Chapter 5

2111 Words
KAGAT-kagat ni Bria ang ibabang labi habang palipat-lipat ang tingin niya sa apat na dress nakalapag sa ibabaw ng kama. Hindi kasi siya makapag-isip ng isusuot niya sa dinner ng pamilya De Asis. At dahil ipinakilala niya ang sarili na girlfriend sa dalawang nakakatandang kapatid na babae ni Frank ng hindi sinasasadyang ma-meet niya ang mga ito ay naimbitahan tuloy siyang sumama sa family dinner ng mga ito para makilala siya ng parents ng mga ito. To be honest, she wanted to refuse but she changed her mind eventually. Bakit? Dahil naisip niyang perfect timing iyon para mapalapit siya sa pamilya De Asis. Perfect timing iyon para sa plano ng ama niya na mapalapit siya, hindi lang kay Frank, kundi na din sa pamilya nito. At least hindi na siya mahihirapan na gawin ang plano niya becauae she already there. At alam ni Bria na napilitan lang si Frank na isama siya dahil kina Danielle. At isinama siya nito hindi dahil gusto nitong ipakilala siya sa magulang nito isinama siya nito dahil gusto nitong itama niya ang ginawa niyang pagsisinungaling. "I'll bring you to our family dinner tonight. And I want you to fix your mess," naalala ni Bria na wika ni Frank sa kanya. Well, sasama siya dito hindi dahil para itama iyon, kundi ipagpapatuloy niya ang pagpapanggap na gilfriend nito. Hindi niya susundin ang gusto nitong gawin niya. She's already there at hindi niya iyon sasayangin. Ipinagpatuloy na ni Bria ang ginagawa, hanggang sa napili niyang isuot ang isang mini dress na kulay maroon. Puff sleeve dress iyon. Hindi naman iyon masyadong revealing pero classy pa ding tingnan. Kinuha niya iyon at kanyang isinuot. Kanina pa din siya nakaayos, nahirapan lang talaga siya sa pamimili ng isusuot niya. Gusto kasi niyang maging presentableng tingnan sa dinner ng De Asis. Gusto niyang magpakita ng magandang impression sa mga ito. Hindi kasi basta-basta ang pamilya De Asis. They were a wealthy family. They were on top when it comes to business. At ayon sa ama ay dahil daw iyon sa pagiging tuso ni Franco De Asis sa business world. Tiningnan ni Bria ang kabuuan sa full length mirror. Hindi niya napigilan ang mapangiti ng ma-kontento sa sariling ayos ng sandaling iyon. Light make-up lang ang ginawa niya sa kanyang mukha. In-empahize lang niya ang magandang features ng mukha niya, lalo na ang mga mata niya. Almond-shape ang mga mata niya at kulay brown At kapag ngumingiti siya ay kumikinang iyon. Matangos din ang ilong niya at mapupula at manipis ang kanyang labi. Maganda din ang hubog ng katawan niya kahit na hindi siya katangkaran. She had the perfect curves in the right places. Marami ngang lalaki nagkaka-gusto sa kanya. But why Frank is not one of them? "You're not my type either," naalala niyang wika ni Frank sa kanya ng sabihin niyang hindi niya ito type ng tanungin siya nito kung gusto ba niya ito. Yes. She lied when she said those words. To be honest, Frank is his ideal man. But he is off-limit. Alam niya ang limitasyon niya, hindi niya ito pwedeng magustuhan dahil sa plano niya. Gusto niyang magtagumpay sa plano para maging proud sa kanya ang ama, para matupad ang pangarap niya na tanggapin siya nito at magkaroon din siya ng pamilyang matatawag. Bata pa kasi siya ay pinangarap na niya iyon. Bria must concentrate on her plans and not on other things. Mayamaya ay inalis ni Bria ang tingin sa sariling repleksiyon sa salamin ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Humakbang siya palapit sa bedside table kung saan nakalapag ang cellphone niya. Kinuha niya iyon para tingnan kung sino ang nagpadala ng message at nakita niyang si Frank iyon kaya dali-dali niyang binasa ang message nito. "Come down. I'm outside of your building. Don't make me wait." Napanguso si Bria nang mabasa niya ang text message nito sa kanya. Pati sa paraan ng pag-text nito ay sungit nito. Wala man lang greetings. Bago siya umalis sa opisina nito kanina ay kinuha pa ng lalaki ang contact information niya. He insist to fetch her, kaya pati ang address ng condo niya ay kinuha din nito. She took a deep breath. Isinuot na din niya ang flat sandals niya, kinuha din niya ang sling bag at saka na siya lumabas ng kwarto at dumiretso na din siya palabas ng condo. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din siya sa labas. Agad niyang iginala ang tingin para hanapin kung saan ang kotse ni Frank. Mayamaya ay napatingin siya sa itim at mamahaling kotse ng marinig niya ang pagbusina niyon. At mayamaya ay bumukas ang bintana ng kotse sa may driver seat at nakita niya ang seryosong ekspresyon ni Frank. Humakbang naman siya palapit dito. "Hop in," wika nito sa baritonong boses bago nito isinara ang bintana. "What a gentleman," she whisper in the air. Hindi man lang kasi ito bumaba para pagbuksan siya ng pinto. At sa halip na sa passenger seat siya sumakay ay naisipan niyang sa backseat. Pero akmang bubuksan niya ang pinto do'n ng mapakunot ang noo niya ng hindi niya mabuksan. It's lock. Muling bumaba ang bintana sa may driver seat at sumilip do'n ang magkasalubong na mukha ni Frank. "I'm not your driver, woman. Sa passenger seat ka," masungit ang boses na wika nito bago muling sinara ang bintana. She took a deep breath again. Lumapit siya patungo sa passenger seat. Binuksan niya ito. At pagkasakay ay agad na niyang naamoy ang pabangong amoy nito na nanuot sa ilong niya. He smell really nice. Isinuot na niya ang seatbealt niya. At nang makita iyon ay agad na nitong pinaandar ang kotse paalis. Wala namang imik si Frank at mukhang wala itong balak na kausapin siya. Pasimple naman niya itong sinulyapan. At kahit naka-side ito ay kita niya ang pagsasalubong ng kilay nito. Bumaba naman ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa manibela. Nakasuot ito ng puting long sleeves at ang manggas niyon ay nakatupi hanggang sa may siko. Kita niya ang mamahaling relo nito at pansin niya ang ugat sa braso nito. "Done checking me?" Mayamaya ay napakurap-kurap siya ng mga mata ng marinig niya ang tanong nitong iyon. At tingin ay nanatili sa kalsada. At mabuti na lang at do'n ito nakatingin dahil hindi nito nakita ang pamumula ng pisngi niya. "E-excuse me? But I'm not checking on you," tanggi niya. Hindi ito nagsalita, pero sumulyap naman ito sa kanya. Bakas sa ekspresyon ng mukha nito na hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Hindi naman na siya nagsalita, baka kapag nagsalita pa siya ay magmukha siyang defensive. Iniwas na lang niya ang tingin dito at saka siya tumingin sa labas ng bintana. Namayani na din ang katahimikan sa sumunod na sandali. At nang may madaanan nila ang paborito niyang bilihan ng cake ay muli siyang sumulyap kay Frank. "Hmm...pwede bang idaan mo muna diyan saglit?" wika niya sa lalaki sabay turo sa nasabing eatablisyemento. Napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. "And why?" "I will buy a cake," sagot niya. "And by the way, what flavor of cake your moms wants?" tanong niya kay Frank. "And why are you asking?" Gusto niyang ipaikot ang mata sa harap nito dahil sa halip na sagutin siya nito ay tanong din ang binabalik nito sa kanya. "Well, I'm meeting your parents. At importante na may ibibigay ka sa kanila. "You're not meeting my parents to have a good impression. You're meeting them to fix your mess." Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito sa sinabi niya. "You're not meeting my parents to leave a good impression. You're meeting them to fix your mess," wika naman nito sa kanya sa malamig na boses. "Okay. But still, I want to buy a cake for your mother," wika niya. Frank glared at her once again. "A sorry cake for me lying as your girlfriend," she continue when she met his cold gaze. "GOOD evening, Sir, Ma'am," bati ng isang katulong sa kanila ni Bria nang makapasok sila sa napakalaking mansion ng pamilya ni Frank. Malaki ang mansion ng ama pero mas malaki ang mansion ng mga De Asis. Hindi lang iyon, magaganda din at siguardo siyang mamahalin ang mga furnitures do'n. The mansion was classy and elegant. "Frank, Bria." Mayamaya ay sabay sila ni Frank na napatingin sa gilid ng marinig nila ang pamilyar na boses na iyon. At nakita niya ang nakangiting mukha ni Denisse na naglalakad palapit sa gawi nila. Gumanti nga din siya ng ngiti nang makalapit ito sa kanya. "Hi, Ate Denisse," bati ni Bria sa babae ng tuluyan itong nakalapit. "Hi," ganting bati din nito sa kanya matapos nitong halikan siya sa pisngi. "Mabuti naman at sumama ka kay Frank," nakangiting wika nito sa kanya. "I didn't have the heart if I refuse your invitation, Ate," wika naman niya. "Where are they?