Chapter 8

1569 Words
NAPATINGIN si Bria sa kanyang gilid ng maramdaman niya na may umupo sa tabi niya. At agad niyang nakita si Ervin, Engineer sa pinagta-trabahuan. Nasa Bar na naman sila ng sandaling iyon. Nagkayayaan na naman ang mga ka-trabaho at sa pangunguna ni Aliyah. At dahil halos lahat ng ka-work niya ay pumayag sa paanyaya ni Aliyah ay sumama din siya sa mga ito. Nahihiya naman siyang tumanggi at ayaw niyang sabihin na KJ. At saka noong siya ang nagyayaya ay sumama ang mga ito. At dahil sa mga ito ay naging matagumpay ang naging plano niya na makalapit siya kay Frank De Asis. She met him already. And now she had the opportunity to work on him. She will be the architect of his business expansion. And that will be the beginning of doing what the father orders her to do. And after all, she was his girlfriend in the eyes of his family. Hindi pa din kasi niya nililinaw sa pamilya nito ang totoo kahit na sinabihan siya ni Frank na ayusin ang ginawa niya. Well, it's Frank fault, too. May pagkakataon na din itong sabihin ang totoo sa pamilya noong gabing iyon pero sa halip na sabihin nito ang totoo ay dinagdagan pa nito ang kasinungalingan niya sa pagsasabi sa pamilya nito na 'I'm not a fan of mixing business and pleasure.' "Hi, Bria," nakangiting wika nito sa kanya. "You don't mind if I sit beside you, right?" tanong nito sa kanya. Umiling naman siya. "I don't mind," sagot niya. Ngumiti ito, showing his dimple on the right side of his cheeks. "Oh, ano iyan?" mayamaya ay narinig ni Bria na wika ni Aliyah. At nang mapatingin siya dito ay nakita niyang nakatingin ito sa kanila ni Evrin, halata ang panunukso sa mga mata nito. "Pati ba naman dito sa Bar, Evrin, nililigawan mo si Bria?" tukso nito. Nagkamot naman ng ulo si Evrin sa sinabi ni Aliyah. Iiling lang naman si Bria, kinuha niya ang baso niya na may lamang alak at saka siya suminsim iyon. Hindi kaila sa mga ka-trabaho niya na nanliligaw sa kanya si Evrin. Very vocal kasi ang lalaki sa pagpapahayag nito ng damdamin sa kanya. Actually, he let him court her. Well, may nakapagsabi kasi sa kanya na kapag may gustong pumasok sa buhay niya ay hayaan daw niya, baka kasi ito na ang the right one. Kaya noong sabihin sa kanya ni Ervin na gusto siya nitong ligawan ay pinayagan niya ito. Pero bago ang lahat ng iyon ay naging honest muna siya sa lalaki. Sinabi niya dito na hahayaan niya itong manligaw para makilala niya itong mabuti pero walang kasiguraduhan kung sasagutin siya nito. Naiintindihan naman siya ni Evrin. Wala namang problema kay Evrin. Gwapo, mabait, independent. Masayang kasama. Kaso sa loob ng isang linggo na panliligaw nito ay wala siyang maramdaman na kakaiba sa puso niya. He never makes her heart flutter. Na isang dahilan na hinahanap niya sa isang lalaking magugustuhan. Kaya nag-desisyon siyang patigilin na ito sa panliligaw nito at sinabi niya ang totoong dahilan. Na ang kaya lang niyang ma-offer dito ay pakikipagkaibigan. And Evrin was kind to understand him. Naging close na magkaibigan nga sila pagkatapos niyon. Mayamaya ay nagsiyayaan ang mga kasama nila sa table na sumayaw. Sa pagkakataon iyon ay tumanggi siya, gusto niyang makihalubilo sa mga ito pero wala siya sa mood na sumayaw ng sandaling iyon. "What about you, Evrin?" tanong ng isang lalaki kay Evrin. "Past. I'll stay here," tanggi nito. "Iwan na natin ang mga lovebirds dito," natatawang wika naman ni Aliyah, pagkatapos niyon ay sabay-sabay na ang mga ito na umalis sa harap nila at nagtungo na ang mga ito sa gitna ng dance floor. "Sorry," mayamaya ay narinig niyang wika ni Evrin ng maiwan silang dalawa sa mesa. "What are you saying sorry?" tanong niya. May sinabi ito pero hindi niya marinig dahil sa ingay ng tugtugin. "Ha?" Inilipat naman ni Ervin ang mukha sa kanya para marinig niya ang sinabi nito. "Ang sabi ko sorry. Dahil sa pag-stay ko dito ay tinutukso tuloy tayo," ulit na wika nito sa kanya. Ngayon ay malinaw na niyang narinig ang sinabi nito. She smiled at Ervin. "You don't have to say sorry. Wala ka naman kasalanan. At hayaan mo na lang sila," sabi naman niya dito. Isang ngiti lang din naman ang isinagot ni Evrin sa kanya. Pagkatapos niyon ay bahagya na nitong inilayo ang mukha sa kanya. Kinuha naman ni Ervin ang bote ng alak at nilagyan nito ang baso nito. "Drinks?" alok nito sa kanya. Inilapit niya ang wala nang laman na baso. "Thanks," nakangiting wika niya dito. At sa sumunod na sandali ay nag-uusap silang dalawa ni Evrin. Minsan ay inilalapit niya ang mukha dito