Some Pov..
Dumating ang araw ng pagtatapos nila Aryana at ang kaibigan na si Anton, Wala man ang kanyang magulang, sinikap parin nyang makapagtapos, dahil ito ang pango niya sa sarili at sa kanyang magulang, kasama rin si Don Lucas sa kanyang pinangakoan.. Habang binabagtas ang daangvpapunta kung saan gaganapin ang pagtatapos nila.. hindi naiwasan ni Anton ang mag alala kay Aryana, nararamdaman nya na malayo ang kanyang iniisip,. hinayaan na la mang nya ito at itinuon na lang sa labas ang kanyang tingin,. Dahil wala na ang kanyang magulang, sa ngayon si Aling Isme muna ang makakasama nya sa pag akyat sa intablado at si Anton naman ay ang kanyang tatay,.
Pagkarating sa school marami na ang mga tao duon, mga studyanteng magtatapus din kasama ang mga magulang,. Alam ni Anton na hindi buo ang kasiyahang nadarama ng kaibigan, batid nyang sa magulang ang dahilan.. Ok ka lang ba Aryana, sabi ni Aling Isme sa kanya, pati rin ang matanda ay kita nya ang lungkot sa mata ng dalaga, napatingin si Aryana sa matanda at ngumiti lang ito. huwag ka ng malungkot Aryana, kahit wala ang magulang mo dito, sigurado, masaya sila para sayo, dahil natupad muna ang pangako mo sa kanila na makapagtapos ka..
Lumipas ang isang oras, nagsimula ang pagtatapos.. lahat ay exsited na maliban kay Aryana iba parin ang kanyang saya kung ang magulang nito ang kasama, kung ang magulang mo ang sasama sayo papunta sa intablado at sila ang magsusuot ng medalyang matatanggamo mo tanda ng iyong pagsisikap.... Habang nasa kalagitnaan ang seremonya, ramdam ni Aryana ang hanging dumampi sa kanyang katawan, na tila hanging bumobulong sa kanyang tenga na hindi maintindihan,. habang pilit nya itong iniintindi, biglang pumasok sa isipan nya ang kanyang magulang, at tila sinasabi sakanya na tumingin ito sa taas,. pagtingala nya, nakita nya ang maaliwalas na panahon, na parang may buhay ang mga ulap at kusang nag gagalawan na kaysarap itong pagmasdan habang unti unting nagdidikit at nagkakahugis ng dalawang parang mukha ng taong nakangiti, biglang naisip na ito ang kanyang magulang na masayang nakatingin sakanya.. .
Pagkatapos ng Graduation, pumunta si Aryana sa sementeryo para dalawin ang kanyang magulang, kasama ang kanyang kaibigan,. . . Inay Itay nandito na ako, ito o mga medalyang nakuha ko. para sainyo ito inay, itay,. natupad kuna ang pangako ko sainyo, nakapagtapus na ako, pero angdaya nyo naman, sabi nyo kayo ang magsasabit sa akin ang mga ito.. sabi niya habang kinakausap ang puntod ng kanyang magulang, hindi nya maiwasan ang pagtulo ng kanyang mga luha,... Aryana alam kung masayana ang nanay at tatay mo kung nasan man sila ngayon, kaya huwag ka ng malungkot, huwag ka ng umiyak, dapat 'happy lang', sabi ni Anton sa kanya na may halong pagbibiro, napangiti naman si Aryana sa sinabi ng kaibigan.. . Aling Mendez, Mang Pablo, huwag kayong mag alala, ako na po ang bahala sa anak nyo, pangako, proprotektahan ko siya ano mang mangyari habang nabubuhay ako.. salamat Anton dahil andyan ka, kung wala ka, hindi ko alam kung paano ang lumaban,. sabi sa kaibigan, wala yon Aryana, dahil kaibigan kita, ano man ang problema mo ay problema ko narin, sabay nating haharapin.. , ano mang mangyari nasa tabi mo lang ako.. . Isang oras din ang lumipas bago napagpasyahang umuwi na ang dalawa, naisipan na lang nila maglakad dahil hindi naman kalayoan ang simenteryo sa kanila,. habang naglalakad sila, marami silang napag usapan, isa na duon ang paghahanap ng hustisya,. . Nang makarating na sila sa bahay nila Aryana, niyaya siya ni Anton sa kanila para duon na maghapunan, dahil hapon narin at hindi pa siya nakaluto,. pumayag na lang siya dahil nagugutom na rin ito,. nagpalit muna sya ng damit bago sila umalis..
Pagkarating nila sa bahay nila Anton, maraming mga tao na nadatnan nya,. nagsisikain ang mga ito,. ang sabi ni Anton sa kanya ay naghanda ang kanyang nanay ng kunting handa para sa kanilang pagtatapos,, Nanjan na pala kayo, halina kayo at ng makakain narin kayo, hindi na namin kayo hinintay dahil alam naming magtatagal kayo sa simenteryo,. sabi ni Aling Isme sa kanilang dalawa,. nag paalam kasi ang dalawa kanina pagkatapos ng graduation na pupunta sa puntod ng magulang ni Aryana, Oo nga po inay, gutom na kami, sabi ni Anton sa ina, dahil alas sais na ng gabi, ramdam na rin nila ang gutom,. halikana Aryana, kumain na tayo,. . tango lamang ang sagot sa kaibigan,
Magpapaalam na sana si Aryana ng lapitan siya ni Aling Isme,. Aryana, ayaw mo ba talaga dito ka muna pansamantala, nag aalala kasi ako sayo,. baka kung mapaano kayo ni Anton duon,. sa nakalipas na araw, si Anton ang nakakasama nya sa bahay nila pag walang ginagawa, at duon narin siya natutulog para may kasama siya, ayaw man nya, wala rin syang magawa, dahil gusto lang naman ang kaibigan nya na protektahan siya. salamat na lang po Aling Isme, ok lang po ako,. nandyan naman po ang anak nyo para samahan ako.. hindi na pinilit ni Aling Isme ang gusto,. Habang palabas na si Aryana para hanapin si Anton para makauwi narin, isang panauhin ang nakita mula sa labas ng bakuran nila Anton.. at kausap ni Anton,, napag alaman nya na si Oliver pala ito.. ng makita siya ni Oliver agad lumapit ito sa kanya,. Nandito ka nga Aryana, Pumunta ako sa bahay nyo pero wala ka, kaya naisipan kong pumunta dito, dahil alam kong nandito ka, hindi nga ako nagkamali, sabi sa kanya.. nagtaka man siya bakit hinahanap nya ito, kinausap na lang nya ito ng maayos,. Ah,, oo, niyaya kasi nila ako dito kaya hindi na ako nakatanggi, may kailangan kaba, sagot nya sa binata,. gusto lang kita batihin sa pagtatapis mo, at tanggapin mo ito, munting regalo ko para sayo.. sabay abot sakanya ang dala nitong isang maliit na kahon,. kinuha nya ito at nag pasalamat,... salamat dito sir, pero wag na sana kayo nag abala pa, nakakahiya naman sayo.. walang problema Aryana,, masaya ako sa ginagawa ko para sayo,, hindi maintindihan ni Aryana kung ano ang ibig sabihin nito sakanya,. Ano pong ibig nyo sir Oliver,. sabi nya,. Aryana, alam kong matalino ka, kaya alam kong naintindihan mo ang sinabi ko,, abat, pilosopo pala ito, bulong ni Aryana sa sarili,, ng hindi mahintay ni Olover ang sagot ni Aryana, pinaliwanag na lang niya ito.. Gusto kita Aryana, gagawin ko ang lahat, mapasaya lang kita,. lahat ng gusto mo, hanggat kaya ko, ibibigay ko.. Kita man kay Aryana ang pagkagulat ay patuloy parin si Oliver sa pag amin ng nararamdaman niya sa dalaga, .. pwede ba kitang ligawan Aryana, sabi nito.. Tama nga si Inay, na gusto akong ligawan ni Oliver, bulong nya sa sarili. sasagot na sana siya ng biglang nagsalita si aling Isme,. napangiti si Aryana sa pagsasalita ni Aling Isme dahil alam niya kung kailan ito sisingit sa usapan,. Pasok po muna kayo sir Oliver para makakain,. salamat na lang Aling Isme, tapus narin ako maghapunan,. gaya ng sinabi ko si Aryana lang ang punta ko dito,, . walang nakasagot sa sinabi ni Oliver kaya nag patuloy siya sa pagsasalita.. .
hindi nakatiis si Anton na kaninapa nakikinig sa usapan. .. Mawalang galang na po sir Oliver, hindi naman ata tama na ngayon mo sabihin ang nararamdaman mo para kay Aryana, alam naman natin na nasa pagluluksa parin siya.. sasagot sana si Oliver pero inunahan na siya ni Aryana,. tama naman po ang sinabi ni Anton sir Oliver.. saka wala pa sa isip ko ang mga bagay na yan.. sa ngayon gusto ko muna bigyan ng hustisya sa pagkamatay ng magulang ko, bago ko pasukin ang buhay pag ibig ko.. kaya po sir Oliver kung pwede sa iba na lang nyo ibaling ang pagka gusto nyo sa akin,, hindi ko naman sinasabi na ayaw ko sainyo, wala pa kasi sa isip ko ang pagmamahal,, mahabang paliwanag niya, at dahil wala siyang mahintay na sagot, nagpaalam na ito para umuwi, , sasagot sana si Oliver, pero inunahan na siya ni Anton, dahil alam na nya kung ano ang sasabihin niya kay Aryana,. halikana Aryana, para makapag pahinga kana rin.. . . Hindi pa gaano nakakalayo ang dalawa ng biglang humarang ang sasakyan nila Oliver sa kanilang harapan,. binuksan ang salamin at nagsalita ito,. Aryana, tutuo lahat ng sinabi ko sayo,. hindi ako titigil hanggat pumayag ka,. pagkasabi niya ito ay agad ng sinara ang salamin ng bintana at mabilis nalumayo sa kanila..