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. "Oh, nasa dining table na sila. They are waiting for the two of you," sagot nito. At mayamaya ay um-abrisyete si Denisse sa kanya. "Tara na?" yakag na nito sa kanya. "Mom wants to meet you na." At bago siya akayin ni Denisse ay napatingin siya kay Frank at napasinghap siya nang makita niya na nakatitig ito sa kanya. His eyes were telling him something na para bang pinapaalala sa kanya ang usapan nilang dalawa. Bria just smiled at him at saka na siya nagpahila kay Denisse. At nang marinig niya ang mga boses patungo sa dining table ay bigla siya nakaramdam ng kaba. Hindi naman niya iyon naramdaman kanina pero ngayon ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Her father tells her that Franco De Asis is a heartless man. And what if she experiences tonight how heartless he is? She took a deep breath to calm herself at mukhang naramdaman iyon ni Denisse dahil sinulyapan siya nito. "Nervous?" tanong nito. Tumango naman siya bilang sagot. "You don't have to. My parents are nice," sagot nito sa kaya. "Except for my brothers," dagdag pa na wika nito sabay sulyap kay Frank na nasa likuran nila. "What the f**k are you saying?" Si Frank. "Sinisiraan kita kay Bria," wika nito sa kanya sa natatawang boses. "Oh, don't get mad. Muklang love ka naman ni Bria kahit na ganyan ang ugali mo," dagdag ni Denisse. Napaubo naman si Bria sa narinig niyang sinabi ni Denisse. "You okay?" mayamaya ay tanong ni Denisse sa kanya ng marinig nito ang pag-ubo niya. "I'm...okay," sagot niya at pasimple siyang tumingin kay Frank ay nakita niya na nakatingin ito sa kanya. And his expression is hard to read. Inakay na muli siya ni Denisse sa paghakbang at nang makapasok sila sa loob ng dining table ay agad na napatuon ang tingin niya sa mga taong naroon. At mukhang naramdaman ng mga ito ang presensiya nila dahil sabay-sabay na nag-angat ang mga ito ng tingin sa kanya. "Frank and his girlfriend is already here na, Mom," anunsiyo ni Denisse. Napatingin naman si Bria sa babaeng tumayo mula sa pagkakaupo nito. Napatitig siya dito nang makita niya ang hitsura nito. Nakita na niya ang mukha nito sa mga litrato at masasabi niyang maganda ito. Pero mas maganda pala ito sa personal. Ang amo ng mukha nito at parang wala pa itong edad. Para ngang kapatid lang ito nina Denisse. Nakangiting lumapit ito sa kanya. "Bria, right?" "Opo, Ma'am," magalang naman sagot niya. "Ma'am? You're my son's girlfriend. You can call me, Tita Dana," wika nito sa kanya. "Sige po, T-tita Dana." Ngumiti ito at mayamaya ay nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin. Saglit nga din siyang natigilan at hindi niya maintindihan ang sarili, habang yakap siya ni Tita Dana, habang ramdam niya ang init ng katawan nito ay parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. "It's nice to meet you, Bria. And welcome to our family," wika nito ng pakawalan siya nito mula sa pagkakayakap. May kakaibang emosyon na bumalatay sa mga mata niya habang nakatitig siya kay Tita Dana. "T-thank you po," magalang naman na sagot niya. Pagkatapos niyon ay itinaas niya ang isang kamay na may hawak na isang box ng cake. "Hmm...para sa inyo po pala," mayamaya ay wika niya. "Nabanggit po ni Frank na mahilig din po kayo sa chocolate cake," nakangiting wika niya. "Oh, hindi ka na sana nag-abala pa. But thank you and yes, it's my favorite," wika ni Tita Dana. Kinuha nito ang cake na inaabot niya. "Come. I'll introduce you to my husband and my children," wika ni Tita Dana, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na sulyapan si Frank sa likod niya ng akayin na siya ni Tita Dana para ipakilala siya sa pamilya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD