Chapter 6

2404 Words
ANG sabi ng ama ni Bria ay walang puso daw si Franco De Asis pero bakit iba ang nakikita niya ng sandaling iyon sa sinabi ng ama sa kanya. Habang nasa hapag kasi sila ay hindi niya napigilan na mapatingin sa dereksiyon ng padre pamilya ng mga De Asis. Kanina pa kasi niya napapansin ang pag-aasikaso nito sa asawa nitong si Dana. Simula noong mag-umpisa silang kumain ay nakita niya ang pag-aasikaso nito sa asawa at ngayon ay sini-served na ang dessert ay inaasikaso pa din nito ang asawa. Si Franco nga ang nag-slice ng cake na dala niya at ito mismo ang naglagay sa plato ni Tita Dana. Sigurado ba ang ama niya na walang puso si Franco De Asis? Pero bakit ang nakikita niya sa sandaling iyon ay isang mapagmahal na asawa? Kanina nga din ng ipakilala siya ni Tita Dana sa asawa nito, hindi niya naramdaman ang sinasabi ng ama tungkol dito. Yes, he is cold but Tito Franco is warm inside. Ramdam niya iyon ng ipakilala siya ni Tita Dana. "Hmm...Bria?" Mayamaya ay inalis ni Bria ang tingin sa mag-asawa at inilipat niya iyon kay Denisse nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. Napansin niya niya ang kakaibang ngiti na nakapaskil sa labi nito nang magtama ang mga mata nila. "Do you want cake? Or do you want Frank to put a cake on your plate too?" Hindi naman napigilan ni Bria ang pamulahan ng pisngi sa sinabi nito, lalo pa noong maramdaman niyang lahat ng kasama niya sa hapag ay napatingin sa kanya. Mukhang napansin ni Denisse na pinapanuod niya ang magulang nito. Pasimple naman siyang napatingin sa katabi niyang si Frank ay napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilau nito. "I...want cake. But I can manage," sagot na lang niya kay Denisse. "Denisse, stop teasing, Bria," suway naman ni Danielle sa kapatid nito. "Sorry, Ate. But it's not Bria I am teasing. It's Frank," wika nito sabay sulyap kay Frank na hanggang ngayon ay tahimik pa din sa kanyang tabi, hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. "Don't mind them, hija. Just eat," wika naman ni Tita Dana sa kanya. "A-ako na po," mayamaya ay wika niya ng lagyan nito ng slice ng cake ang plato niya. "It's okay," wika ni Tita Dana. Hinayaan na lang naman niya si Tita Dana sa gusto nitong mangyari. "S-salamat po," sagot niya mayamaya. Tita Dana just smiled at her. Para namang may mainit na humaplos sa puso niya sa pag-ngiti nito sa kanya. Inumpisahan naman niyang kainin ang cake sa plato niya. "By the way, Frank. Have you found an architect for the expansion of your business?" Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin kay Tito Franco nang marinig niya ang sinabi nito. Nagkaroon kasi siya ng interest ng banggitin nito ang salitang architect. They looking for Architect? Pwede ba niyang ipakilala ang sarili? "Not yet, Dad," sagot ni Frank. "Hmm...I know someone. I recommend a good one to you," mayamaya ay singit ni Friedrich sa usapan ng ama at kapatid. "She's top of the board last year and she's good. Naririnig ko nga ang pangalan niya sa mga colleague ko." "What's her name?" Si Tito Franco ang nagtanong. Saglit namang hindi nagsalita si Friedrich. Mukhang inaalala nito ang pangalan ng sinasabi nito. Hinihintay nga din niya ang magiging sagit ni Friedrich. Sinabi nitong top sa board ang kilala nito last year? Kasabayan niya at baka kilala niya. "As far as I remember, I think her name is Bria Sanchez," sagot ni Friedrich. Hindi naman niya napigilan na mapaubo nang marinig niya ang pangalan niya na binanggit nito. Napatingin naman siya kay Frank nang maramdaman niya ang kamay nito na humaplos sa likod niya, inabot nga din nito sa kanya ang baso niya na may lamang tubig. Tinanggap naman niya iyon para inumin. "They have the same name as your girlfriend," komento pa ni Friedrich. Dahil ako lang din naman iyon, gusto niyang isigaw. "Okay. Send me her contact number. I'll call her," wika ni Frank kay Friedrich matapos nitong alisin ang kamay sa likod niya. "I'll ask my colleague her contact details first." Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang sarili na makisali sa pag-uusap ng mga ito. "No need, Friedrich," singit niya sa usapan ng mga ito. Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Friedrich. "What?" "No need to ask your colleague for her number," wika niya dito. "Do you have her contact?" "I'm the architect your talking about," pagpapakilala niya sa sarili. "I'm Bria Sanchez." Napansin niyang napatuon ang tingin ng lahat sa kanya. Mula nga din sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang pagsulyap ni Frank sa kanya. Well, she introduced herself to them a while ago. But she didn't say her background. Hindi niya sinabi na isa siyang architect dahil sa tingin niya ay hindi na necessary iyon. "Your girlfriend is an architect, Frank. But you look like you didn't know." Narinig naman niyang wika ni Denisse. Bigla namang sumikdo ang dibdib niya. Mukhang mahuhuli na siyang nagsisinungaling tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Frank. At alam niyang hindi siya pagtatakpan ni Frank, lalo pa at gustong-gusto nitong itama ang pagkakamali niya, gusto nitong sabihin niya ang totoo sa pamilya nito na hindi siya nito totoong girlfriend. Napayuko siya. Inihandan na din niya ang sarili sa paghingi niya ng sorry sa mga ito. "Of course, I know," sagot ni Frank dahilan para mapatingin siya dito. Her eyes were focus on him. At mukhang naramdaman nito na nakatingin siya dito dahil tumingin din ito sa kanya. "I'm not a fan of mixing business and pleasure," sagot nito bago nito ibinalik ang tingin kay Denisse. Her cheeks suddenly turn red. Pero nang makabawi siya sa pagkabigla ay humawak siya sa braso nito dahilan para lingunin siya nito. She smiled at him. "Don't worry, babe. When it comes to works. I'm very professional. I don't also mix business with pleasure," wika niya kay Frank. Napansin naman niya na unti-unting pagsasalubong ng mga kilay nito. Nginitian lang naman niya ito ng matamis. YAKAP-yakap ni Bria ang folder na naglalaman ng mga sample design niya ng lumabas siya ng elevator ng huminto iyon sa floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Frank. Wala siya sa De Asis Empire. Kundi nasa sariling kompanya siya ni Frank. Naroon siya hindi dahil sa kunwaring relasyon nila, naroon siya dahil sa trabaho. She was there to present her design as an architect. Noong nasa dinner sila ay sinabi nito sa kanya na dalhin niya ang design niya sa office nito para tingan. Kaya siya ngayon naroon sa kompanya nito. "Good morning, Ma'am," bati ng secretary ni Frank ng makalapit siya dito. Hindi ito iyong babaeng nakita niya sa De Asis Empire. Mukhang ang babaeng ito ang talagang secretary ni Frank. "Morning," bati din niya. "I'm here to meet, Sir Frank," wika ni Bria. She's here for work. So she has to be professional. Tinanong nito ang pangalan niya para i-check kung may appointment siya. "Oh, sorry, Ma'am Bria. But you don't have any appointment po today," sagot nito ng mag-angat ito ng tingin sa kanya. Bahagya naman kumunot ang noo niya. "Wala? Are sure?" "Yes po. Dinouble check ko na po, pero wala po kayong pangalan. The brute! Saglit niyang ipinikit ang mga mata, nagpakawala din siya ng malalim na buntong-hininga para kalmahin ang sarili. "Hmm...but Sir Frank is in his office? Can you call him and tell him I want to talk to him. Baka nakalimutan lang niya ang usapan namin," nakangiti pa ding wika niya. "Sorry, Ma'am. But Sir Frank is in the middle of the meeting." Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. "Oh, I'll just wait na lang him there," wika niya sabay turo sa visiting chair sa labas ng opisina nito. Gusto sana niyang sabihin na doon na lang siya sa opisina nito pero baka hindi siya payagan ng babae. Ano kaya kung magpakilala siyang girlfriend ni Frank para doon na lang siya sa opisina nito maghintay? "Sure, Ma'am," sagot nito sa kanya. "Anyway, do you like coffee or juice, Ma'am?" mayamaya ay alok ng babae sa kanya. Ngumiti naman siya. "Thank. But no, I'm good," wika niya. Pagkatapos niyon ay hunakbang na siya patungo sa visiting chair. Umupo siya doon. Inilagay niya sa kandungan niya ang hawak pati na din ang bag niya. Tiningnan din niya ang wristwatch na suot. She patiently waiting for him. It feels like de ja vou. Maghihintay ulit siya dito. At habang hinihintay ay hindi niya napigilan ang mapahikab. Medyo inaantok kasi siya, halos ala una na kasi siya ng madaling araw na natulog dahil may tinapos siyang plate. Hindi lang iyon, gumawa din siya ng tatlong bagong design na ipapakita niya kay Frank. She did her bery best para magustuhan nito ang design niya. Sa muling pagkakataon ay muli na naman siyang napahikab. Pinikit niya ang mata, wala siyang balak na matulog, pinikit lang niya dahil gusto niyang ma-relax ang mga mata pero hindi niya inaasahan na makakatulog pala siya. At naalimpungatan lang si Bria nang makarinig siya ng mga boses na parang nag-uusap. "How long has she been here?" "One and half, Sir." Kinukusot-kusot ni Bria ang mga mata bago siya tuluyan na nagmulat ng mga mata. At nanlaki ang mga mata niya nang makita si Frank na magkasalubomg ang mga kilay habang nakatitig sa kanya. Oh, s**t! Mura niya sa sarili. Bigla din siyang napatayo at nakalimutan niyang nasa kandungan pala niya ang bag at folder niya. At sa biglang pagtayo niya ay nahulog iyon mula sa sahig. Kumalat nga din ang ilang sample design niya. "Oh, s**t!" she cursed silently. Frank furrowed even more. Kagat namang ang ibabang labi na yumuko siya para pulutin ang mga nahulog niya, agad naman siyang tinulungan ng secretary nito. "T-thank you," nakangiting wika niya sa babae ng maibigay nito sa kanya ang mga napulot nito. Umayos na din siya mula sa pagkakatayo niya. Tumingin siya kay Frank, nakatingin pa din ito sa kanya at ganoon pa din ang ekspresyon ng mukha nito. "Come to my office," he said in a cold and baritone voice. Hindi na nga din siya nito hinintay na magsalita, tumalikod na ito at humakbang na papasok sa loob ng opisina nito. "Sorry po, Ma'am Bria. " napatingin siya sa sectretary ni Frank na marinig niya ang paghingi nito ng sorry sa kanya. Hindi naman niya alam kung para saan ang paghingi nito ng sorry sa kanya. Pero gayunman ay nginitian niya ito. "It's okay," sagot niya dito. Pagkatapos niyon ay sinundan na din niya si Frank sa loob ng opisina nito. Nakita niya ito na tinatangal nito ang suot nitong tuxedo--leaving his white long sleeves. At pagkatapos niyon ay umupo ito sa swivel chair nito. Nginitian naman niya si Frank nang mag-angat ito ng tingin sa kanya. Napansin niyang saglit itong natigilan habang nakatingin ito sa kanya pero nang makabawi mula sa pagkabigla ay nagsalita ito. "Take a seat." His voice is serious. Yakap pa din niya ang folder ng humakbang siya palapit dito. Umupo siya sa visitor chair sa harap nito. Napansin niyang parang may gusto itong sabihin sa kanya. "May sasabihin ka ba?" Hindi na siya nakatiis, tinanong niya. Frank just took a deep breath. "Let's get down to the business," wika na lang nito. "Marami pa akong gagawin." "Oh," sambit niya. Umayos siya mula sa pagkakaupo niya. "Here's my sample design, Sir," wika niya sabay abot sa hawak na folder. "Sir?" balik tanong nito. "Why are you calling me Sir now?" Kinagat naman niya ang ibabang labi habang nakatingin siya dito. "I told you, Sir," binigyan diin niya ang salitang 'Sir' dito. "I don't mix business with pleasure," pagpapaalala niya, nginitian pa niya ito ng matamis. Hindi naman ito nagsalita, kunot ang noo na kinuha nito ang hawak na folder sa kanya. Ganoon pa din ang ekspresyon ng mukha nito habang binubuklat nito ang mga sample design niya. Kampante naman siyang magugustuhan nito iyon dahil talagang pinag-isipan niya. At dahil busy pa ito ay pinagsawa na lang niya ang mga mata na titigan ito Frank is really handsome even his brows furrowed. Kahit anong angle niya ay gwapo pa din nito. Seryosong-seryoso nga ito. At mayamaya ay nginitian ulit niya ito ng mag-angat ito ng tingin. Bumaba naman ang tingin niya sa folder na hawak nito ng isara nito iyon at ipinatong sa table nito. "Wala na ba?" mayamaya ay tanong nito. "Ha?" "Do you have any sample design with you?" ulit na wika nito. "I don't like the sample design you present to me." Nawala naman ang ngiti sa labi niya sa sinabi nito. It's that it, Bria? Wala ka na bang mas igagaling? You're design is trash, naalala ni Bria na wika ng ama ng minsang ipakita niya ang sample design niya dito. At nang sabihin ni Frank na hindi nito gusto ang mga design niya ay naalala niya ang masasakit na salita na sinabi ng ama sa kanya. Kinagat ni Bria ang ibabang labi ng maramdaman niya ang pamamasa ng magkabilang mata niya. Kumuyom din ang kamay niya na nasa kandungan niya. Please not now, wika naman niya sa luhang gusto ng pumatak sa mga mata niya. Pasimple niyang iniwas ang tingin kay Frank dahil ayaw niyang makita nito ang sakit na bumalatay sa mga mata niya. Itinuon niya ang tingin sa folder na nasa mesa. Kinuha niya iyon at saka niya niyakap. "G-ganoon ba, Sir," wika na lang niya. She tried her best to look up to him. Titig na titig ito sa kanya. Pilit naman niya itong nginitian. "I'm sorry, I don't have any design with me," wika niya. Humigpit ang pagkakawak niya sa folder. "But maybe next time, I'll bring my other sample design, Sir," dadag pa niya. Akmang bubuka ang bibig ni Frank ng mapatigil ito ng tumayo siya. "H-hindi na din ako magtatagal, Sir. Babalik na lang ulit ako bukas," paalam na niya. Hindi na din niya ito hinintay na magsalita. Mabilis na siyang tumalikod dahil ramdam niyang anumang sandali ay papatak na ang luha sa kanyang mga mata. Pagkatalikod nga niya ay saktong pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Mabilis niya iyong pinunasan at saka siya humakbang palabas sa opisina nito. Pero bago pa siya makalabas ay narinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya pero nagkunwari siyang hindi niya ito narinig at tuloy-tuloy siya sa paglabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD