Scratch 10

2712 Words
Scratch 10   Slave in distress was saved by his knight in school jersey. The fun was spoiled too early. Di pa tapos si Anderson. May araw din sila. Lalo na si Charity na pakialamera. ‘Tss. Impormasyon na nga, naging bato pa!’ panghihinayang naman ni Arwin. Napakunot ng noo si Andy sa inis. Napamura naman si Ark sa pagkabadtrip. Malapit na sana nilang malaman kung nasaan ang sinasabing misteryosong Bookstore Deities ni Sigmund, ang bookstore kung nasaan nanggaling ang mga drawing books na sa paniniwala ni Ark ay may sa kulam o sa mahikang taglay kaya nagkakatotoo ang mga mga iginuguhit nila doon nitong nakaraang araw. Kating-kati na si Ark na makita kung kaninoman iyon nanggaling. Maraming tanong ang naglalaro sa kanilang isipan matapos ng nangyaring interrogation nila kay Sigmund the slave. Sino ang Ppelang iyon? Saan ba nila mahahanap ang bookstore of the deities? Anong klaseng lugar iyon? Totoo ba ang hinala niya? “Tss. Di bale, mahahanap ko rin yun.” determinadong sabi ni Ark sa sarili. Walang makakapigil sa kanya na mahanap ang pinanggalingan ng magical item na iyon. This might be his journey towards something magical – not those found in books nor on movies but in real life. He won’t let this rare chance pass.  “O tapos, anong balak mo?” bored na tanong ni Andy. Balak niyang sakyan ang kabaliwan ng kambal para patunayan na wala itong katotohanan at magising na si Ark  sa mga delusi      on niya. That’s the only way to convince his twin once he gets too determined and stubborn. “I-search mo,” suggest ni Ark. Umupo si Andy sa harap ng computer table niya at sinubukang hanapin sa google ang Bookstore of the Deities. Kung anu-ano na ang napipindot nila sa google map at sa iba pang search engine. Kunot ang noo ni Ark habang pinagtatawanan naman siya ng kambal. “No results. See? Sabi sa’yo eh.  Pinagloloko lang tayo ni slave. Ikaw naman, uto-uto!” “Sinong uto-uto? Pakyu ka!” Pabirong dinumog ni Ark ang walanghiya  niyang kakambal. Masyado siyang kontrabida at panira ng pangarap. At ang lakas loob na tawagin siyang uto-uto? Sumusunod rin naman sa kanya ang kambal. Kung uto-uto siya, edi uto-uto rin si Andy! Hindi pwedeng siya lang, ano. “Aray! Tang’na mo! Bwisit ka! Gago ka!” Gumanti rin ng mura at suntok si Andy. Nagpatuloy lang sila sa pagpaparamihan ng mga mura, suntok, tadyak, at balibag, habang nadedebate katulad ng lagi nilang ginagawa kapag hindi sila nagkakasundo. Andy was really convinced the place does not exist in reality. But Ark really insisted that of course, it is not found on the internet because it is magical. Maybe some people or very few people knew about it- including them.   Matapos ang ilang minutong pagbubugbugan nilang magkapatid, hindi na sumama pa si Andy sa kabaliwan ng kanyang kapatid. Bahala na si Arwin sa buhay niya. Iisa lang ang kanilang kwarto pero nagsariling mundo na siya ngayon. “Hindi, hindi. There has to be a way.” There is for sure- that is what Ark firmly believes. Nandidiring napapailing na lang si Andy sa kapatid. Parang baliw. Seryosong nagbe-brainstorm mag-isa ang kapatid niya. Kinakausap ang sarili habang nagsusulat. Pero mas madalas ay nakatingin sa kawalan, kadiskusyon ang sarili. Malala. The search continued for another two days pero ang resulta? Itlog. Black hole. Zero. Parang isang game na nagla-lag at hindi naglo-load.  Andy was getting sick already about finding this bookstore of… ano nga ulit iyon? Ah, nakalimutan niya. Wala siyang pake. Naiinis na rin siya sa kakambal. Kaunting-kaunti na lang, iisipin niya na talagang may kakambal siyang baliw o di nama’y nag-aadik! Lahat na yata ng paraan, ay nagawa na ni Ark. Nauubos na ang mga ideya niya. Napapagod na sila kakahanap pero wala pa rin silang mahanap. Malapit na silang sumuko. Well, hindi talaga mahahanap kapag ayaw magpahanap. “Dinamay-damay mo pa’ko sa kabaliwan mo! Itigil mo na nga ang pagda-drugs! Bwisit!”  The mission was impossible from the start but he still supported his crazy twin. At ngayon, pinagsisisihan na niya ito.  He feels like a s**t. An idiot. A fool. A mentally retarded person for a while kahit na mataas naman ang IQ niya. “Gago! Mukha ba akong adik?” singhal ni Ark. Napasuklay siya ng buhok sa sobrang frustration. Nawawalan na siya ng pag-asa. Baka nga, tama si Andy.     Ngunit biglang sumulpot ang isang ideya. May isa pang paraan. Nabuhayan ng loob si Ark. Kung hindi mahanap sa search engines at walang records ng lugar na iyon, dalawa lang ang ibig-sabihin non. Una, hindi mahanap dahil wala. Pangalawa, hindi mahanap dahil maling paraan ang ginamit sa paghahanap. Oo nga naman. Ang internet at search engines ay imbento ng tao. Kaya papano matatagpuan doon kung ang lugar at mga hinahanap nila ay hindi naman sa tao? Kumpara sa kakambal niyang mas mapaniwalain sa siyensiya at to ‘see is to believe’, siya naman ay naniniwala na ‘there is more than what meets our eye.’ Parallel worlds, witches, spells, aliens, time travel… lahat iyan ay posible. Science hasn’t proven them yet. Pero siya, papatunayan niya.  Napangisi siya. Inakbayan niya si Andy- Si Andy na mistulang may dark violet na awrang nakapaligid sa kanya. “Tol! Alam ko na!” Bakit kahit na ilang kalaban ang napatay niya, masama pa rin ang loob niya? Sinamaan niya ng tingin si Ark. “Ang ano na naman? Tumahimik ka na! Isa ka na lang!” Minsan, ang sarap tirisin ng kapatid niya.  Konting -konti nalang ang pasensya niya, ha. Pero isa pang pagpupumilit ng kakambal, mabubugbog niya talaga ‘to. Wala siyang pake kung pagalitan siya ng mommy niya basta nabubuwisit talaga siya! Hindi papaawat si Ark. Para bagang invisible ang pagkairita ni Andy. “Kapag nakita mo, maniniwala—” Naantala ang pangungumbinse sana niya dahil may kumatok, dalawang beses sa pinto ng kanilang kwarto. “Sir, kakain na.” Marahas na binitiwan ni Andy ang console at iniwang nakaandar pa ang PS5. “Anong ulam, ate Rachel?” Sagot naman ni ate Rachel, garlic shrimp. Tumango lang si Andy at dumiretso na sa kusina. Nauna na siya kay Ark. Samantalang sinagot ni ate Rachel ang tawag. “Hello?” “Ate, anong oras ka raw uuwi?” Sinulyapan niya ang bagong mga kalat sa kwarto. “Maya-maya. Kumain na kayo?” “Oo, ate. Kamote. Pero nagsaing na ako. Wag kang mag-alala.” “Mabuti. Kaw na muna bahala diyan, Ry, ha? Magdadala ako mamaya ng sobra, ha.” “Opo.” “Sige na, sige na. Ibababa ko na. Babye.” -xxx-  “Oy, bayad na! Bayad na!” sigaw ng treasurer nila sa chemistry. Nag-iikot-ikot ito at isa-isang nilalapitan ang mga kaklase. Lumapit siya sa grupo nina Julian at Arwin na nakapabilog. Si Blue at Andy, nakaupo sa arm ng armchair. Nadis-arrange ang kanilang mga bangko. At katulad ng iba nilang kaklase, umangal pa si Francis sa five hundred pesos na ambag pero nagbigay pa rin. Idinukdok ni Ryan ang ulo sa desk. Kunwari’y matutulog sana, kaya lang ay kinulbit siya ng treasurer. “Ambag mo sa Chem. Five hundred.” Kinapa niya ang bulsa ng khaki pants. Bente lang ang laman. Pamasahe niya pa mamaya pauwi. At kahit maglakad pa siya pauwi, hindi pa rin aabot. “Nakalimutan ko. Pwede bang bukas na lang?” “Ngayon na ang deadline. Bukas nang umaga na’to gagamitin.” Napabuga ng hininga si Ryan at nag-isip. Patay. “Ah, sige. Balikan na lang kita mamaya, after lunch. Basta bigay mo mamayang hapon kasi si ma’am na ang bibili ng chemicals. Hindi kasi tayo chemists,” sagot ni treasurer, tila ba nakaramdam sa pagkakagipit ni Ryan. “Tara na! Sa bahay na lang ‘to resume. Andyan na si kuya,” anunsyo ni Arwin at isinuot na ang kanyang bag. Nagtext na ang driver nila. Sinusundo na sila pauwi ng bahay para sa lunch. Sasabay na sa lunch ang barkada pagkatapos, plano nilang ipagpatuloy ang paglalaro doon. “Papasok ka maya?” tanong ni Blue kay Francis. “Papasok kayo?” tanong pabalik ni Francis pero kina Julian at sa kambal. “Wag na,” suhestiyon ni Arwin. At nagtawanan ang limang kolokoy. “Ogag. Paano ang Chem mamaya? Baka mag-quiz si ma’am.” “Kaya nga nandyan si Julian. No, di’ba?” “Tol, kaw na bahala sa quiz, ah.” Julian can’t contain the smug smile from his face. “Sus. Chemistry lang?” Natawa ulit ang apat sa mga yabang ng kaibigan. Sapagkat sila mismo ay on the verge of failing sa subject na ito. Kumakapit sa 80 ang kanilang grade, salamat sa tulong ng kanilang kaibigan na minani ang subject. Sakay ng grey pick-up, nakarating sila sa two-storey house ng kambal. Walang gate- dahil hindi naman kailangan. Nasa isang secured na subdivision sila kung saan, malalaki ang mga bahay at magkakalayo nang bahagya. Pumarada ang sasakyan sa malaking puting bahay- American style. Pagkababa ay nasalubong nila ang mga katulong na may kanya-kanyang ginagawa. Dumiretso silang lahat sa kwarto ng kambal, wala man lang pagbati kay ate Rachel. Si ate Rachel na ang kusang nag-usisa kesyo nakakapagtaka naman talaga na napaaga ang uwi. Half-day lang dahil may event- pagdadahilan nila. Sinabihan na lang sila ni ate Rachel na huwag magkalat sa taas dahil kakalinis niya lang. U-oo naman ang grupo pero may paghagikgik pagkatalikod. Alam na kaagad ni ate Rachel ang gagawin. Sinakop na niya sa pagluluto ng tanghalian ang iba pang barkada ng mga alaga. Iyong mabibilis na lutuin lang at baka ma-late ang mga bata sa afternoon class. Neat and clean ang naabutan nilang kwarto nina Andy at Ark. Mabuti’t nakapaglinis na si ate Rachel. Hindi nila alam na sa kada alis ng dalawa, sobra pa sa tulugan ng baboy ang kwarto. Pinagdiskitahan ng magkakaibigan ang bagong biling Nintendo switch at PSP 5 ng kambal. Nang magsawa,ay bumaba rin sila sa sala para kumain na rin ng tanghalian. Nakaandar ang TV kahit na nag-uusap-usap lang naman ang magkakaibigan. Pinag-uusapan nila ang bagong release na games na astig daw. Lalong-lalo na ang Rules of the Deities o ROD. Nakakaadik daw ang laro kaya lang, hindi basta-basta. Hindi lahat nakakapaglaro, eh. Hindi lahat pwede. “Ate Rachel, matagal pa ‘yan?” “Oh, eto na!” sigaw ni ate Rachel mula sa kusina. Kasalukuyan niyang isinasalin ang mga ulam at kanin sa mangkok, at inihahanda ang hapag nang tumunog ang doorbell. Binuksan ni ate Rachel ang pinto, at isang hindi inaasahang tao ang bumungad sa kanya. Hindi lang basta nila tinignan ang bisita. Hininto nila ang lahat ng ginagawa at nakinig sa pinag-uusapan. “Ate, may project kami.” “Na naman?” “May... may experiment kasi kami, eh. Ngayon na raw kailangan.” “O, sige, sige. Magkano ba?” “Woy, nandito ka!” “Hoy, Ryan!” hiyaw ng mga kolokoy at lumapit sa kaklase bago pa man sana makaalis ito. “Kilala mo sila?” Hindi makapaniwala si ate Rachel. Maging ang kapatid. Hindi nito alam na ang matagal na pa lang pinagtatrabahuan ng ate nila ay ang pamilya pala nina Arwin at Anderson. Sa dinami-dami ng pwedeng maging amo ni ate, bakit sila pa? Gusto talaga siyang ipahiya ng tadhana. “Classmates po kami, haha. Di’ba?” sagot ni Francis. Inabot ni Anderson ang one thousand peso bill kay Ryan pero iniatras ni ate Rachel ang kamay na nakalahad at magalang na tinanggihan ang offer dahil nakakahiya naman. Imbis, inilabas niya ang natitirang five hundred sa kanya at ibinigay sa kapatid. Dalawang daan na lang ang natira sa kanyang pitaka pero hindi niya alintana. Para sa edukasyon ng kapatid, lahat gagawin niya. Kahit na anong mangyari, kailangan makapagtapos sila ng pag-aaral. Para sa pamilya. Para makaahon. “Tara, sabay ka na sa’min.” Ryan shook his head. “Ah, hindi na. babalik na’ko sa school. Paano. Mauna na’ko,” paalam niya. Sa school na lang siya magla-lunch, kesa makasabay ang mga kolokoy na’yon. -xxx- Kapag talaga usapang laro, bati ang dalawa. Medyo. Andito sila sa mall, nagtatalo tungkol sa Rules of the Deties. Gustong kunin ni Arwin dahil limited edition. Ayaw ni Anderson dahil pagod na siyang maghanap. Hindi available sa lahat ng mga pinuntahan nilang stores. Marahil, hindi pa narelease para ibenta officially. Baka nga, pirated version ang tinutukoy ng barkada. Habang nagtatalo ang dalawa, isang batang babae ang nanood sa kanila. Naramdaman niya ang matinding pagnanais ni Ark na manggamit habang siya ay pagala-gala. Kaya sinundan niya kung saan ito nanggaling. Nakita na niya ang hinahanap. Napangiti siya at saka biglang nawala na parang isang multo. Isang lalakeng payat, at nakasuot ng blue polo na may isang di pamilyar na logo, nakasabit na ID sa leeg nito at black slacks, at black shoes ang lumapit sa dalawa. “Hi sir! May bago kaming release na mobile game! May free trial po kami para sa Rules of the Deities.” Nagsimulang mag-explain ang salesman tungkol sa laro habang nagtitipa sa tablet niya. Nang marinig ang salitang mobile game, kaagad na nakuha ng salesman ang atensyon ng dalawa. Yon! Ang mabuti pa, maglaro na lang sila. Andy needs to break away from stress. Ark needs to take a break for a while kaya sumama sila sa salesman papunta sa ‘office nito’ sa loob ng mall. Huli na nang mamalayan nilang palakad-lakad na pala sila kawalan. Sinasakop ng puti ang buong paligid, para bang walang katapusang hallway at mga dingding na purong espasyo. Nawawala ang mga manikin, at mga branded na tindahan. Nakapatay ang mga ilaw sa bawat letra ng karatula kaya hindi nila nabasa ang salitang Bookstore Deities. Ang akala nila’y isang pipitsuging game shop lang ito. Tipong gawang local, vintage, at papalugi na. At baka mga teks, jolens, at lumang Gameboy at game consoles ang pangkaraniwang binibenta. Kataka-taka dahil ngayon lang nila ito nakita sa mall. Matagal na silang game addict. Wala silang hindi nalalaman na laro pero bakit hindi nila alam na nag-eexist ang ganitong klaseng cyber game store? At sa halip na mga installer ng video games, gadgets, computer, mga librong nakapatong-patong lang at nakalapag sa floor, mga ballpen, notebook, sketchpads, pintura, at ruler ang nakadisplay. “Gamestore ba’to?” “Asan ang mga games dito?” segundang tanong rin ni Ark. Nagkatinginan sila, pareho ang naglalaro sa kanilang isip. “Good afternoon, sir Anderson and Arwin.” A tall woman in her twenties wearing a green blouse, and black pencil skirt greeted them when they entered the door. She has a peculiar letter tatoo logo on her chest malapit sa collarbone niya.  “Teka, kilala mo kami?” Kumunot ang noo ni Andy. “There is nothing that we don’t know about our customers,” Skat replied with a formal smile. Weird. Hindi nila kilala ang babaeng ‘to. Pero alam niya ang pangalan ng dalawa. ‘Daming satsat! Asan na ba yung game dito? Kating-kati na’ko maglaro ulit!’ reklamo ni Andy. Nagpalinga-linga sila sa store. Maaliwalas ang atmosphere. Maliwanag. Puting-puti ang mga ding-ding na pinalamutian ng mga kakaibang letra at simbolo. Katulad ng tattoo ni Skat at ng logo sa damit ng saleman kanina. Mayroong mga muwebles katulad ng chandelier na gawa sa ginto.  Maayos na nakasalansan at nakahiwalay sa isang sulok ang mga panulat, papel, panukat, at mga art materials. Sa kabilang bahagi ng tindahan ay may mga estante para sa nakakalulang dami ng libro. Walang counter, pero mayroong pitong gintong pintuan na may iba-ibang simbolo sa itaas, katulad ng mga simbolo na nakaukit sa ding-ding.  Kadalasan, maliit lang ang pwesto ng mga store na inuupahan ng mga stall sa mall pero bakit ito, dinaig pa ang national bookstore sa laki? Akala ba nila, game store ito? Bakit parang naligaw sila sa isang bookstore? Pero, malinaw na nakita nila ang signage sa labas bago sila pumasok. BD Cyber Game Store ang nakalagay. Wag mong sabihing na-scam sila? ‘Ate Skat, Pinatawag sila ni ate Ppela.’ The salesman communicated to Skat through his mind. The Goddess of numbers and measurements nodded as a reply. “May hinahanap kayo kanina, hindi ba? Hindi niyo na kailangang magpakapagod, dahil nandito na kayo.” Isang malaking question mark ang tumubo sa kanilang ulo.  Hinahanap? Ibig ba niyang sabihin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD