Chapter 46 Wedding Day (Part 2) Bumaba na ako ng hagdan at bigla ako napatigil dito sa may tapat ng fountain kung saan katapat lamang ng pinto nang simbahan. "Bakit?" Tanong sakin ni Shane kaya ngumiti ako sa kanya. "Pwede bang mag-wish muna ako dito? Saglit lang naman..." Sabi ko at binigyan siya ng malaking ngiti. Tumango siya at binigyan ako ng isang coin at kinuha ko naman agad iyon. "Lord, thanks for giving me a chance na makasama si Bryan noon pero sobra-sobra na po ito kasi ngayong hindi ko lang siya makakasama kun'di habambuhay na! Lord thank you for all the blessings you gave me at the nth time. I wish, you'll give us a more chances and healthy body. Lahat-lahat po. Amen." Iminulat ko na ang mga mata ko at inihagis na ang coin sa fountain. "Tara na," lumiko kami pakanan haba

