Scratch 11

1517 Words
Scratch 11   Hinahanap? Ibig ba niyang sabihin… Malawak na ngumiti ang salesman. “Tama. Welcome to the Bookstore of the Deities!” saad ni Pymi na sa pagkakataon ding ‘yon ay bumalik sa pagiging batang babae na may brown curly hair- ang anyong kinasanayan niya na. “Hinihintay niya na kayo,” she said as she pointed to a door with a golden cursive letter VF as a symbol. Napaamang si Andy, hindi nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi ‘yon totoo. No way. Nananaginip lang siya, di’ba? O di naman kaya’y namalikmata lang siguro siya? Baka gutom lang. Pangako, hindi na siya magpupuyat kakalaro. Bumilis ang t***k ng puso ni Ark. Anong klaseng lugar ‘to? Bookstore of the Deities really existed? Nabuhay ang adrenaline sa katawan niya. Parang biglang naglaho ang lahat ng pagod na naramdaman niya kanina sa paghahanap. Kung ganon, wala na siyang sasayanging pagkakataon! Naglakad na siya papalapit sa pintuan. “Totoo nga… Andito tayo… sa Bookstore Deities.” Halos hindi pa rin makapaniwala si Ark. Inilibot pa niya ang tingin sa lugar. Napangisi siya. Siniko niya ang tulalang kapatid. Napakunot noo ito. “Sabi sa’yo. Totoo, eh.” Sayang. Dapat hinamon niya ang kapatid sa pustahan. Magkano kaya sana mapapalanunan niya non? “What the hell? Tara na! Umalis na tayo dito.” Sinong niloko nila? Hila-hila na ni Anderson si Arwin papunta sa main door. Nagpumiglas si Ark ngunit napatigil sila nang magsalita si Pymi. “Ah, naalala ko nga pala. Di’ba ikaw ‘yong nasampal ng five hundred pesos? Hinahanap niyo siya, di’ba. Pasok lang kayo. Ingat lang at baka masampal ka niya ulit.” Dahil dito, kusang nagreplay ang nakakahiyang pangyayari kay Andy. Noong araw na silang tatlo lang ang naroon sa abandonadong CR. Malakas ang hangin at malakas na hinampas siya ng pera ng hangin. Tila ba naramdaman niya ulit ang hapdi sa kanyang pisngi.  “Sino siya!” “Ppela?” hula ni Arwin base sa naalala niyang pangalan. Nginitian lang sila ni Pymi at naglaho sa hangin. Naiwan ang samyo ng sampaguita sa lugar kung saan siya nakatayo kanina. Pabalag na binuksan ni Andy ang pintuan para pagalitan kung sinoman ang loko-loko at baliw na may pakana ng lahat ng ‘to. “Hmm. Oh. You’re here.” A gorgeous girl in her twenties turned towards them and greeted them with that serious and elegant aura. She is wearing a dominantly white blouse with thin red and blue stripes na bumagay naman sa puti at hanggang  talampakan niyang palda. Suot niya ang isang kulay sky blue na flower crown na gawa sa mga itinuping papel na mas nagpaganda pa sa itim, kulot, at mahaba niyang buhok. Kanina niya pa hinihintay ang pagdating ng mga customers niya. Though hindi naman siya nainip dahil nag-enjoy siyang panoorin ang dalawa na nage-effort na hanapin siya. ‘Aww~ Natouch naman ako! Am I that important? Of course. I’m the gorgeous goddess of papers.’ With that thought on her mind, hindi niya napigilan ang pagbabago ng mood niya mula sa pagiging seryoso papunta sa pagiging masaya, hyper, at energetic. Mabilis na umilaw ng kulay dilaw ang simbolo sa kanyang noo. Ikinagulat ito ng kambal. Ano yung nagliwanag? Pinaglalaruan lang ba si Andy ng kanyang mga mata? Dahil kung oo, hindi na talaga siya natutuwa. Kinakabahan na siya. Anong klaseng nilalang ang kaharap nilang dalawa? Sa kanilang reaksyon, napahalakhak ang diyosa. “Kalma! Kaya nga pinasundo ko kayo dito so that I can explain everythiiiiing to you, my dear. Oops!  I’m sorry! How rude of me for not introducing myself. I’m Ppela, the ever-gorgeous scratch queen and Goddess of papers. Charan! Surprise! Surprise!” she said in a high-pitched voice habang nakataas ang dalawang kamay sa ere sa sobrang excitement na nararamdaman. Pinasundo? Kung ganon, isa itong patibong! Na-alerto si Andy. Hindi pwedeng tatanga-tanga at lalampa-lampa. Mukha pa namang may saltik ang babaeng kaharap niya. Isang mangkukulam na may saltik. “A-Anong kailangan mo sa amin? Magkano?” tanong ni Andy. Pilit niyang itinago ang kabang nadarama. Mahina naman siyang siniko at pabulong na sinaway ni Ark. “Ano ka ba tol!” Ito lang ang natatanging tsansa nila. Hindi na sila makakabalik pa dito maliban na lang kung iyon ang kagustuhan ng dyosang si Ppela. Hindi ito pwedeng masayang nandahil lang sa kabastusan ng kakambal niya! Hindi pwedeng masira ang plano ni Ark. “Oh, dear Andy. You don’t trust me, do you? Ouchiee.” Nagsad face sabay lagay ng kamay sa dibdib si Ppela, as if nasasaktan. “Andy, you are so praning! I know you have trust issues but na-ah! Kayong dalawa ang may kailangan sa’kin. Di’ba, Ark?” Para namang isang masunuring bata na um-oo si Ark.   “Pero like duh! Do I look like a witch? Like eww! Correction, dyosa ako, DYOSA! The Goddess of papers! The scratch queen! Wag niyo akong ginagalit dahil baka i-terminate ko ang kontrata ninyo sa akin.” Biglang naging maldita naman ang mood niya dahilan para umilaw muli ang insignia sa kanyang noo Napakunot ang noo Andy sa pagkalito. “Ano pong kontrata?” tanong ni Ark. Wala silang naaalala na may pinirmahan silang kung anomang kontrata. Kumanta siya gamit ang ginintuan niyang tinig na naging dahilan kung bakit parang na-hypnotismo ang kambal. Para silang lumulutang papunta sa lugar ng kanilang nakaraan. Kayang-kayang iparating ng boses niya ang kahit na anong gusto niyang ipaintindi sa makakarinig nito. Katulad ng papel, na siyang kapangyarihan niya, ay ganon rin ang boses niya. Parang mga guhit sa bond paper, oslo, at drawing books na may storya at emosyon. Parang sticky note na nagpapa-alala. Parang intermediate pad at notebooks na naghahatid ng impormasyon. “I wrote my name, on a blank space~ Nagbalik sa ala-ala nina andy at ark noong isinulat nila ang pangalan sa front page ng drawing books. Oh, I don’t know just sign it, sign it When I’m bored Just doo doo doo doodle it! Just doo doo doo doodle it! Pagkatapos, ginuhitan nila ang pinakalikod na page. A magic flowed within, Oh, what is this? I can only see my pretty face ~ A beautiful masterpiece it is. Pagkatapos, napalitan ng portrait sketch nila ang nakasulat sa front page.   At bumalik na naman siya sa pagiging isang masayahing goddess na parang walang nangyari. “Ganda ng voice ko no? Oh ano, naaalala niyo na ba? Yes, of course! I’m sure naaalala niyo na.” she declared while wiggling her eyebrows and maintaining her naughty smile. Isang kopya ng drawing book ang lumitaw sa kamay ni Ppela. Kahawig ito ng drawing book na bigay niya sa kambal ngunit kulay puti ang cover nito. Pinaharap niya ito sa dalawa, habang binubuksan niya ang pinakaunang pahina, kung saan, makikita ang Isang blankong linya para sa pangalan, at isa para sa pirma. Hinaplos niya ang papel mula taas at pababa ng makatatlong beses. Nabura ang mga blangkong linya, at lumitaw na nga ang tinutukoy niyang kontrata.   1.      This drawing book shall remain ordinary unless activated. The only means to activate this item is to use its purpose: Draw something on any of the pages provided. 2.      Activation of this item automatically means that a contract has been made between the owner and the Scratch Goddess. 3.      The item shall be used according to the free will of the owner. Whatever is drawn or written on the paper will come true as for the wishes of the owner within 60 seconds after the drawing is finished. 4.      The owner is given only 50 blank pages to be utilized within 100 days. If the pages have been consumed before 100 days, the item will be automatically retrieved. Limits are not subject to change. No more add-ons. 5.      The item shall not and never be subjected to any damage-even a little damage on its physical structure or be lost. 6.      However, if a violation of one of the rules occurs, the contract will be automatically deemed void and shall be terminated by the Scratch Goddess. 7.      In addition to the termination of the contract, the owner of the item will be subjected to the most horrible punishment appropriate for the violation of the contract. 8.      The Scratch Goddess will be the one to decide the punishment.   Ipinaliwanag niya ang lahat ng dapat nilang malaman. “Nagkakaintindihan ba tayo, Andy? Ark?” Nagkatinginan ang dalawa. May nakakapagpabuhay na tensyon ang nangungusap sa kanilang mga titig. “Isa. Dalawa. Tatlo. Silence means yes,” she decided. “Mabuti. Pymi, ihatid mo na sila sa labas.” Pumasok si Pymi sa anyo niyang salesman kanina at hinatid ang customers sa labas. Pagkasara ng main door, tumunog ang wind chimes sa ibabaw nito. Nakakahalinang musika ang maririnig at kasabay ng pagpitik ni Pymi, nakatayo na ang dalawa sa elevator ng mall kung saan, lima lang silang nakasakay. Palihim na napangiti sina Ark at Andy. Totoo ngang may kapangyarihan ang mga drawing books nila at ang masaya pa, maaari nilang gawin ang kanilang gusto gamit iyon. Tiyak na magiging masaya ang mga susunod na araw nila. The fun is about to begin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD