Chapter 2

1276 Words
Mabilis akong yumuko kay Sir Napoleon nang sabihin ng butler ang aking pangalan. Hindi ko naman dapat pagtuunan ng pansin ang isang Smirnov dahil wala naman akong balak magpakilala sana kaso magaling talaga ang timing ng tadhana. “Good morning, Sir Deimos Napoleon Smirnov,” bati ko sa kaniya. “You don’t need to bow your head, miss. I’m not a saint,” malamig na wika niya na nagpatigil sa akin. Binasa ko naman ang aking ibabang labi at mabilis na nag-angat ng aking ulo. Kung ibang Smirnov ito, baka hindi nila papansinin ang pagyuko namin pero kapag si Sir Napoleon, naninita pala talaga. “Understood, sir,” bulong ko at saka tiningnan muli siya sa kaniyang mga mata. Ngumiti ako nang tipid at dagli kong ipinagpatuloy ang aking pagdidilig. Nakita kong nakatingin sa akin si Cerese at nakangisi pa ang loka. Akala mo ay nang-aasar sa akin. Siguro ay ipinapahiwatig niya na nalapitan ko ang isang Smirnov. Hindi naman nakakatuwa ang ganoong bagay. Kung siya kinikilig sa mga Smirnov, ako hindi. Magkaiba kami ng type. Mas gusto ko pa ’yong hindi kagaya ng mga Smirnov. Wala naman akong masabi sa ugali nila pero ang mga taglay nilang kaguwapuhan, hindi ko tipo. Para kasing matinik sa babae. Kung baga, playboy. Inirapan ko na lang si Cerese at hindi pinansin ang mapanukso niyang mga mata. Naramdaman kong nagtagal din ang titig ni Sir Napoleon sa akin ngunit pinili kong ituon ang pansin ko sa aking ginagawa. Matapos naming magdilig, lumapit sa akin si Cerese at kaagad na niyakap ang aking braso na para bang teenager. Dang! We’re old enough now. Katatapos ko lang sa pag-aaral noong nakaraang buwan. Wala rin akong balak pang magtrabaho ngayon dahil gusto ko munang magpahinga. I can’t work my ass off right away. Kailangan ko ring magpahinga. Nakaka-drain ang pag-aaral at alam naman ’yon nina Mommy. Kaya nga hindi muna nila ako pinipilit magtrabaho, which I actually admire. Kung ibang mga magulang na ’yan, pipilitin na nila ang anak nila kahit katatapos lang naman niyang mag-aral. Mahirap din namang maghanap ng trabaho. Maraming magagastos pero madalas ay hindi pa permanent ang trabahong makukuha. Kami kasi ay may sariling business. Any time ay puwede kong i-take over kung gugustuhin ko pero sa ngayon ay wala pa akong balak at naiintindihan naman ’yon ng parents ko. “Mabuti ka pa nalapitan mo si Sir,” malungkot na sambit ni Cerese na ikinairap ko na naman. Wala yata kasing araw na hindi ako iirap kapag si Cerese ang kasama ko. Wala naman akong makitang rason kung bakit nagkakagusto si Cerese sa mga Smirnov, kung bakit siya kinikilig sa kanila. Guwapo sila, oo, pero hindi ko kasi talaga type. “Sana ako na lang nilapitan niya.” “Tigil-tigilan mo nga ako sa kagaganiyan mo, Cerese!” napipikon kong sambit. Mas matanda lang ako sa kaniya nang ilang buwan kaya hindi niya ako tinatawag na ate. Hindi kagaya ni Sereia na isang taon ang gap namin. “Hindi ka man lang nagaguwapuhan sa kanila—” “No! I told you, they’re handsome but they’re not my type,” pagpapaliwanag ko ulit kahit alam naman niya na hindi ko talaga sila type. Minsan ang kulit din talaga ni Cerese. Kung hindi ko lang talaga siya pinsan, baka kanina ko pa siya iniwan dito. Puro na lang siya Smirnov. Hindi ba siya naririndi sa sinasabi niya? Ako kasing nakakarinig, rinding-rindi na talaga ako. “Tsk! Baka mamaya may lihim ka pa lang gusto sa—” “Ang kulit mo, Cerese!” naubusan ng pasensya kong sabit. Mabilis ko ring tinanggal ang kaniyang pagkakayakap sa aking braso at saka binilisan ang aking paglalakad ngunit biglang humarang ang butler sa akin na ikinataas naman ng kilay ko. “You can’t go home,” aniya na nagpakaba sa akin. Wala naman kasi akong kasalanan