Scratch 8

1614 Words
Scratch 8   Ang drawing book… Wag mong sabihing… Hindi. May nakakakilabot na mga teorya silang naiisip. Pero kanila itong isinantabi. Tiyak na mayroon pang ibang dahilan sa likod ng pangyayari. Coincidence. Para kay Andy, nasobrahan lang ng pagiging addict sa Harry Potter series si Ark para isiping may powers o magic ang drawing books nila. Imposible. Paano mangyayari yun? Pero para kay Ark, malakas ang instinct niyang may kung anong hiwagang dala ang drawing book na iyon. Dahil kung wala, paano mo maipalliliwanag ang kababalaghang nangyari kanina? Coincidence lang ba talaga na ang eksaktong drinowing nila kanina sa drawing book ay nagkatotoo? At dahil dyan, naiisip ni Ark na baka ipinakulam iyon ni Sigmund. Sino ang nagbigay sa kanila nun? Sino ang laging pinagtitripan sa room? Siya lang naman at wala ng iba. Pero, si Sigmund? No way. He’s too soft, gentle and kind. That slave? He can’t even kill a mosquito.  He doesn’t even talk back. He shows no sign of defiance. Because he’s, their dog. And a dog is loyal to their owner. A dog never barks and bites the one who feeds him. Pero mayroong boses ng pagdududa kay Ark.  Because who knows, baka may hidden grudge pala si Sigmund sa kanila. Ano ba talaga? Hindi niya alam kung saang paniniwala siya kakampi, kaya kailangan niyang makumpirma. Si Andy naman ay hindi naniniwala sa mahika o sa mga superstitious na mga bagay. Para sa kanya, ang mga pamahiin, at mga paranormal na bagay ay mga kalokohan na inimbento lang ng tao. Gusto niya lang sakyan ang kapatid at curious din siyang malaman kung ano ang mga mangyayari. “You have slain an enemy!” Mas tumindi ang konsentrasyon ni Andy. Paubos na ang kanyang life at ang tourage, malapit na ring mawasak. Ang kaso, ginugulo pa rin siya ng mga galamay ni Ark. Mga taga-ibang bansa ang naka-team nila ngayon. Paano kasi, absent si Blue. Si Francis ay nagcut-class. Si Julian, tinuturuan si Sharry sa Advanced Chemistry. ‘Girls. Mga istorbo lang yan sa paglalaro,’ anila. Bitbit ang apat na jar ng Nutella, lumapit si Sigmund kina Andy at Ark na ngayon ay naglalaro na naman. “Guys, Nutella niyo.” “Victory!”  “Yes!” hiyaw ni Ark.“Nice ka!” Tinanggap ni Andy ang isang plastic na supot.  “Mamaya na bayad, ah. Magkita na lang tayo sa likod ng CR.” “Ah, eh. Wag na! Libre na lang yun,” tanggi ni Sigmund. “Ayaw mo? Sayang naman ‘tong five hundred,” panunuhol naman ni Andy kay Sigmund. That is what he always do kapag may gusto siyang makuha. Idaan sa pang-uuto, pagsisinungaling, o di kaya naman ay pambablackmail o panunuhol. Ganon lang. Easy as pie. Kung tutuusin, Malaki na ang halagang five hundred pesos para sa isang highschool student. Pero sa kanila? Five hundred is just half of their baon every day. So, what is five hundred?  “Okay lang talaga, Andy.” Pero hindi umuubra ang style na yan kay Sigmund. Sigmund does not wish for material things. He is beyond that. Ang halagang ino-offer sa kanya ay baon niya na araw-araw. May kaya ang mga magulang ni Sigmund. Doktor ang papa niya, samantalang OFW naman ang kanyang ina. Pero hindi tulad nila Andy at Ark na kung makagasta ay parang papel lang na ipinamimigay ang pera, matipid si Sigmund. Nag-iipon siya hanggang sa makakaya para makauwi na ang mama niya. Dahil hindi naman pera o mga imported na padala ang kailangan niya. He has more than enough. Mama na lang niya ang kulang. “Don’t make us wait. Magagalit kami. Intindi?” “Sige. Salamat. Idadagdag ko na lang sa ipon ko.” “Tss. Bahala ka.” “Basta, punta ka, ah? Alam mo na.” Walang nagawa si Sigmund kung’di ang um-oo na lang. Kakainin siya ng guilt kapag nakaperwisyo o may na-disappoint siyang ibang tao. Ang motto niya pa naman sa buhay ay: “Be an angel to others.” As what his mom said before leaving him and his father in the Philippines to work abroad. “Oh.” Binigay ni Andy ang isang five-hundred-peso bill kay Sigmund. “Salamat. Pero parang sobra yata ‘to.” Nagi-guilty si Sigmund. Hindi siya sanay na tumanggap ng mga mamahaling bagay kapalit ng tulong niya. Pakiramdam niya, kapag tumanggap siya ng malaking halaga, para na rin siyang nagpabayad kapalit ng tulong. “Kahit--.” Pakiramdam niya, habang tumatagal ang pagpupumilit ay nalulubog siya sa utang na loob. Namamatay na siya sa sobrang generosity ng kambal. Nakakapanibago. “Ayaw mo? Bro! Rejected tayo!” Kungyaring nasasaktan si Ark. “Oo nga. Kala ko pa naman, kaibigan natin siya. Hindi pala,” dagdag pa ni Andy. Naiipit si Sigmund. Ano ang pipillin niya, ang prinsipyo, o ang damdamin ng iba? Pero sa huli, labag sa loob na tinanggap rin niya ang limang daang piso alang-alang sa damdamin ng mga kaklase niya. Ayaw niyang makasakit o maka-offend ng kapwa.  