para marinig nito ang mga sinasabi niya, ganoon din ang lalaki sa kanya. Kinamusta nga din nito ang bagong project niya. Sinabi naman niyang maayos naman iyon. "Baka kailangan mo ng Engineer?" natatawang wika ni Evrin. "I volunteer myself," dagdag pa na wika nito. "Why not?" sabi naman niya. Magaling na engineer si Evrin, mas mapapadali ang trabaho kapag kasama niya ito sa team. Masaya pa silang dalawa na nag-usap sa sumunod na na sandali hanggang sa hindi sinasadyang napatingin siya sa dereksiyon ng bar counter. At nanlaki ang mga mata niya na nakita si Frank do'n. He was sitting on the bar stool and his eyes were on his direction. At dahil malinaw ang mga mata niya ay kitang-kita niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. And of course, his brows furrowed. Pero nang makabawi si Bria mula sa pagkabigla ay nginitian niya si Frank. Pagkatapos niyon ay itinaas niya ang kamay para kawayan ito. Pero sa halip na kawayan siya nito pabalik ay inalis nito ang tingin sa kanya na para bang hindi siya nito nakita. The hell? "Who is that?" tanong ni Evrin nang tumingin ito sa tinitingan niya. "Oh, it's Frank De Asis?" Napansin niya ang panlalaki ng mga mata nito. "Frank De Asis?" balik tanong nito. "Yeah," sagot niya. Pagkatapos niyon ay nagpaalam siya saglit dito para puntahan si Frank. She wants to say 'Hi' to her boyfriend. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Bahagya niyang inayos ang hemline ng suot niyang puting sleeveless, bahagya kasi umangat at lumitaw ang manipis na tiyan. She was wearing white sleeveless and she paired it with blue skinny jeans. Nakasuot do'n din siya ng high heels kaya medyo tumangkad din siya ng konti. At habang naglalakad siya palapit kay Frank ay may iilan na lalaking humarang sa kanya para makipagkilala. Pero tinanggihan niya ang mga ito at tuloy-tuloy na naglakad palapit kay Frank. "Hi," bati niya ng tuluyan siyang nakalapit. Binalingan naman siya ni Frank. Ang mga bored na mga mata na naman nito ay tumitig sa kanya. "You are here din pala," nakangiting wika niya sa lalaki. "Why are you here?" malamig pero baritonong boses na tanong ni Frank sa kanya. "Nagkayayaan ang mga ka-work ko na pumunta dito," sagot ni Bria kay Frank, hindi nga niya inaalis ang ngiti sa labi niya. His stern expression remained unchanged. "I'm asking what are you here in front of me?" "Oh," sambit naman niya. "I'm here to say hi to my boyfriend," she teased him. "Boyfriend, huh?" he said sarcastically. Napansin nga din niya na tumingin ito sa likod niya. At nang sundan niya kung saan ito nakatingin ay nakita niyang nakatingin ito sa table nila kung saan nakaupo si Ervin. At mayamaya ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi ng may naisip siya. May ngiti pa din na nakapaskil sa labi niya nang ibalik niya ang tingin kay Frank. And his brows furrowed even more when he saw the smile on her lips. "Oh, did you think Evrin was my boyfriend?" tanong niya. Frank didn't say anything, he just stared at with bored looks. "And are you jealous of him?" hindi nga din niya napigilan na sabihin iyon dito. Frank serious face remained. At sa halip na sagutin siya nito ay bumaba ito ng bar stool na kinauupuan nito. Frank was towering over her. Nakasuot na siya ng heels pero kinakailangan pa niyang tumingala para magpantay ang paningin nila. At nahigit ni Bria ang hininga nang ilapit nito Frank ang mukha sa kanya. Their face almost inch apart. And his expensive perfume lingered in her nostril. "Jealous?" he asked her in a deep and baritone voice. Bria really wanted to close her eyes when his hot breath hit his face. He smell like a mint and a little bit of alcohol. Ang itim na mga mata ay nakatitig sa kanya. "Why should I be jealous? You are not my type in the first place," he said in a harsh voice. Bria doesn't like, Frank. But why did she feel a slight pain in her heart? Bubuka sana ang bibig ni Bria para sana magsalita nang mapatigil siya ng may lasing na mga lalaki na dumaan sa likod niya, nagtutulakan ang mga ito. At hindi sinasadyang naitulak ng isang lalaki ang kasama patungonsa kanya dahilan para mabunggo siya. And because Frank's face was close to hers, their lips accidentally touched when the man bumped her from behind. Nanlalaki naman ang mga mata ni Bria nang maramdaman niya ang mainit at malambot na labi ni Frank sa kanya. And he couldn't explain why Bria's heart was beating so fast at that moment when their lips touched.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD