PINAGDIKIT ni Bria ang ibabang labi nang ihinto ni Frank ang minaneho nitong kotse sa tapat ng building kung saan matatagpuan ang condo niya. Inaasahan niyang siya ang huling ihahatid ni Frank pero nagkamali pala siya. Baka may lakad pa ito at ang babaeng nangangalang Victoria na kasama nito ng sandaling iyon. Or perhaps, they might already have plans. A date perhaps? And with that thought, she felt a pang of sadness. Pilit naman niyang tinatago ang sakit sa pamamagitan ng pag-ngiti niya nang makita niya ang pagsulyap ni Frank mula sa rearview mirror. "Hmm...Frank. Busy ka ba bukas?" tanong niya, bahagya naman siyang na-distract nang makita niya ang pagsulyap ng babae kay Frank. "Yes. I'm busy," sagot nito mayamaya. "Oh," sambit naman niya. "Sa susunod na araw?" tanong ulit n

