PAGKATAPOS umalis ni Bria sa opisina ni Frank De Asis ay sa halip na umuwi ay dumiretso siya sa coffee ahop na madalas niyang tambayan. Ayaw niyang umuwi sa condo dahil malulungkot lang siya doon. Hindi naman siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil nag-leave of absence siya. Inilaan kasi talaga niya ang ang buong araw kay Frank pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay naudlot ang plano niya.
At naroon din siya sa nasabing coffee shop para um-order ng paborito niyang cake. Eating cake is one of her stress reliever. Kapag kumakain kasi siya ng cake ay kahit papaano ay nababawan ang stress o minsan ay lungkot na nararamdaman niya.
At nalulungkot siya ng sandaling iyon. Bakit? Dahil sa komento ni Frank sa mga design niya.
"I don't like the sample design you presented to me," naalala niyang wika ni Frank sa design na pinaghirapan at pinagpuyatan niya.
His words are like a dagger that stabs into her heart. Aaminin niya, nasaktan siya sa sinabi nito, na-apektuhan siya sa mga salitang sinabi nito sa kanya. Pakiramdam niya iyong self-esteem na pinaghirapan niyang buuin sa tuwing may hindi magandang komento ang ama sa mga gawa niya noon ay unti-unting nasira.
Sa isang salita lang ni Frank, pakiramdam niya ay mababasag siya. Humugot naman si Bria ng malalim na buntong-hininga. Dumiretso na din siya sa counter para um-order.
Um-order siya ng chocolate cake at frappucino. At habang ginagawa ang order niya ay naghanap naman siya ng mauupuan, mangilan-ngilan lang naman ang customer na naroon kaya malaya siyang makapili ng pu-pwestuhan.
Napili naman ni Bria pwestuhan ay sa tabi ng glass window. Hindi naman siya pinaghintay ng matagal dahil mayamaya ay sinerved na sa table niya ang order niya.
Pagkabigay nga ng staff ng order niya ay agad niyang nilantakan ang cake. At habang kumakain siya ng cake ay hindi niya napigilan ang mapatitig sa folder na nakalapag sa ibabaw ng mesa. Saglit siya doon napatitig hanggang sa damputin niya iyon at binuklat.
Tiningnan naman niya kung may mali ba doon. Kung hindi ba maganda. Well, it was her work, her design. But she thinks, there's nothing wrong with it.
O, sa tingin lang niya iyon. Dahil kung maganda iyon, kung walang mali iyon ay siguradong magugustuhan iyon ni Frank sa unang tingin pa lang nito.
Pero ni-reject agad iyon ni Frank. At hindi lang isa ang ni-reject nito, lahat ng sample design na pinakita niya.
Muli na lang niyang isinara ang folder at inilapag iyon sa mesa. At itinuon na lang niya ang atensiyon sa kinakain na cake. Nakakulumbaba siya habang sumusubo siya ng cake.
Abala si Bria sa pagkain ng cake nang mapatigil siya marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya tanda na may tumatawag sa kanya. Umayos siya mula sa pagkakaupo niya. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya.
Napakunot naman ang noo ni Bria nang makita at mabasa niya na unknown number ang tumatawag sa kanya. Hindi sana niya iyon sasagutin sa pag-aakalang prank call lang o hindi kaya galing ang tawag sa bank at mag-o-offer ang mga ito sa kanya ng credit card pero nagbago ang isip niya.
"Hello?" wika ni Bria ng sagutin niya ang naturang tawag.
"Hello, Ma'am. This is Jessa, secretary of Sir Frank," pagpapakilala ng kausap. Hindi naman niya napigilan ang pagkunot ng noo nang malaman kung sino ito.
"Hmm...yes?"
"Ma'am Bria, Sir Frank instructs me to call you," wika nito sa dahilan kung bakit ito tumawag sa kanya. "Busy po kasi siya sa susunod na mga araw at baka hindi po niya kaya maharap. Kung pwede daw po, kung may iba pa kayong design ay pwede niyong i-present sa kanya ngayon o mamayang hapon. His schedule is free now until afternoon," dagdag pa na wika nito sa kanya.
