"THANK you po, Mama," wika ni Brylle kay Bria nang matapos niya itong tulungan na gawin ang homework nito. Nakangiting ginulo naman niya ang buhok ng anak. Hindi naman nahirapan si Bria sa pagtuturo dito dahil likas na matalino ito. Mabilis kasi nitong nakukuha ang itinuturo niya. Mukhang may pimagmanahan. "You're welcome, Kuya. Kapag may tanong ka, nando'n lang ako, ha?" wika niya dito sabay turo sa maliit na sofa na gawa sa kahoy. Tumango naman ito sa kanya. "Opo, Mama." Nginitian muli ni Bria si Brylle bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa maliit na carpet kung saan nakasalampak ang anak niya. Pagkatapos niyon ay humakbang siya palapit sa sofa na naroon. She sat back, leaning against the backrest with her eyes closed. Pagod si Bria nang sandaling iyon dahil tumulong siya s

