"Some pov"
Araw ng libing ngayon, lahat ng nakatira sa Hacienda Lucas ay dumalo, ganon nila kakilala ang pamilyang Bartolome, dahil narin sa magandang pakikitungo nila sa kanila..
Sa kabilang banda, hindi maawat ang pagbuhos ng mga luha ni Aryana, ito ang huling araw na masisilayan at makakasama niya ang kanyang magulang,.ito ang araw na hindi paniya napaghahandaan, hindi nya akalain na napakaiksi pa ng panahon para iwan siyang mag isa,. Nag uumpisa pa lamang siya ng panibagong yugto na tatahakin, pero wala na ang magulang na makakasama.. Makalipas ang ilang oras nagsialisan narin ang mga dumalo sa libing maliban kay Aryana at ang kababata na si Anton kasama ang magulang nito..
Aryana, tawag ni Mang Asyong sakanya,. ngayong nailibing na ang magulang mo,. ano ang plano mo ngayon,.alam ni Aryana ang ibig sabihin sakanya ng matanda..sa ngayon po Mang Asyong, gusto ko munang tapusin ang pag aaral ko, tatlong linggo mula ngayon, magtatapos na ako, para wala akong ibang alalahanin, habang nakatingin ito sa puntod ng magulang,. Ipinapangako ko sainyo inay, itay,. hahanapin ko ang mga taong gumawa sainyo nito,. hindi ako titigil hanggat hindi nila pinagbabayaran ang pagpatay sainyo, pangako niya sa magulang,. . Tutulungan kita Aryana, sasamahan kita, hahanapan natin ng hustisya ng magulang mo.. sabi ni Anton sakanya.. kahit papaano gumaan ang pakiramdam ni Aryana sa sinabi ng kaibigan. Hindi ba dilikado ang gagawin nyo anak.,sabi ni Aling Isme sa anak,, mas mabuting hayaan na lang natin ang mga pulis ang gumawa sa bagay nato. Hindi inay, matatagalan lang ang kaso kung hihingitayo ng tulong sa kanila, ako mismo ang gagawa ng paraan,. wala akong tiwala sa kanila,. Napatingin si Aryana sa kaibigan, magtatanong na sana siya, pero nagsalita si Mang Asyong, Ano man ang plano nyong dalawa, mag iingat kayo,. sasagot na sana si Aryana ng magsalita ulit ang kaibigan,, Tarana Aryana, kailangan na nating umuwi, para makapag ayos na tayo sainyo para makapag pahinga na rin tayong lahat.. sa susunod na araw, kailangan mo ng bumalik sa school, marami kang hahabuling leksyon,. tutulungan kita doon.. Sa oras na yon umuwi na nga sila, hindi lingid kay Aryana na walang Donia Amara ang naki pag libing.. anomang dahilan, ay wala na rin siyang pakialam,. Pagkarating nila sa bahay nila, marami ang mga tao doon, na tulong tulong sa paglilinis at pag aayos ng mga nagamit,, nagpapasalamat siya dahil marami ang nagmamalasakit sa kanya kasama ang buong pamilya.. habang nasa loob sila ng bahay,, hindi maiwas ni Aryana na tumulo ulit ang luha habang hawak ang larawan ng magulang,. Anak, ok ka lang ba, sabi ni Aling Isme sakanya, gusto mo bang doon ka muna sa amin tumira,. ok lang po ako dito Aling Isme, salamat po. mas maganda narin ito para masanay ko ang sarili ko na mag isa na lang, hindi ibig sabihin na kalimutan ko na rin sila, sabay tingin sa larawan ng magulang at muling tumulo ang mga luha,. hindi man niyang maamin sa sarili, sa mga oras na ito ay nangungulila parin siya s magulang, hinahanap nya ang mga ito sa tabi niya, maging matatag na lang siya, dahil kung buhay pa ang magulang, ayaw siyang nakikitaan ng panghihina sa sarili.. . Kinabukasan araw ng sabado,. pagkagising niya, wala na siyang Kaibigan na naabutan,. nagpresinta si Anton na samahan niya muna ang kaibigan, hindi