PARENT-CHILD Game. At dahil puro ang ama ang sumali sa laro ay si Frank ang kasama ni Brylle na maglalaro. Napatingin naman sa dereksiyon ng dalawa. Nakita niya si Frank na nakaluhod sa harap ng anak, napansin niya ang seryosong usapan ng dalawa, mukhang sinasabihan ni Frank ang anak ng strategy kung paano mananalo ang mga ito sa unang game. The first game was a sack race. The school administration had prepared sacks that could fit two people. At mukhang competitive ang mag-ama niya dahil seryoso ang mga ito, mukhang gustong manalo agad sa unang game na sinalihan. Mayamaya ay umayos na ang mga ito mula sa pagkakatayo nang sabihin ng teacher na nagpa-facilitate ng laro na malapit na mag-umpisa. At mayamaya ay umayos mula sa pagkakatayo si Bria nang makita niyang nagpalinga-linga si F

