Kinahapunan,, habang palapit na si Aryana sa kanilang bahay galing sa paaralan, lalong bumibilis ang t***k ng kanyang puso at hindi malaman ang kabang nararamdaman,. Habang nasa school pa lang siya ay hindi na mapakali sa kanyang inuupuan, may bumubulong sa kanyang isipan na gusto nang unuwi agad sa kanila.. binaliwala na lamang niya ang pakiramdam na yon at tinuon na la mang ang atensyon sa kanyang harap,. . .
samantala, sa bahay nila Donia Amara.. Kahit bigo man sila, hindi parin siya titigil sa paghahanap,. inutusan parin niya ang mga tauhan na magmanman kila Aryana,, malakas ang pakiramdam niya na nasakanila ang kanyang hinahanap..
Nang tanaw na ni Aryana ang kanilang tahanan, nakita niyang maraming taong nagtitipun sa kanilang bakuran. habang palapit na siya, sinalubung siya ng isa sa mga taong nandon.. lalong bumibilis ang t***k ng kanyang puso, hindi maipaliwanag kundi nakakaramdam siya ng takot at pangungulila, hindi maipaliwanag ang kabang nadarama.. . buti Aryana nakauwi kana, dali pumasok kana,, ang nanay at tatay mo, sabi ni Aling Tasing na siyang sumalibong sakanya, si Aling Tasing ang nanay ni Anton At matalik na kaibigan ng kanyang ina na si Aling Mendez.. bakit po Aling Tasing anong nangyari, bakit parang takot na takot kayo,, hindi pa nakakasagot ang matanda ay siya namang pagdating ng mga pulis sa kanila at dali daling pumasok sa luob ng bahay,. . nagtatakaman ay dali dali narin siyang tumakbo na at makapasok sa bahay.. ganon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makitang wala ng buhay ang kanyang inang nadatnan, ayon sa kanyang nadatnan, marami ng dugong dumadaloy sa katawan ng kanyang ina. . ganundin sa kanyang tatay, wala na ring buhay na buhat buhat ng kapulisan mula sa likod ng kanilang bahay,, parehong may tama ng baril sa kanilang dibdib na sanhi ng kanyang pagkamatay.. Ito na nga ang dahilan kung bakit balisang balisa siya kanina, hindi niya alam na ito na pala ang mangyayari sa kanyang magulang, kung sinunud sana niya ang kagustuhan ng kabilang isip niya na umuwi ito, baka sakaling mailigtas niya ang kanyang magulang,. pero sabi ng isapang isip nya, paano kung nadamay rin siya, paano pa maipagtatangol ang magulang kung pati siya ay nadamay.. habang nagtatalo ang kanyang isip, at hindi alam ang gagawin, dahil narin da biglang pangyayari, hanggang naramdaman na lang niya na unti unting nag didilim ang kanyang paningin, hanggat wala na itong maramdaman at tuluyan ng mawalan ng malay,.
sa labas ng bahay, inuna nang ilabas ang mga biktima at maidala na ito sa morge, dahil wala na ding buhay ng madatnan ng mga pulis ang mga biktima.. . habang nasa kalagitnaan ang pag iimbistiga ng iba pang kapulisan, isang lalaki ang lumapit sa kanila at handang maging tistigo,. . Ayon dito sa nakasaksi,. habang pauwina daw siya sa kanilang bahay, isang metro pa lang ang layo sa bahay ng biktima ay may narinig siyang huminto na sasakyan sa harap bahay ng biktima, dahil sa gusto makita ang mga panauhin, nagkubli siya sa isang banda na matataas na bakod na napapalibutan ng mga halamang gulay na gumagapang,. Ayon sa kanyang pagkakita,. limang kalalakihan ang bumaba sa isang puting van at pawang mga nakatakip ang mga mukha, pumasok sila sa bahay ng mag asawa, hindi nagtagal ay nakarinig siya ng nagsasagutan sa loob, at maya maya mga kalabog na ang kanyang naririnig, nais niya sanang lumabas sa kanyang pinagkukublihan ng makita nya mula sa likod ng bahay si Mang Pablo na papalapit na ay bigla siyang napahinto, dahil hindi nagtagal nakarinig na siya ng dalawang sunod na putok ng baril,. at paglingon kay Mang Pablo, dalawang putok rin ang tumama sa matanda at madaliang pagkatumba., hindi ko alam ang susunod kong gagawin nuon,. habang nakakubli parin ako, nakita ko mga kalalakihan na nagsilabasan na sila at nagsisakayan at mabilis na umalis, pero ang isa sa kanila nakita ko ang muka niya, inalis niya angtakip ng kanyang nukha, . patuloy na pagpapaliwanag ng nakasaksi.. Ayon naman sa mga pulis, may mga katutuhan daw ang salaysay ng nakasaksi sa kremen, .. Ayon din sa imbistigasyon, maliban sa pagpatay, , nagkalat din ang mga ibang gamit sa bahay, hinala nilang may hinahanap sila dito, at nang walang makita o nakita na ay pinatay na lamang ang dalawang biktima, . lumabas sa imbistigasyon na isang pagnanakaw at pag patay ang mutibo ng mga salarin,. . Isang oras na rin ang tumagal,. naipadala na rin ang saksi sa himpilan ng pulisya, pinangakuhan siya ng proteksyon mula sa kanyang kaligtasan.. Nagising narin si Aryana, nagtatakaman kung bakit maraming tao ang nakapalibot sakanya, nanatili paring dilat ang kanyang mata at unti unting bumalik sa kanyang alaala ang tagpong nangyari sa magulang kanina.. Maraming katanungan ang kanyang nais malaman, ngunit saan siya mag uumpisa.. tanging galit at pagkamihi ang nararamdaman niya sa taong gumawa nito sa kanyang magulang,. hindi nya maintindihan, bakit nagawa ito sa kanyang magulang, wala siyang alam na naging kaaway ng nanay at tatay niya, kung meron man sila Donia Amara yon, pero hindi basihan sakanya kung sila ang dahilan, dahil pagkaalam ay simpling galit lang naman ang meron sa magulang para kay Donia,. . .
sa kabilang banda, habang kinakausap ng mga pulis si Aryana, ipinapaliwanag sakanya ang mga panyayari at sa kanilang imbistigasyon,. isang paris ng mata at tainga sa gilid ang nakikinig sakanilang pinag uusapan,, lingid sa kaalaman nila, si Anton, kababata ni Aryana.. si Anton ang nakapansin sa taong nakikinig., malakas ang hinala niya na may kinalaman ang taong ito sa nangyari sa magulang ng kanyang kababata. dahil sa kilos nito ay parang nagmamanman ang lalaking ito... . Pagkatapos ng usapan, nag paalam na mga kapulisan,. kasama narin ang lalaking iyon. , maliban kina Anton at kanyang magulang,. Gusto sana ni Anton sabihin sa magulang ang napansin kanina ngunit nanahimik na lamang siya, . . Magpakatatag ka Aryana, hindi ka pababayaan ng diyos, at andito lang kaming tiyo Armando mo at si Anton, sabi ng nanay ni Anton,. habang pinapagaan ang loob ni Aryana,, dahil paturoy parin itong umiiyak at hindi matanggap ang nanyari.. Kung kailan isang buwan na lang, magtatapus na sila ni Anton sa kuleheyo,. kung bakit nangyari pa ito. . bakit kayo pa inay, itay, ano ang kasalanan nyo bakit ginawa sainyo ito,. nasan na ang pangako nyo na magkakasama tayong aakyat sa intablado,, ito na yon o, isang buwan na lang magtatapus na ako,. bakit hindi kayo lumaban, patuloy na sambit ni Aryana, habang walang tigil ang paghagos ng kanyang mga luha, wala mang magawa ang mga taong nasa tabi niya, kundi damayan na lang ito at paganahin ang nararamdaman sa pamamagitan ng paghaplos sa kanyang likod..
sa gilid naman, nakatayo lamang doon si Anton at nakikinig sa hinagpis ng kanyang kababata. nakuyom ang mga kamao, na parang gustong manuntok sa taong dahilan ng nararamdamang paghihirap ng kababata
.. . .. .
Unang gabing burol ng magulang ni Aryana. hindi umalis si Anton sa kanyang tabi ,bagos inaalalayan ito, may pagkakataong umiiyak siya at hindi maiwasang mawalan ng malay,,. Lumipas ang ilang araw at dumating ang huling lamay,... hindi inaasahan ang pagpunta ni Donia Amara at kanyang anak, kasama ang kanilang bodyguard.. Aalis na sana si Anton sa tabi ni Aryana para mabigyan ng pagkakataong makapag usap sa mga panahuin.. ng mahagilap niya ang isang lalaki na katabi ni Oliver mula sa kanyang kinaruruonan,. hindi siya nag pahalata dito at unti unti nang lumabas, ngunit ang hindi nila alam, ay nagkubli muna siya sa di kalayuab sa kanila,. . Hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking iyon, siya ang nakita ko noon, siya yong nandon noong iniimbistigahan ang kremen,, bakit siya nandito, ano ang gagawin niya dito, bakit kasama niya sina Donia Amara at sir Oliver.. patuloy na bulong niya sa sarili,.
"Aryana"
Nakikiramay ako Aryana sa nangyari sa nanay at tatay mo. pasensiya kana iha kong ngayon lang kami ng anak ko nakadalaw sayo.. nasa kabilang bayan kami ng anak ko ng mabalitaan ko ang nangyari sa magulang mo, patuloy na sabi ni Donia Amara sa akin, .Maraming salamat po sa pakikiramay nyo, habang inabot ko naman ang aking kamay para tanggapin ang kanyang mga palad.. nilibot ko din ang mga mata ko sa mga kasama niya at mga dala nila, napatingin ako kay sir Oliver at sa mga katabi niya, marahil mga body guard nila ito, ayin narin sa pananamit nilang nakikita ko. nang bumaling ulit ang tingin ko kay sir Oliver, parang bigla akong kinabahan, hindi ko alam sa sarili ko pero pakiramdam ko parang takot na takot ako sakanya, binubulong ng isa sa isip ko na kaylangan kong mag ingat kay sir Oliver,, nawala ang pag iisip ko nong biglang magsalita si Donia Amara,, hindi ko namalayan na nakaupo na pala siya sa harap ko, at ng muling sumulyap ako sa gawi nila sir Oliver ay pareho kaming nagkatitigan, ang mga mata niya ay tila nakaukit don ang mga isipang meron ako at parang nababasa nya ang mga ito,. . umiwas ako ng tingin at binaling ko na lang kay Donia Amara.. may problema ba iha.. sabi ni Donia Amara sa akin, ah.. . wala po Donia amara, naalala ko lang po si nanay at tatay, sabi ko sakanya, Nakikiramay ako ulit sayo iha, at alam kong meron kaming mga bagay bagay na hindi kami nagkakaintindihan sa nanay at tatay mo, hindi dahilan para gustohin ko ang nangyari sa magulang mo,.nalulungkot parin ako sa nangyari sa kanila at sayo narin iha,. napakabata mo pa lang at naranasan muna mamuhay ng walang magulang,.patuloy na sabi ni Donia Amara sa akin. bakit sa mga oras na ito, wala akong ibang nararamdaman sa mga pinagsasabi niya, pakiramdam ko, mga pakitang tao lang ang kanyang pinagsasabi,. nakikita ko sa mga mata niya ni kunting katiting wala akong makitang malasakit sakanya.. nagpasalamat na lang ako dito,,
bakit nangyari ito sa magulang mo iha,, i mean may nagawa ba silang kasalanan bakit nangyari sa kanila ito, at nabalitaan ko na nagnakaw dawsila kaya naghiganti ang mga taong pinag nakawan nila at ng hindi binalik ang ninakaw nila, kaya pinatay na lang ang magulang mo.. mali ang nakalap niyong balita at hindi totoong magnanakaw ang nanay at tatay ko, bulong ko sa sarili ko.. Hindi ko po alam donia Amara kung ano ang tutoong nangyari, wala po ako sa oras noong nangyari ang kremen. at ang pagkakakilala ko sa aking magulang, mabait sila, hindi sila magnanakaw, pinalaki rin nila akong mabuting bata at may takot sa diyos, . baka mali lang impormasyon na nakalap ng salarin kaya magulang ko ang binalingan nila,. paliwanag ko sa kanya,, pakiramdam kong nabigla siya sa mga nasabi ko,. at hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako,. naramdaman ko na lamang anga kamay niya na humahaplos sa aking likuran,. ni wala man lang ako makitang nasasaktan din siya, kundi mga matang pagkabigla lang.. yon din ang alam ko,. bigla akong napataas ng muka at mejo nagulat sa kanyang sinabi,. ano ang kanyang sinabi, naguguluhan ako.. . ano po ang ibig niyong sabihin Donia Amara, sabi ko.. ah,, ang ibig kong sabihin., inosente ang mga magulang mo. kasi ayon sa kwento sa akin ni kuya Lucas na, mabubuti at tapat ang pagkakakilala ni kuya sa magulang mo,. at kung nagkatotooman ang bintang sa magulang mo, nagkamali nga si kuya sa pagkakilala sainyo.. hindi ako bigla nakasagot sa kanyang mga sinabi,. parang pinapalabas niya na masamang tao ang magulang ko at kasama na ako duon,. binaliwala ko na lang ang mga iyon... tatayo na sana ako para magpaalam kumuha ng kahit ano pwedeng ipakain sa kanila nang bigla ulit itong magsalita.. Bweno iha, hindi na kami magtatagal ay may dadalawin pa kami ng anak ko.. sige po Donia Amara sabi ko sakanya.. siya namang pagpasok ni Anton na may daladala itong mga kape na nakalay sa tray,. nakita ko pa sa gilid ng aking mata na napangiwi na lang si Donia Amara ng makita ang daladala ni Anton, napailing na lang din ako.. magkapi muna kayo Donia Amara, sabi ni Anton pagkalapit niya sa amin,, salamat na lang iho, at kailangan narin naming umalis dahil may daraanan pa kami.. sabay na lang kami ni Aton nakatingin sa kanila habang paalis,.