narin tumanggi ang dalaga, . Naging abala na lang siya sa pag aayos ng mga ibang gamit na kailangan pang ayosin,, habang nasa kwarto ito ng magulang, hindi parin maiwasan ang pagtulo ng luha niya at binubulong parin sa sarili na sana panaginip lang ito, hindi parin tanggap na wala na ang magulang sa tabi, pero ano ang magagawa niya, ang lahat ng ito ay nangyari na,, nasa kalagitnaan siya ng pagbabalik tanaw sa pangyayari, ng may kumakatok mula sa labas ng bahay.. inayos nya ang sarili at lumabas na ito. pagkabukas ng pinto, nabungaran nya dito ang kaibigan na may dala dalang pagkain,. pasenya kana hindi na ako nakapag paalam kanina bago ako umalis, ayaw narin kita maistorbo,.halika kumain na tayo, galing ito sa bahay, mahabang paliwanag niya,. . Pagkatapos nilang kumain, inayos na niya ang mga pinagkainan habang si Anton naman ay umupo sa sala,. habang hinihintay ang kaibigan, pakiramdam niya may mga matang nakatitig sa kanya, mula sa bintana na hindi malayo sa pwesto niya,. tumayo siya at lumapit sa bintana para tumanaw duon, pero wala na man siyang ibang nakita,. . napalingon siya mula sa likod niya ng marinig ang tawag ng kaibigan.. mula sa kusina, tanaw niya ang kaibigan habang palapit sakanya,. kita parin niya sa mga mata nito ang lungkot.. ramdam parin niya ang pangungulila niya sa magulang niya,, Aryana, dala ko na pala ang mga ito, sabi niya habang inabot ang dalang mga note book, mga leksyong hindi napasokan. . kailangan mo itong pag aralan para hindi ka mapag iwanan, ilang araw na lang exam na natin,. kailangan na nating mag review,. oo nga pala,. salamat dito Anton, . halika dito, magsimula na tayo, sabi niya at sabahay hila para maupo sa sala, . nag umpisa nga sila mag review, pero ni isa walang pumasok sa utak nya ang mga itinuro sa kanya ng kaibigan,. napansin ito ni Anton,. Aryana, kailangan mo itong gawin,. iwaksi mo muna sa isipan mo ang pagkawala ng magulang mo, mas kailangan mo ito, paliwanag niya, pasensya kana Anton, hindi ko talaga mapigilan,. hindi na sumagot si Anton nakita niya dito na muli itong lumuha,.kung sa kanya man ito nangyari, pareho lang sila ng nararamdaman,..pinag patuloy na lang ang pagtuturo sa kaibigan,, kahit papaano, may pumapasok narin sa utak niya.. Ayan, tapus na tayo, siguro naman may naintindihan kana,. sabi ni Anton sakanya,. Oo kahit papaano may mga naintindihan rin ako,. salamat sayo Anton dahil anjan ka, sa kabila ng lahat hindi mo ako iniwan, sabi niya sa kaibigan. pangako ko sayo Aryana, pagka graduate natin, tutulungan kita, hahanapin natin ang pumatay sa magulang mo,. hindi naiwan ni Aryana na yakapin ang kaibigan,, nasa ganon sila ng posisyon ng biglang may kumatok sa labas, bigla silang naghiwalay dahil sa gulat,. si Anton ang unang pumukaw sa katahimikan,, tumayo na siya para pagbuksan ang kumakatik,. sumonod na lamang siya sa kaibigan,.
Inay, kayo pala, bakit po kayo nandito, sabi ni Anton pakabukas ng pinto at ang kanyang ina ang kumakatok,, pinapatawag ka ng tatay mo, kailangan nya ng tulong mo sa sakahan,. sabi ng ina,. pumunta narin ako dito para yayahin kita Aryana, baka gusto mong sumama sa bayan, baka may kailangan karing bilhin,. nag isip si Aryana kung meron ba dapat syang bilhin,. at tama nga si Aling Isme,. Opo aling Isme, sasama narin po ako sainyo,. kailangan ko ring mag grocery,.