He is free? Pero naalala niya ang sinabi nito sa kanya kanina na marami pa itong gagawin?
"Oh, I'm sorry, Miss Jessa. But my free time is over. And...I don't have time to go back there since I am busy na," pagsisinungaling niya dito kahit na wala siyang ginagawa. Ayaw pa kasi niyang nakaharap si Frank, medyo masama pa ang loob niya. At kapag ganoon ang nararamdaman niya ay ayaw muna niyang may makaharap o makausap siya. "Pakisabi na lang sa boss mo na pupunta na lang ako diyan kapag hindi na siya busy," dagdag pa na wika niya. Hindi na nga din niya pinatagal ang pag-uusap nila dahil ibinaba na niya ang naturang tawag.
Inilapag na niya ang cellphone at muling nilantakan ang cake. Humugot nga din siya ng malalim na buntong-hininga bago siya tumingin sa gilid niya.
Ang layo-layo ng tingin niya ng sandaling iyon. At mayamaya ay hindi niya napigilan na igala ang tingin sa paligid nang maramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya. Pero wala naman siyang nakikitang tao except sa tatlong kotse na naroon. That includes her car. Medyo pamilyar nga sa kanya ang isang kotse na naka-park doon pero pinagkibit-balikat na lang niya.
Itinukod na lang niya ang siko sa ibabaw ng mesa at ipinatong ang baba sa kamay niya.
Halos mahigit kalahating oras nga siya sa naturang coffee shop hanggang sa naisipan na niyang umalis ng medyo kumalma na ang nararamdaman niya.
Pagkalabas niya sa nasabing establishemento ay naramdaman na naman niya na parang may matang nakamasid sa kanya. Pero wala naman siyang ibang nakita. Pinagkibit-balikat na lang niya iyon bago siya nagpatuloy sa paglalakad.
Pero napahinto ulit siya nang may madaanan siyang isang basurahan. At sa halip na lumapit sa kotseng nakaparada sa parkit lot ay lumapit siya sa basurahan.
Bumaba ang tingin niya sa hawak niyang folder.
That design was made for Frank. And because he rejected her design, she thinks that it is useless.
Isang tingin pa ang ibinigay ni Bria sa folder hawak niya hanggang sa dahan-dahan niya iyong itinapon sa basurahan.
"SIR FRANK, Ma'am Bria is already here." Narinig ni Bria na wika ng secretary ni Frank ng tawagin nito ang boss nito para ipaalam na naroon na siya. "Okay, Sir," mayamaya ay wika nito bago nito ibinaba ang intercom. "Pasok na daw po kayo, Ma'am Bria," nakangiting wika nito sa kanya ng mag-angat ito ng tingin.
"Thank you," sambit niya bago siya humakbang patungo sa pinto ng opisina ni Frank.
May appointment siya sa lalaki. Well, nabanggit sa kanya ng sekretary ni Frank ng tawagan siya nito na magiging abala ang boss nito sa susunod na mga araw kaya gusto ng boss nito na bumalik siya ng opisina para i-present niya ang ilang pang mga sample designs niya. Pero nang gabing iyon ay tinawagan siyang muli ng secretary ni Frank na postponed ang appointment nito kinabukasan at kung maaari ay magpunta daw siya doon para ipakita ang sample designs niya. Kinakailangan na daw kasi ni Frank para maumpisahan na daw ang construction ng expansion ng business nito.
And because Bria was already clear her mind, she said that she was going. Kaya ang ginawa niya ay muli siyang nag-sketch ng design na ipi-present niya kay Frank. Of course, she tried her very best to please him. At umaasa siya na magugustuhan na nito ang mga gawa niya. Pinag-isipan, pinag-hirapan at pinagputan pa naman niya iyon.
Kumatok na siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya. "Come in," he heard his baritone and deep voice.
Inihanda muna ni Bria ang ngiti sa labi niya bago niya pinihit ang seradura at saka siya pumasok do'n.
Agad naman tumuon ang tingin niya kay Frank na nakaupo sa swivel chair nito. Nakita niyang nakatutok ang atensiyon nito sa harap ng computer nito.
She stare at him for a moment and then greet him. "Good morning, Sir," bati niya sa lalaki.
Sa pagkakataon iyon ay nag-angat naman ito ng tingin sa kanya. Napansin niyang saglit itong nakatitig sa kanya, hindi naman niya inalis ang ngiti sa labi niya. Wala naman siyang mabasang emosyon sa mga mata nito ng sandaling iyon. "Take a seat, Miss Bria," wika ni Frank sa kanya, iminuwestra pa nito ang visitor chair sa harap nito.
Humakbang naman siya palapit dito at umupo siya sa harap nito.
"Sir, here's my other sample design that your asking for," wika ni Bria kay Frank sabay abot sa folder dito.
Tinanggap naman nito iyon. At nang makita niyang binuklat nito ang folder para tingnan ang mga design niya ay inalis niya ang tingin dito. Ayaw kasi niyang makita ang magiging reaksiyon nito kung sakaling hindi na naman nito magustuhan ang mga designs niya. Pero agad din naman niyang ibinalik ang tingin dito ng marinig niya ang sinabi nito.
"I like this one," wika nito sa kanya.
"Ha?"
"This design, I like it," wika nito sabay turo sa design na nasa folder.
Dumuwang naman siya para tingnan ang itinuturo nito at nakita niya ang unang design na ginawa niya. I just have one detail I want to add to your design. But overall, it's all good." Frank said in a baritone voice.
Saglit naman siyang hindi nakapagsalita pero nang makabawi ay agad niyang binuksan ang bag para kunin ang sketchpad at lapis niya. "Okay, Sir. Tell me what detail do you want to add?" wika niya kay Frank habang nakatitig na siya sa sketchpad niya habang hinihintay niya ang gisto nitong ipadagdag, hindi nga din maalis-alis ang ngiti sa labi niya, nakakaramdam kasi ng saya ang puso niya dahil nagustuhan na ni Frank ang mga gawa niya. To be honest, she was easy to please.
Pero mayamaya ay inalis niya ang tingin sa hawak na sketchpad nang hindi pa din sumasagot si Frank sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin. At nakita niyang nakatingin sa kanya si Frank.
"Yes?" tanong niya dito.
Bubuka sana ang bibig nito para magsalita ng mapatigil ito ng makarinig sila ng katok na nanggaling sa labas ng opisina nito.
"Come in." Narinig niyang wika ni Frank.
At mayamaya ay bumukas ang pinto ng opisina nito at pumasok do'n ang secretary nito at may bitbit itong tray na may lamang meryenda.
Nakangiting kinagat naman niya ang ibabang labi nang makita niyang chocolate cake ang laman niyon--its her favorite.
"Thank you, Miss Jessa," wika ni Frank ng ilapag ng babae ang hawak sa table.
Lumabas naman na ang babae. "You can eat first," wika ni Frank sa kanya.
Nakangiting tumango naman si Bria. Kapag favorite na ang usapan ay hindi niya iyon tinatanggihan.
Kinuha niya ang plato na may lamang cake. Pagkatapos niyon ay sinimulan na niya iyon kainin. Nakasapak nga ang tinidor sa bibig niya ng mag-angat siya ng tingin kay Frank.
And she was caught off guard nang makita niyang nakatingin si Frank sa kanya, lalo nang makita niya itong nakatingin sa gilid ng labi niya. Tinaasan niya ito ng isang kilay. "What?"
Sa halip naman na magsalita ay may kinuha ito sa drawer nito at inilapag nito iyon sa harap niya. At nang bumaba ang tingin niya do'n ay nakita niyang box of tissue iyon.
"Wipe the side of your lips," wika nito na nakakunot ang noo. "You're messy," dagdag pa na wika ni Frank sa seryosong boses bago nito itinutok ang atensiyon sa mga design niya.