Hindi ganoon ang intensyon niya. Hindi siya tumutulong para sa pera. Tumutulong siya dahil bukal ito sa kanyang kalooban. “Hindi sa ganon. Ah, kasi, hindi naman kailangan. Okay n---” napatigil at napaatras siya nang hablutin ni Ark ang dilaw na peso bill kay Andy at pinunit ito. “Teka, Ark bakit?” gulat na tanong ni Sigmund. Maraming tao ang naghihirap sa mundo. Maraming namamalimos, at ang iba, kumukuha pa ng ekstrang labada para lang magkapera, at pagkatapos…. Bakit? Pinulot niya ang punit na dilaw na bill. Nangalahati ang mukha ng tatlong bayani. Nangunot ang noo ng tatlong tao. At kung buhay lang sila, kahindik-hindik na palo ang ihahataw nila sa mga lapastangang mga bata. “Yon!” sigaw ni Andy. “Nice ka!” Hinimas ni Sigmund ang papel.“P-pwede pa kaya ‘tong ma-glue? Or kahit scotch tape na lang,” bulong niya habang pinaplantsa ito ng kanyang palad  saka hinipan. Hindi niya namalayan ang bahagyang pagngisi ni Josefa Llanes Escoda. Hinubad niya ang blue backpack at naghanap ng pandikit. Ngunit sa sandaling iyon na nalingat siya, biglang naglaho ang mga ngisi at tawa ng dalawa. Nanlaki ang kanilang mga mata. “Oh, gago!” Nanigas si Ark sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang lumulutang na perang pinunit niya kanina lang. “H-hoy, Slave, tumigil ka na! Tarantado.” “Huh?” Hala. Masama na bang maghanap ng pandikit para sa perang napunit? Bakit siya tarantado? “Anong kalokohan ‘to, ha?” “Yung papel!” Tatlong question mark ang mistulang mukha ngayon ni Sigmund. “Ha? Anong papel?”Inikot niya pa ang mata sa paligid at naghanap ng papel. “Wala naman, ah. Anong papel ba ‘yan?” Sinundan niya ang itinuturo ni Ark-na namumutla ngayon, pansin niya. Dumaan ang marahang hangin. Tinangay nito ang papel pababa sa sahig, katabi ni Sigmund “Ay, ito ba?” Pupulutin na sana niya at ibabalik ngunit pumaitaas ulit at nasampal si Andy ng five hundred pesos sa kaliwang pisngi. “Aray! Putangina!” malutong na pagmumura niya sa hangin o sa kung sino mang nantitrip sa kanila ngayon. Tinanggal niya ang dumikit na five hundred peso bill sa pisngi. Ramdam niya pa rin ang hapdi ng namumulang sampal. “Okay ka lang?”  nag-aalang nilapitan siya ni Sigmund. “Sa tingin mo?! Kasalanan mo ‘to!” Kwinelyuhan siya ni Andy. “A-andy. Sorry! Sorry kung ano man nagawa ko. Ta—" “Saan mo nakuha to!” pasinghal na tanong ni Andy habang itinataas nang bahagya ang drawing book niya. It’s a question demanding to be answered right away. Hindi siya nakikipag-gaguhan ngayon. Oo, gago siya.Pero huwag siya. “Sa bookstore.” Ark smirked. “Sigurado ka?” He asked with a subtle threatening tone in his voice. Sigmund nodded while fidgeting his fingers. He does not understand what’s going on kaya naman kinabahan na siya. Ikinuyom niya ang namamasa niyang palad. Bakit parang galit sila? May nagawa ba siyang kasalanan, o ano? “Sigmund. Tayo-tayo lang naman ang nandito. Kaya wag ka na mahiya. Sabihin mo na. ” “Uulitin ko. Saan mo ito nakuha?” “Bo-bookstore.” “Saang bookstore? Anong bookstore ‘yan! Anong klaseng bookstore ang magbibigay ng item na may sumpa o magic?” “Ha?” Naguguluhan na si Sigmund sa sinasabi ng kambal. Anong magic? Parang imposible naman yun. Sana naman, kung may reklamo sila tungkol sa drawing book na binigay niya, sana sabihin nalang nila. Napahilamos sa inis si Andy. Nakaramdam na rin ng pagkainip si Ark. Hindi na napigilan pa ni Ark ang pagkairita kaya pinandilatan niya ng mata at tiim bagang niyang nasinghalan ang kausap. “SAAN MO TO KINUHA? SAGOT!”    Nagitla at nahintakutan ang kawawang si Sigmund. Maluha-luha siyang humingi ng tawad habang nakadaop ang mga palad. Ayaw niya ng gulo. “So-sorry na! Sorry na! Sa Bookstore Deities iyan galing. Ibinigay lang sa akin ng libre ng may-ari iyan. Wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo. Sorry!” “Kanino galing?” “Kay ate Ppela.” ‘Gagong Ppela yan. Sino ba yan? Wala akong pakealam kung babae man ‘yan.  Humanda siya. Sa isip ni Ark. “Sinong ate Ppela? Dalhin mo kami sa kanya!” “Hindi ko na alam kung asan.” “Wag ka ngang pabebe dyan. Ano ka, bakla? Wag ka na magmaang-maangan dyan slave! Wag kang madamot!” “H-Hindi ko talaga alam. Pasensya na.” “Paanong hindi mo alam! Pumunta ka dun di’ba?” “Oo. Pe-pero..” “Yun naman pala! SASABIHIN MO, O –” “O ano?” sabat ng isang boses galing sa likod ang nagpahinto sa kambal. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD