NAPANSIN ni Bria ang ngiti sa labi nang anak ng silipin niya ang mukha nito mula sa pagkakandong niya dito nang makarating sila sa school nito Napansin nga din niya ang saya sa mukha nito ng sandaling iyon. Alam ni Bria ang dahilan kung bakit masaya ang anak, dahil sa kauna-unahang family day sa school nito ay kompleto sila. Masaya din naman siya kahit papaano kapah nakikita niya ang anak na masaya. All Bria wants is to see her child happy all the time. At nang ma-i-park ni Frank ang minamaneho nitong kotse ay bumaba na ito doon at humakbang palapit sa gawi nila para pagbuksan sila ng pinto. At gaya ni Brylle, napansin din niya ang ngiti sa labi nito. Mukhang gaya ni Brylle ay masaya din ang lalaki sa unang beses na makaka-attend ito sa family day ng anak. Pinagbuksan na sila ni

