ang nagbibigay ng tuition niya dahil wala naman siyang mapapala sa tatay niyang sugarol.
Humiwalay na ako kay Marco at tumakbo palapit sa mga kaibigan ko. Bago ako umalis kasama nila, nilingon ko pa si Marco at kumaway ako sa kanya. “Alam mo Nadia, kung hindi ko alam na kuya mo ‘yung kasama mo, iisipin ko na may relasyon kayo,” sabi ni Ida.
“Malapit lang talaga kami, kasi kami ‘yung palaging magkasama. Nasabi ko na sa inyo ‘di ba na wala ‘yung mga magulang namin dito.”
“Pero ‘di ba hindi naman kayo magkadugo? So, pwede pa rin,” sabi naman ni Michelle.
“Magkasama kayo sa iisang condo. Kahit minsan talaga, walang nangyari sa inyo?”
“Ida, ano ba ‘yang sinasabi mo? Walang gano’n.” Kung alam lang nila na sa loob ng isang linggo limang beses kaming mag-s*x ni Marco.
“Wala lang. Kasi you know hormones. Ako, aaminin ko, hindi ko na ata kayang walang s*x, mula nang makatikim ako. Hindi ba kayo nacu-curious kung ano’ng feeling?” tanong ni Ida. Virgin pa kasi si Michelle at ang alam nila gano’n din ako.
“Ida. Change topic na nga. Ayoko nang ganyang usapan. Nasa school pa naman tayo,” reklamo ni Michelle.
“Mamaya nga pala may party kaming pupuntahan ni Kuya. Sama kayo sa ‘kin. Saturday naman bukas. Walang pasok,” pag-iiba ko sa usapan.
“Game ako d’yan. Ayokong umuwi sa ‘min. Mabwibwisit lang ako sa tatay ko.”
“Ipagpaalam n’yo ‘ko. Baka hindi ako payagan.”
“Susunduin namin kayo mamaya.”
“Iba talaga ‘pag mayaman. May kotse,” sabi ni Ida.
Tulad ng napag-usapan, sinundo namin ni Marco silang dalawa at buti na lang pinayagan si Michelle ng mommy niya. Habang papunta kami sa party, excited kaming tatlo dahil first time namin pare-pareho. Si Ida, first time daw niya na pumunta sa party ng mayayaman, si Michelle first time payagan na pumunta sa party at ako first time din at ngayon ko pa lang makikilala ang mga kaibigan ni Macro. Excited ako pero may halong kaba rin dahil hindi ko alam kung ano’ng dadatnan namin.