Scratch 6

1913 Words
Scratch 6   Pabalibag na ibinato ni Andy ang backbag sa kanyang kama. Casual na itinapon naman ng isa ang sa kanya, sa tulugan at nagdive pa. Kagaya ng nakagawian, inilaglag nila ang pinaghubarang uniform na polo shirt sa sahig. Si Andy, hayun at madiing-madiin ang pagpindot sa bagong biling PS5. Kabibili lang last week, may plastic pa, kaso ginutay-gutay na nilang dalawa. Kung langgam lang ang game console, marami na siyang natiris. Samantala, tuloy na tuloy pa rin ang pagtapos ni Ark sa binabasang fantasy novel. Tatlong chapters na lang. “Game Over.” Eh paanong hindi mage-game over? Puro bot kalaban niya. Mga bobong bot. Akala mo kung sinong magaling, algorithm lang naman. Madaya. Boring. This is not fun at all. Come on, where’s the challenge? He stared at his twin which smiled at him. He smiled back…. devilishly. “Ah, ganon, ha.” Mabilis na nagmartsa palabas ng kwarto si Andy. Inutusan niya ang isa sa mga katulong na bigyan siya ng box. Pagkatapos, masamang tinitigan ang kakambal na nagbabasa pa rin hanggang ngayon ng The Magician’s Lair. Ini-slide na niya ang sliding door ng glass cabinet at pinagtatabig pakalat sa sahig ang lahat ng mga magic wand collection ni Ark na tinapakpakan at pinagtatapon niya nang may ngiti sa kanyang mga labi. This is strangely satisfying. Humablot siya ng isa at binali, pero sobrang tibay nito. Kaasar! Itinupi ni Ark ang isang pahina at isinara pansamantala ang binabasa. Chill lang niyang pinanood ang pagpapapansin ng kambal. Isang ngisi ang nakatakas sa kanya. Salamat kay Andy, may rason na siya para mabilhan ng bago. Bibili siya ng mas mahal, mas maganda, latest, at high-tech. kaya ang lihim na mensahe niya para sa kapatid: ‘Sunugin mo pa yan kung gusto mo.’ Nang biglang may pumasok. Si Anderson. Mga wasak na laruan. Mga damit na nakahandusay. “Hala! Ano na naman ba’to, jusko ka Anderson!” sigaw ni Aling Rachelle. “Bakit mo ito ikinalat? Nako naman!” Nandahil sa kunsumisyon, maagang namuti ang buhok ng ale. Fifty years old pa lang siya pero almost one fourth na ng buhok niya ang kusang nag-bleach. Napakamot siya ng ulo sa inis habang pinupulot ang mga wand ni Ark. Ibinalik niya sa ayos ang iba, sa loob ng glass box, pagkatapos ay isinama sa labada ang mga uniform na nasa sahig. Humiga si Andy sa kama at Nintendo switch naman ang pinagdiskitahan. Slight na lang ang kunot sa kanyang noo. Focus sa laro na lang ang nasa isip niya sa ngayon. Sinira na ni Aling Rachelle ang stress-relieving method one niya. Now, next. Lintik lang walang ganti. “Breakfast na mga, bata!” anunsyo ni yaya. Pinagmasdan ni Andy ang bagong lapag na toasted breads, at lalo na ang garapon ng Nutella. Tamang-tama ang dating ni Ark. Nilakihan niya ang scoop ng palaman at dali-daling isinubo. “Hoy! Akin yan! Ang Nutella ko, gago,” sita ni Ark. Mas binilisan pa ni Andy ang pagscoop. Tinangkang hablutin ni Ark ang Nutella sa atribidang kapatid pero mahigpit ang pagkakahawak nito. Wala siyang planong bumitaw. Pero wala ring planong sumuko si Ark. Sa kanya lang ang Nutella niya, hayop na Andy ‘to. Sa isang malakas na hila, akala ni Ark ay mababawi na niya ang kanya. Pero dinuraan ni Andy. Pumuputok-putok pa ang mga bula sa paborito niyang palaman at pacute na ngumiti. Bumitaw si Ark. “Alam mo? Tangina mo!” Bumunghalit ng tawa si Andy. Tawa ng panalo laban sa isa diyang asar talo. Victory! -XXX- “Andy, drawing book mo.” Iniabot ni Sigmund ang isang kulay itim na drawing book. Mayroon itong makapal na cover, at may nakaburdang VF na insignia – ang simbolo ni Ppela sa pinakaibabang kanang bahagi ng cover at meron din sa gitna ng pinakaunang pahina ng drawing book. “Nice. Baka mumurahin to ah.” “Ah….”  Hindi alam ni Sigmund ang isasagot. Dahil sa totoo lang, wala naman talaga siyang alam sa presyo ng drawing books dahil ibinigay lang iyon nang libre sa kanya ni Ppela. Wala silang kaalam-alam na ang halaga ng mga items ni Ppela ay walang katumbas. Mas mahal pa kesa sa kahit na anong uri ng dyamante o ginto. “Eh yung akin, asan na?” Singit ni Ark na umakbay kay Andy at pajoke na sinakal ang kakambal. “Uggh.Papatayin mo ba’ko?” “Pakyu!” Kaninang umaga lang ay na-badtrip si Ark sa kakambal dahil inubos nito ang paborito niyang palaman sa creambread. Simula bata pa ay paboritong paborito nilang dalawa ang Nutella.  Iyon lang ang pagkaing hindi niya pagsasawaan kahit kailan. Noong bata pa sila, minsan na ring pinalitan ng yaya nila ang palaman ng cheezwiz at strawberry jam kaya nagtrantrums siya at naghunger strike hangga’t hindi ibinalik ang Nutella. “Uggh. Sorry ka na lang. Ako ang nakauna eh. Pabili ka nalang.” “Ayoko. Palitan mo yun!” Pero ang totoo, tinatamad lang talaga si Ark. “Easy. Hoy, Sigmund!” tawag ni Andy. “Oh? Ah, ark ito na.” Ibinigay na ni Sigmund ang isa pang drawing book. Kapareha ng disenyo ng kay Andy ngunit ang nag-iba lang ay brown ang kulay ng cover nito. “Bilhan mo ko ng Nutella. Ibigay mo mamayang lunchbreak.” Bumitiw si Ark sa pagkakasakal sa kapatid niya. “Nice! Haha. Gusto ko yan.” “Mamayang lunch break? Ilan?” “APAT.” Sabi ni Andy nang may diin. Napangisi naman si Ark. Apat na Nutella, solo niya? Hmm. Ayos din ‘tong kakambal niya eh. Kaso, ang hindi niya alam, may nilulutong pantitrip para sa kanya ang kakambal. Bago niya makuha ang pinakaasam-asam nitong Nutella, pahihirapan niya muna ito mamaya pagdating sa bahay nila.  “Yan ang gusto ko sa’yo Sigmund. Maaasahan ka talaga,” pang-uuto ni Andy. At ang inosenteng si Sigmund, ngumiti naman, tuwang-tuwa na nakatulong sa kanyang kapwa.   “Oo nga.hahahaha,” segunda ni Ark at para namang nagkatelepathy ang kambal ng sila’y nagkatinginan. Bigla nalang silang natawa. “Hehe. Wala yun. Sige. Aalis na’ko. Andyan na si Sir.” Malayo pa lang, natanaw na ng III- Cassiopeia ang pagdating ng isang lalaking matangkad na nasa 50’s na ang edad. Bagaman may nakaharang na reading glass sa kanyang mga mata, ay mararamdaman mo pa rin ang bagsik ng awra niya na sinamahan pa ng makapal at nakakunot niyang mga kilay. Kahanga-hanga ang pagiging presentable nito sa katawan. Nakahati sa gitna ang kulot nitong buhok na parang ahas ni medusa. Plantsadong plantsado ang kanyang green polo, at itim na slacks. Kumikintab sa linis ang kanyang black shoes. Siya ang striktong guro ng III- Cassiopeia at III- Andromeda sa Araling Panlipunan. Si Allan Fernando Domingo. O mas kilala bilang si sir “Domeng” bilang kanyang palayaw.  Parang mga dagang nagmamadali na bumalik sa kani-kanilang mga upuan ang lahat. Inilapag ng guro ang kanyang mga gamit sa lamesa at saka bumati sa mga estudyante. “Magandang umaga sa lahat.” “Magandang umaga po, Ginoong Domingo.” Kakaunti lang ang bumati gamit ang malakas na boses at ang iba nama’y bumati nang walang kagana-gana as if tinatamad at pagod na sa umaga. Uupo na sana ang karamihan kaso.. “Sinong nagsabing pwede kayong maupo!” Kinabahan ang lahat. Kadalasan kasi pagkatapos magbatian ay papaupuin na ang mga estudyante. Pero ano na naman ba ang kasalanan nila? Bumalik sa pagkakatayo ang iba, at nanatiling tahimik ang lahat. Walang nagtatakang mag-ingay at gumalaw. Isang maling salita at galaw, siguradong lintik ang aabutin nila kay sir Domeng. Tested and proven na iyan. ‘Ano na naman? Daming satsat ng panget na’to.’ Seryosong seryoso at mabigat ang atmosphere sa loob pero iba ang kambal. Pigil ang kanilang mga ngiti at tawa dahil sa mga kabulastugang iniisip nila. Sa isip ng kambal ay pinagtatawanan na nila ang guro. Ini-imagine nilang lumaki ang butas ng ilong nito at naglalabas ng apoy o di naman kaya’y humaba ang front teeth at kung ano-ano pa. “Ano kayo? Hindi kumain? Ang aga- aga pinapainit ninyo ang ulo ko! Umayos kayo. Para pagbati lang ay hindi niyo pa magawa? Akala ko ba star section kayo?   Kung sa ganito ka simpleng bagay ay tamad ka, ang mabuti pa ay lumabas ka nalang. Hindi ka nababagay rito sa star section. Intindi niyo?” “Isa pa,” pang-anim na niyang sinabi ito.  Pinaulit-ulit ni sir Domeng ang pagbati hanggang sa makuntento siya. Sa wakas ay nakaupo na rin ang lahat. “Okay. Saan tayo huminto ng nakaraan?” One. Two. Three. Four. Five.   Wala pang may nagvo-volunteer kaya naman nagtaas na ng kamay si Sigmund para maging savior nanaman ng klase. Kapag kasi walang nagrecite ay tiyak na magpapa-quiz si sir Domeng o hindi naman kaya’y tatawag siya ng pangalan na mapagti-tripan niya at kapag mali ang sagot? Disappear. Disintegrate. Evaporate. “Mr. Yanson.” “Last meeting sir, we have already tackled about the history of Japan, China and Korea.” Tumingin si Sigmund sa kanang bahagi ng peripheral view niya para alalahanin pa nang mas detalyado ang natutunan niya.  “Ah, for example in China and Korea, during the early dynasties, Chinese and Korean people practice kowtow or kissing of the floor while bowing as a sign of respect for their king or emperors. They also choose their emperor or king through bloodline but in case a a successor is not possible or the ruling becomes very chaotic and unfortunate events start to occur such as drought, epidemia, and typhoon, people believe that their leader is cursed or he is not the chosen one or also known as the son of heaven.” Naupo na si Sigmund. Dinugtungan naman ni Ginoong Domeng ang sagot ng nauna. “At tiyak na mapapatalsik sa puwesto ang hari o ang emperador. Kung ganon, alam niyo ba kung paano nila pinipili ang papalit sa trono?” dilat na dilat ang mata niyang pinakatitigan ang bawat isa. Tatlong segundo ang hinintay niya, pero natuod ang mga mag-aaral sa kanilang mga upuan. Kaya siya rin ang sumagot sa sariling tanong. “Ang prinsipe na pinakamalapit sa dugong bughaw o royal blood ang pipiliin. Nagpupulong rin ang mga iskolar kung sino ang pinakamagandang kandidato. Mahalaga ang pagiging matikas, matalino, at kapangyarihan ng pamilya.” Hinahabol ng kanilang mga kamay ang mga salita ng guro. Karamihan ay nakayuko, pero hindi lahat nagsusulat. ‘Blablabla.’ ‘Boring.’ Walang ganang makinig sina Andy at Ark. Alam na nila iyan kaya bakit pa sila makikinig? Aantayin nalang nilang magdismissal. Mas masayang magdrawing na lang at magdoodle bilang pampalipas ng oras. Binuksan ni Ark ang kanyang drawing book. Sa unang pahina nito ay may mga letra na katulad ng sa cover page. Sa baba nito ay may blangkong linya para sa pangalan at pirma. Sinulatan niya nalang at pinirmahan para may magawa. Sumulyap si Andy sa kakambal. Nakita niyang may sinusulat ito sa drawing book at dahil gaya-gaya siya sa kakambal, binuksan niya rin ang drawing book niya at ginawa rin kung ano ang ginagawa ni Ark. Katulad ng lagi nilang ginagawa, nagsimula silang magdoodle at gumuhit sa pinakalikod na bahagi. Ang hindi nila alam, habang tinitiklop nila ang pahina ng drawing book papunta sa likod na pahina, napalitan ng sketch portrait ng mukha nila ang pahinang pinirmahan at pinangalanan. Sa mga oras na iyon, biglang napadilat ng mata si Ppela. Umilaw ang insignia sa kanyang noo at isang kakaibang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Isang senyales na ibig sabihin, At wala silang kamalay-malay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD