IT WAS as if a warm hand was touching Bria's heart as she watched Frank and Brylle. They were outside of their house. At tinuturuan ni Frank ang anak na si Brylle kung paano mag-bike. Kompleto nga ng gear ang anak, may helmet ay knee pad na kung sakaling matumba ay hindi ito masasaktan. Kitang-kita nga ni Bria ang ngiti sa labi ng anak ng sandaling iyon. Aaminin niya, simula noong makilala nito ang ama, simula noong magkasama ang dalawa ay napapansin niya ang saya sa mukha nito. Nakikita naman niyang masaya ang anak noong sila lang dalawa, noong panahong hindi pa nito nakakasama ang Papa nito. Pero iba ang saya ng anak ngayon. Iba ang kislap ng mga mata nito sa sandaling iyon. Kaya nga hinahahayaan ni Bria si Frank na makasama nito ang anak dahil hindi naman siya selffish para ipagka

