Chapter 45 Wedding Day (Part 1) Sheena's Pov "Huwag ka nang kabahan, kami naman ni Nickolas ang susunod sa inyo hahaha!" Napatingin na lang ako kay Shane na kanina pa ako pinagmamasdan habang minemake-up-an ako. "Yun na nga eh, wedding day ko ngayon pero bakit ba ako kinakabahan?! Tsk. Bakit kasi hindi pwede makita yung groom ko?" Kinakabahan kong sabi. Kanina pa lumalakas ang t***k ng puso ko! "Yun kasi ang mga pamahiin ng mga matatanda, kapag nakita mo ang groom mo kahit na hindi pa nagsisimula ang kasal, ibig sabihin baka hindi ka niya siputin!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Shane. "'Yan ba talaga ang sabi-sabi?" Tanong ko sa kanya at bahagya naman siyang tumango. Itinikom ko na lang ang bibig ko at humarap na sa salamin. Kring...kring... "Oh Sheena, may tumatawag sa'yo," sa