kaya bakit bigla na lang niya akong hinarang. “Sir, bakit?” kinakabahan kong sambit habang nakatingala sa butler na ngayon ay may seryosong mukha. “Hinahanap ka ni Sir Napoleon,” paliwanag niya na ikinatigil ko. Kasi bakit naman niya ako hahanapin, hindi ba? Para sa anong rason? Hindi naman niya ako kilala nang tuluyan para bigla na lang niya akong hanapin. Unang pagkikita lang din naman namin kanina. Alam kong hindi na masusundan dapat ’yon kaso bakit naman gan’to ang nangyayari sa akin ngayon? Naramdaman ko ang presensya ni Cerese sa aking tabi na tiyak ay narinig niya ang sinabi ng butler sa akin. Kukulitin na naman niya ako kung sakaling makauwi ako sa bahay. Hindi ko alam kung dakilang chismosa ba siya o talagang patay na patay lang siya sa mga Smirnov? “Bakit daw po?” tangkang tanong ko muli sa butler na ngayon ay inaayos ang kaniyang suot na salamin. “Hindi ko alam pero sumunod ka na lang sa akin,” aniya bago tumalikod pabalik sa mansion. Napaawang naman ang aking labi at mabilis siyang sinundan ng tingin. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang ire-react ko. Nagtataka ako kung bakit ako lang at hindi kasama si Cerese. Rusco rin naman si Cerese, eh! Siniko naman ako ni Cerese. Kaya napalingon ako sa kaniyang gawi. Nakita ko naman ang nakakalokong ngisi ni Cerese sa akin na mas lalong nagpapikon sa akin. “Type ka siguro ni sir,” pang-aasar niya na ikinalukot ng mukha ko. Malabong maging type niya ako. Ni hindi nga ako kagaya ng mga babaeng nakikita at nakakasalamuha niya madalas sa Manila para magustuhan niya ako. Ang lakas talaga ng saltik ni Cerese. Nakakapikon. “Tigilan mo ako sa mga imagination mo, Cerese. Hindi nakakatuwa,” bulong ko bago siya iwan doon at sinundan ang butler na ngayon ay medyo malayo na sa akin. “Kuwentuhan mo na lang ako mamayang gabi!” sigaw ng pinsan ko na ikinailing ko na lamang. Hindi naman siguro niya ako papatayin, hindi ba? Buhay pa naman siguro akong makakauwi sa bahay. Wala naman akong ginagawang masama para ipatawag na lang niya nang basta. Kaya bakit bigla niyang naisipan na ipatawag ako? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga Smirnov. Kinakabahan tuloy ako dahil baka mamaya, tutukan na lang ako ng baril sa aking ulo dahil akala niya ay may ginawa akong masama. Pagdating namin sa isang malaking pinto, nagsimulang kumalabog nang malakas ang aking puso. Ni hindi ko pa na-appreciate ang lugar ng mansion nila dahil nagsisimulang lumikot ang aking mga mata at utak dahil sa takot. Pilit ko ring iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari dahil nakakapagtaka talaga. Biglaan ang lahat. Ni hindi ko man lang naaalala kung bakit ipinapatawag na lang niya ako. “Nasa loob ng silid si Sir Napoleon,” ani ng butler saka lumingon sa akin. “Huwag kang gagawa nang ikakasira ng buhay mo.” Nanginig naman ang aking tuhod sa kaniyang sinabi. Paniguradong puting-puti na ang aking mukha dahil nawalan na ako ng dugo roon. Maputi na nga lang ako, mas pumuti pa ako lalo dahil sa takot at nerbyos. Ang seryoso kasi ng butler pero ayaw naman sabihin sa akin kung ano ba talaga ang nangyari. Nakakainis! Mabilis niyang binuksan ang pinto habang ako naman ay nanatiling pinapanood ang butler na itulak ang pinto. Nang magtama ang aming mga mata, tinaasan niya ako ng kilay bago ituro ang loob. Binasa ko naman ang aking ibabang labi at kaagad na pumasok sa loob ng silid na hindi man lang nag-isip. Inunahan na ako ng nerbyos. Bakit naman gan’to? Nagising na lamang ako sa aking iniisip nang bigla na lang lumitaw ang isang lalaki na nakatapis lamang ng tuwalya at nakatingin sa aking gawi. “You’re here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD