PARA maka-move on ay kailangan ni Bria ng emotional healing. Naamin niya sa sarili na mahal niya si Frank pero dahil sa nakita niya, tinanggap din niya na walang pag-asa ang nararamdaman niya para dito. It seems that it was unrequitted love. Iniyakan nga niya ang unang heartbreak niya kay Frank, inilabas niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. Mas masakit pa yata iyon sa mga masasakit na salita na natanggap niya mula sa ama niya. And now, she want to move on from this heartbreak. At paano niya gagawin iyon? Kailangan niyang dumistansiya kay Frank. Kailangan niya ng dumistansiya dito para mabilis siyang maka-move on. At sinisimulan na iyon ni Bria ngayon. May kailangan nga siyang papirmahan kay Frank na mga dokumento. And as head architect of the project, kailangan niyang siya ang magpa

