Chapter 4

1259 Words
Kinabukasan, nagising ako nang maaga dahil sa pangbubulabog sa akin ng pinsan kong si Cerese. Wala naman kasi akong balak na gumising nang maaga kung hindi niya ako binulabog nang basta-basta. Hindi ko talaga maintindihan ang pinsan ko. Mukhang hindi pa niya nakakalimutan ang pagpapatawag sa akin kahapon ni Sir Napoleon. Wala naman kasing nangyaring kung ano. Inaya niya lang akong kumain at matapos no’n ay pinauwi na niya ako nang matunawan na ako ng kinain. Napailing na lang ako at inis na bumangon sa aking kama. Wala naman siya sa loob ng aking kuwarto pero ilang beses kasi akong ginising ng kasama namin sa bahay dahil daw nandito ang pinsan ko. Labag sa loob tuloy akong naligo nang maaga para lang kausapin ang pinsan ko. “Ano?” masungit na tanong ko sa aking pinsan na ngayon ay nakaupo sa sofa. Halatang naghihintay sa akin dahil pagpasok ko pa lang sa living room, nakatingin na siya sa gawi ko. “Hinihintay ka niya, ate,” singit ni Sereia na ikinairap ko. “Kanina pa ako kinukulit.” “Why not? Hindi naman bawal, ha?” tanong ni Cerese na halatang nagmamaang-maangan pa. Kung hindi ko lang siguro ito pinsan, baka kanina ko pa talaga nasabihan nang mga masasakit na salita. Nakakainis kasi! Ang ganda ng tulog ko tapos ilang beses nila akong ginising dahil lang hinahanap ako ni Cerese?! “Bawal kasi natutulog ako tapos ang aga mong nangbubulabog!” reklamo ko at napahawak sa aking ulo. Kumirot kasi iyon. Halatang kulang ako sa tulog. Paanong hindi? Alas sais ay nandito na siya at ginugulo ang buhay ko! Puwede naman kasing kausapin na lang niya ako mamayang gabi hindi iyong maaga akong gigisingin. Pupunta pa man din ako sa mansion ng mga Smirnov para magdilig na naman. Itong dalawa kasi ay hindi pupuwede dahil nga busy na ulit sila sa pag-aaral. “Sakto lang naman! Mamayang 7 ay papasok na kami ni Sereia. Ikukuwento mo lang naman kasi sa amin kung ano ang nangyari roon,” pangungumbinsi pa sa akin ni Cerese na mas lalong nagpakirot ng aking ulo. Matapos kong maikuwento sa kaniya, palagi niya akong inaasar na baka type raw ako ni Sir Napoleon kahit na sobrang labo namang mangyari. Hindi ko talaga maintindihan ang utak ng babae iyon. Kaya maaga akong umalis sa bahay para magpunta na lang sa mansion. Mas maganda rin naman na maaga akong magpunta roon para kahit papaano ay makauwi rin ako nang maaga. Gusto ko rin kasing tumulong sa business namin dahil plano ko na ring i-manage iyon next month. Kailangan ko na ring pag-aralan kung paano magpatakbo ng business namin dahil kung hindi ako gagalaw, paano na lang ang future namin? Bigla akong natigilan nang biglang may kumuha ng salamin ko. Nasa garden na ako ngayon at nagsimulang magdilig ng mga halaman kaso dahil nga may kumuha ng salamin ko, medyo humapdi ang mga mata ko. Nilingon ko ang kumuha ng salamin ko at hindi ko inaasahan na si Sir Napoleon pala. Nakatingin lamang siya sa akin at nakasuot ng simpleng shirt ngunit hapit naman sa kaniyang katawan. “Sir Napoleon, ang salamin ko po,” saad ko gamit ang mababang boses. Ngunit imbis na kunin niya ay bigla lamang niyang inilagay sa kaniyang bulsa ang kinuha niyang salamin na nagpainis sa akin nang tuluyan. Boss ko siya, kaibigan ng Smirnov ang pamilya namin kaya dapat ay hindi ako gagawa nang kung anong bagay na magpapainis sa kaniya pero fair ba iyon? Gagawa siya nang mali pero ako bawal? Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi habang nakayuko. Naikuyom pa ang aking kamao dahil pinipigilan kong huwag masigawan ang lalaking ’to. Naiinis ako. Basta na lang kasi niyang kinuha eyeglass ko. Ang daming puwede niyang inisin, bakit ako pa? Nananahimik ako rito at busy sa pagdidilig ng mga halaman. “Zolani Viatrix Rusco,” mahinang wika niya sa aking pangalan. Nagsimula akong makaramdam ng pagkapikon. Nauubusan na ako ng pasensya pero hindi ko naman kasi siya puwedeng sigawan dahil anak siya ng Boss namin. Kaya kahit papaano ay Boss pa rin namin sila. Minsan lang naman sila bumisita rito kaya nakakagulat na ngayong bumisita pa siya rito, saka naman niya ako guguluhin. “Bakit po, Sir Napoleon?” kalmadong wika ko at nag-angat ng aking ulo para makita siya. Ngumiti ako nang kaunti kahit na alam ko naman na magmumukha na ’tong pilit. “Ano po ang gagawin ko?” Alam ko kung anong klaseng buhay ang mayroon sila. Kaya kahit gusto kong magalit, natatakot ako para sa buhay na mayroon ako. Kailangan kong pigilan ang lahat dahil isang pagkakamali ko lang, papatayin na nila ako. Mayaman naman kami pero hindi kasing yaman nila dahil sa illegal at legal nilang mga business. Sakto lang ang pamumuhay namin. Nakakabili rin naman kami ng mga branded na gamit saka tinuruan naman kami ng mga magulang namin na huwag maging maluho ay gamitin sa tama ang pera. Hindi naman talaga kami kasama sa bahay ng mga Smirnov. Tumutulong lang kami lalo na sa pag-aalaga ng mga halaman. Binabayaran din naman nila kami kahit hindi naman kami isa sa mga employee nila rito. “Zolani,” bulong muli niya sa aking pangalan. Madilim ang kaniyang mukha habang sinasabi ang aking pangalan ngunit makikita sa kaniyang mga mata na may naglalarong kasiyahan doon. Napoleon is handsome. Maganda rin ang kaniyang pangangatawan dahil sa training nila magmula pa nang sila ay bata. Dahil nga kailangan nilang maging malakas at maliksi, una nilang pinapalakas ang kanilang stamina. Puro sila workout noon. Namamataan namin sila rito sa kanilang bahay sa tuwing namamasyal sila rito at kung mag-eensayo. Kaya naging maganda ang kanilang pangangatawan dahil sa workout nila palagi. Nakakatakot sila pero mabait naman sila sa amin. Hindi nila ginagamit ang kanilang kapangyarihan para kumitil ng buhay ng mga kilala nila. Alam kong kaya nilang pumatay ng inosente pero never nilang ginawa ’yon dito. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit nakakaya kong titigan siya sa asul niyang mga mata. “Do you have a boyfriend?” tanong niya bigla na ikinatigil ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang niyang itinanong sa akin ang bagay na ’yon. Wala naman akong boyfriend pero bakit personal na tanong ang kaniyang ibinabato sa akin? Tumikhim ako at tinanggal ang inis sa aking puso. Siguro, ibibigay niya rin naman ang salamin ko. Kailangan ko rin kasi ’yon dahil sensitive ang mga mata ko. Mabilis kasi akong mapuwing. “Wala po,” sagot ko at sinamahan pa nang marahang iling. Wala pa naman kasi talaga akong boyfriend. Wala pa akong balak. Hindi naman pinoproblema ng mga magulang ko kung mayroon man akong boyfriend o wala. Ang mahalaga lang naman sa kanila ay maayos ang buhay ko. “That’s good. You’re still young to have a boyfriend,” sambit niya na nagpaawang ng aking labi. Young? Hindi naman na ako bata! Nasa legal age naman na ako! “I’m not young. You’re just older than me,” bulalas ko. Hindi ko na inisip kung ma-o-offend pa siya sa sinabi ko. Nagdidilim na kasi talaga mga mata ko sa kaniyang ginagawa ngayon. Matapos niyang kunin ang eyeglass ko, sasabihan naman niya akong bata? “Not older as you think, Zolani,” pagtatanggol naman niya ng kaniyang sarili na ikinangisi ko. “You look old to me,” pagganti ko dahil sinabihan ba naman niya akong bata ako kahit hindi naman. Kung tutuusin ay kaunti lang naman yata ang gap namin. Baka wala pa sa limang taon. “I’m your Daddy, then?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD