Scratch 9

1206 Words
Scratch 9   Basang-basa ng pawis ang jersey ni Charity. Magpapalit sana siya ng t-shirt.  Puno na ang comfort room malapit sa tennis court at sarado na ang lahat ng comfort room-maliban sa mga abandonado. Kapag alas-singko na’y nagsisiuwian na kasi ang mga janitress at tindera na siyang in-charge sa pagme-maintain at pagbabantay ng mga comfort room. Panay ang punas niya sa noo. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa racket dahil dumudulas ito sa kanyang mga palad. Nakapony tail na nga’t lahat ay mainit pa rin. “Wag ka ngang pabebe dyan. Ano ka, bakla? Wag ka na magmaang-maangan dyan slave! Wag kang madamot!” boses ng isa sa kambal. Fifty meters ang layo sa kanya pero abot hanggang hallway ang sigaw. “H-Hindi ko talaga alam. Pasensya na,” sagot ng pamilyar na boses lalaki. Medyo mahina. Sino ‘yon? Bawat hakbang niya palapit ay mas nagiging klaro ang mga boses. Alam na niya kung sino-sino sila. “Paanong hindi mo alam! Pumunta ka dun di’ba?” “Oo. Pe-pero...” Shaky at unstable ang boses ni Sigmund. Nagpanting ang tenga niya sa narinig “Yun naman pala! SASABIHIN MO, O –” “O ano?” hamon niya na siyang nagpahinto sa kambal. Naabutan niyang sinisigaw-sigawan at pinagbabantaan nina Andy at Ark ang kawawang si Sigmund.  At hayun. hindi na nga niya napigilan ang sarili na hindi mangialam. Kailangan niyang makialam bago pa man ito mauwi sa mas malalang away. Nagliwanag ang mga mata ni Sigmund. “Charity?” tawag sa kanya ni Sigmund. Salamat naman sa Dios! Sinagot siya ni Charity gamit ang malalamig niyang tingin. Halatang hindi siya natutuwa sa naabutan niyang nangyayari. Kagagaling niya lang sa C.R. at naglalakad na siya pabalik sa classroom nang makarinig siya ng mga boses ng sumisigaw. Pamilyar ang mga boses kaya pinakinggan niya at pinuntahan.  “Oh. Ikaw pala Elisse!” Binati siya ng kambal na parang walang nangyari. Her eyes rolled. “O ano? Ituloy niyo. Nakikinig ako,” paghahamon ni Charity. ‘Nakakairita. Mga taong mahilig mambully, akala mo kung sino. At ito namang isa, hindi man lang lumalaban! Siya pa talaga ang nanghingi ng tawad kahit na wala naman siyang kasalanan! Kaya siya kinakawawa dahil nagpapakawawa naman siya! Tsk. Bakit ba may mga taong nagpapaapi? Madali lang naman manlaban, ah? Kaduwagan talaga.’ Namulsa si Ark. “Wala yun!” he dismissed her but the nervousness in his laugh did not escape from her ears. “Nu ka ba? Kung makatingin ka naman… Chill, okay?” Pagde-deny niya na parang walang nangyari. “Nag-uusap lang kami nitong si Sigmund,” sabi ni Ark at saka inakbayan si Sigmund. “Di’ba tol?” “O-oo.” Para sa kapayapaan, oo na lang ang sagot ni Sigmund. These petty lies cannot fool her. She knows very well when someone is lying at obvious naman na napipilitan lang um-oo si Sigmund. Rinig na rinig niya kanina sa hallway kung paano sigaw-sigawan at pinipilit ng kambal na paaminin si Sigmund.  ‘Masyadong defensive. Halata naman. ‘ sa isip ni Charity. “Anong akala niyo sa akin, bingi? Kung tapos na kayong ‘mag-usap’, makakaalis na kayo.” “Okay pero… hala!” Napasunod naman ang mata ni Charity sa pinagdikit na mga daliri ni Ark. Kaya nagtawanan ang dalawang tukmol bago labag sa loob silang umalis. Ark won’t risk that an information would leak lalo na at pinagsususpetyahan niyang may kapayangyarihan ang mga drawing books. At kung totoo nga ang hinala niyang may sa engkanto ito, walang dapat makaalam dahil siguradong maraming magnanasa sa mga drawing books nila. He can’t let that happen. No. Never. Aalis na rin sana si Charity kaso pinigilan siya ni Sigmund. “Ah, Charity…”  Lumingon si Charity paharap sa kanya. Nanatili siyang tahimik habang nakayuko. “Salamat,” sabi ni Sigmund saka ngumiti. Nagpapasalamat talaga siya. Dahil kung hindi siya ipinagtanggol ni Charity, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.  “Tss. Wag ka ngang lalampa lampa! Kalalake mong tao nagpapa-api ka.” Simula yata first year, lagi na lang ‘tong inaalila. Hindi pa ba siya nagsasawa? It really irks her whenever she sees some injustice happening. Hindi naman deserve ni Sigmund na tratuhin nang ganun sa loob ng tatlong taon. Kahit na iba-iba silang lahat ng talino, itsura, at katayuan sa buhay, pare-pareho lang naman silang mga estudyante. Sana maisip nila iyon.  Sana maisip nila kung gaano ka -unfair ang mga pinaggagawa nila sa classmate nila. “Nasa top section nga, mga gung-gung naman,” ika-nga niya. Bakit ba kasi kung sino yung mababait, sila pa yung ginagawan nang masama? Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng isip ng mga tao.  “Sorry.”  “Anong sinosorry-sorry mo dyan? Wag ka magsorry kung wala kang kasalanan.”  “So-” Parang naiirita nanaman si Charity kaya pinutol na niya ang sasabihin sana ni Sigmund. “Oh, ayan ka na naman! Kakasabi ko lang di’ba?” “Sorry. Nasanay kasi ako, eh,” sagot niya, habang nakatingin sa lupa at kinakagat ang pambabang labi.   Pinagkrus ni Charity ang kanyang mga braso habang nagtatanong. “Ano ba kasing nangyari, ha?” Kwinento ni Sigmund ang nangyari maliban sa parte na nag-iinsist si Ark na may sa kulam ang drawing books. Ayaw niyang isipin ng iba na nababaliw na ang kambal. Her eyes rolled intensely. ‘What a joke!’ Hindi siya makapaniwala na nandahil lang sa mga drawing books, kaya nagkaganun ang kambal? Like what the hell, anong problema nila? Pasalamat nga sila at sinunod ni Sigmund ang utos nila. Sigmund did as what he had instructed. He bought them drawing books kahit na hindi niya naman iyon obligasyon. Kahit na pagod at gutom na si Sigmund, he still bought them what they need nang hindi nagrereklamo, walang alibi. Kung tamad lang talaga si Sigmund, pwede siyang gumawa ng alibi pero pinursige niya talaga at naghanap ng drawing books para lang sa kambal, at pagkatapos ganun? Kung si Charity ang nasa posisyon ni Sigmund, baka nasuntok niya na ang mag-kambal sa inis! -xxx- Meanwhile, sa loob ng isang kwarto sa Bookstore Deities, isang babae ang nanonood sa mga nangyayari sa pamamagitan ng isang higanteng canvass na siya mismo ang may gawa. “My, my! At this point, hindi malayong may ma-violate na rules ang twins! If that would happen, the contract would soon be over. OMG! Where’s fun in that? I, Ppela, the Goddess of papers, the ever gorgeous and fabulous scratch queen cannot let that happen,” sabi niya habang nagsasalitang mag-isa. Biglang nagseryoso ang itsura niya kaya biglang nagbago ang kulay ng kanyang insignia sa noo. Tumayo siya at nagpalakad-lakad habang nag-iisip. Hanggang sa basagin niya ang katahimikan at ngumiti nang may malisya. “Pymi?” tawag niya sa messenger of the deities. Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang loyal messenger and Goddess in training na si Pymi. “Pinatawag niyo po ako, ate Ppela?” aniya, nanlalaki ang bilog na bilog na mata. “Hmm.” “Ano pong maipaglilingkod ko?” “Halika.” The Goddess motioned her hand para sabihing lumapit si Pymi sa kanya. Naglakad papalapit si Pymi at inilapit niya ang tenga sa kausap. May ibinulong na utos ang Scratch goddess sa kanya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD