
Namatayan ng magulang. Nakunan ng anak. Nalagay sa bingit ng kamatayan.
-
Naranasan na itong lahat ni Abigail “Abe” Matthias, ang pinakamagaling na undercover spy ng isang pribadong kompanya. Gayunpaman, hindi nagpapatinag si Abe sa lahat ng mabibigat na karanasan, at mas pinagbubutihan pa nito ang trabahong bumubuhay sa pamilya niya, kahit gaano man kadelikado.
-
Isang gabi, ipinatawag siya para sa isang importanteng misyon, nang nagulat siya sa itinambad na litrato ng target niya.
Kilalang-kilala niya ang lalaking ito.
-
Siya si Theo Felipe de Armas—ang natatanging sumagip ng buhay niya mula sa bingit ng kamatayan, at ang ama ng yumao niyang anak. Hindi niya akalaing magiging assassin si Theo, at aatasan siya para tugisin ito at patayin.
-
Ano ba ang nararapat gawin ni Abe? Paano niya haharapin ang taong pinakamamahal niya kapag nakatutok na ang baril nila sa isa’t isa?
