Scratch 7
Nagsimulang i-sketch ni Ark si Franco. Ano pa nga ba at nilagyan niya ito ng makapal na kilay katulad ng kay Rock Lee, malaking butas ng ilong, at alternate na pagka-itim ng mga ngipin.
Tamang-tama ang timing. Nang patayuin si Franco, may naramdaman siyang kakaiba sa mukha niya. Bakit parang bumigat yung kilay niya?
Ampangit! Pinigilan ni Arwin ang namuong tawa. “Pfft..”
Pero kung anong pigil niya, siya namang walang pakealam si Anderson. Bumunghalit na ito ng tawa kaya pati tuloy siya napasabay. May pahampas-hampas pa ng hita at ng arm sa chair ang dalawang kolokoy.
“Gusto niyo ba ng horror? Franco tingin ka sa salamin!”
“May mas ikaka-panget ka pa pala, Franco bulaho?”
“Smile nga diyan! Smile ka Franco! Hoy!”
“Wow. Nag-level up ah. Pauso?”
“Cute mo talaga! Nakakatacute!.”
Franco was confused for a while. Ni hindi niya alam kung bakit siya pinagtatawanan. Pero nang humarap siya sa katabi niyang salamin na bintana, nagulat siya nang makita na nagkaroon siya ng makakapal na kilay, lumaki ang butas ng kanyang ilong, at nangitim ang iba sa kanyang mga ngipin.
Nanliliit siya sa sarili. Nakaramdam siya ng kahihiyan.
Oo na. Siya na ang may malaking mata.
Oo na. Siya na bad breath. Kasalanan niya ba na may halitosis siya?
Siya na ang may malaki at umuulbong rabbit teeth sa harap.
Siya na ang lampayatot.
Siya na ang madungis manamit.
Alam niyang hindi siya kagusto-gusto at lahat. Pero kailangan pa bang ipaglandakan iyon sa buong klase? Hindi pa ba sapat ang pagkutya sa kanya araw-araw ng Franco kangaroo, Franco tilapia, Franco tarsier, at Franco bulaho? Kulang pa ba ang lahat ng mga panlalait?
Siguro, Oo. Inaamin niya. Mukha siyang kangaroo, bibig niya, sing-lansa at kapal ng sa tilapia, at mukha rin siyang tarsier sa mata niyang kaybilog at kaylaki- parang bubulwak nan ga, eh. Pero…
Tao rin naman siya.
Tao rin naman siya at nasasaktan din.
Pero kahit na anong gawin niya, wala rin namang may pake sa nararamdaman niya. Lahat halos tumatawa. Dahil ang katuwaan nila, kahihiyan ng iba. Ang tawa nila, luha ng iba. Masaya naman sila. Walang problema.
Itinago niya ang sarili gamit ang kurtinang katabi niya. Kungyari, nakatingin lang siya sa bintana. Kungyari hindi siya naiiyak. Kungyari, hindi siya napahiya.
Napayuko na lang siya habang tahimik na umiiyak sa kanyang upuan. Gustong-gusto niyang tumakbo, palayo sa lahat. Sana makalimutan na lang ng lahat ang nangyari. Kung pwede lang sana, pero sa tingin niya, buong buhay siyang hahabulin ng nakakahiyang alala, pati ng pangungutya ng mga kaklase.
Napako ang mga salita sa isip nina Charlotte at Sigmund. Hindi sa nangungutya sina Van, Ria, Lexine, at Ryan, pero nakakatawa naman kasi talaga ang itsura ngayon ni Franco. No offense meant. Para lang kasi silang nanonood ng sitcom na palabas.
Suddenly, they felt like they were allowed to breathe dahil nagshift ang attention. Besides, everyone is laughing, the air has become light. Ang takot sa presensya ni ginoong domeng, pansamantalang nakalimutan ng lahat. Kahit panandalian lang.
The relief was indeed shortlived. Nabubwisit na naman ang guro dahil sa narinig na ingay. Bumuntong hininga siya para pahabain pa ang pasensya dahil ayaw niyang mahigh-blood nanaman on the same class, on the same day.
‘Ang iingay! Kesa itsura ng iba ang pakealaman, bakit hindi na lang pag-aaral nila ang atupagin? Mga batang to! Kapag kayo hindi nakakuha ng 90 pataas sa quizzes ko, malilintikan talaga kayo sa’kin!’
“Shh! Tahimik!” Nahinto ang pangangatyaw ng lahat dahil sa pagsita sa kanila ni sir Domeng.
Samantala, si Sir Domeng naman ang napagtripang i-doodle ni Andy. Ginawaan niya ng comic strip kung saan, nahulogan ng pambaba ang guro at nakitaan ng underwear at pagkatapos pagtatawanan ng buong klase.
Pagkalipas ng limang minuto, ay naramdaman ni Ginoong Domeng ang biglang paghulog ng itim na slacks niya. Gulat na gulat ang lahat sa nakita. Ngayon, alam na nilang kulay maroon pala ang kulay ng boxers ni sir!
Mabilis na binatak pataas ni sir Domeng ang nalawlaw niyang slacks. Hindi naman ito maluwang sa kanya kaya paano ito nahulog? At sa dinami-dami ng pagkakataon, ay sa harap pa ng kanyang mga estudyante? Nakakahiya!
“Pfft..” Pigil ang tawa ng mga nakakita sa nakakahiyang pangyayari. Ipinikit nila ang mata. Ang iba nama’t nag-iwas ng tingin. Kailangan huwag na nilang isipin. Kungyari, walang nangyari. Pero wala ring kwenta ang pagpipigil nila dahil may sa duwende ang tenga ng guro. Narinig niya.
Nanlilisik ang mga matang nilingon sila ni sir Domeng. At mas dumagdag ang kaba nila nang nag-alburoto na nga siya sa galit. “TAHIMIK! ANONG NAKAKATAWA, HA? GET TWO WHOLE SHEETS OF PAPERS! NOW! NUMBER ONE, ENUMERATE FIFTY COUNTRIES AND THEIR CAPITALS EXCEPT PHILIPPINES! NEXT, NUMBER TWO…”
Lagot! Nag-super Saiyan na si sir! At wala na silang magagawa pa kung’di ang magdasal sa kanilang mga isip.
Kung hindi lang sana nakakatakot ang aura ni sir Domeng,gusto pa sana nilang magreklamo ng : “wait lang sir!” O, di naman kaya’y magmamakaawa na dalian ang quiz o kaya’y gumamit ng delaying tactics.
Kung hindi lang sana nahulog ang pantalon ni sir.
Bakit nga ba nahulog ang pantalon ni sir?
Samantala, mayroong dalawang taong patagong tumatawa habang hirap na hirap ang lahat sa long quiz. Magaling magtago ang mga mokong kaya naman hindi sila nahuhuli. Ang strategy? Tumawa nang walang tunog at tanging carbon dioxide lang ang lumalabas mula sa bunganga.
Ang pinakamasaya sa nangyari ay ang kambal. Masyado silang na overjoy ngayong araw dahil sa mga nakakatawang pangyayari.
Hanggang sa matapos ang buwis-buhay na quiz sa tanang buhay nila (bilang isang highschool student), hindi pa rin maka-move on ang dalawa. Hanggang ngayon, pinag-tatawanan at nire-replay nila na parang isang sirang DVD.
“Pucha, dabest si sir!”
“Red pala boxers ni sir! Di ba may kanta yun? Ano nga ulit yun? Yung pinapatugtog ni dad sa kotse?”
“Itsy bitsy teeny weeny reddish polka dot boxers.” pag-iiba ni Ark sa lyrics ng kanta. Kahit sintunado, tawang-tawa pa rin sila.
“Oo, tama! Yan!” pagkumpirma ni Andy habang hinahabol ang hininga. “Tapos.. Tapos…” nagpatuloy ang kanyang tawa.
“Akalain mo tol, kanina drinowing ko lang si Franco, tapos maya-maya---” tatawa-tawang sabi ni Ark habang nakaturo sa drawing ni Franco. Huminto ang tawa niya nang may mapansing kakaiba.
Detalyado at gayang-gaya ang itsura ni Franco. Sa unang tingin, malalaman mong, professional sketch artist ang nagdrawing nito pero.. paano iyon nangyari?
Mabilisan lang ang pagguhit niya kanina. Hindi niya nilagyan ng shading o kung anong effects pa man pero bakit naging ganito ka eksakto at kaganda ang drawing? Basic sketch lang ang ginawa niya. Mabilisan, minadali. Pahapyaw.
Hindi ganun ang pagkakadrawing niya kanina kay Franco. Hindi siya ganun magdrawing.
“Oh Bakit?” tanong ni Andy.
“Tol, ikaw ba ang nagdrawing nito? “
“Ulol. Bakit ako tinatanong mo? Eh sa’yo yan eh!”
“Sira ka ba? Hindi ako ganito magdrawing! “
“Oo nga no? Ang galing eh! Malayo sa panget mong--! Aray! OGAG. ” Pabirong panlalait ni Andy kay Ark kaya nakatikim siya ng batok mula kay Ark. Aba, aba! Lagi siyang Champion sa mural painting. Hindi siya makapapayag na i-bully ng kakambal.
“Totoo naman! Mas magaling ako sa’yo! Tignan mo.” Ibinida naman ni Andy ang laman ng drawing book niya. Katulad ng nangyari sa drawing ni Ark, naging pulido at detalyado rin ang drawing ni Andy.
“Oh!” Kumunot ang noo ni Andy sa pagtataka. Inilapit niya pa nang maigi ang drawing at baka namamalikmata lang siya.
This can’t be happening. Paano? Sino ang nantitrip sa kanila? Sino?
Lingid sa kanilang kaalaman, pinapanood sila ng isang dyosa gamit ang malaking canvass. Napangiti si Ppela sa nakita at narinig. Hindi lang camera ang may auto-beautifier. Pati rin drawing book niya. Para yun lang, bilib na bilib na sila? What more kapag nadiscover nila ang iba pang special specs nito? Maliit na bagay.
Who would have thought that a paper can be this useful and awesome? Salamat sa dyosa ng mga papel na si Ppela.
Saka nila naalala. Ang mga nangyari kanina ay katulad sa idinrowing nila. Nagkatinginan ang dalawa na parang may telepathy. Samot-saring mga teorya ang nabubuo sa kanilang isipan.
Ang drawing book…
Wag mong sabihing?
Hindi.