Chapter 5

1277 Words
Sinipa ko ang bato na pakalat-kalat sa aking harapan. Nakakapikon talaga ang lalaking ‘yon! Hindi man lang inisip na kailangan ko ang eyeglass ko pero basta na lang niyang hindi ibinigay? For what? Tapos sasabihin pa niyang Daddy ko siya? The heck? “Viatrix,” tawag sa akin nang kung sino. Kaya mabilis kong tinapunan nang masamang tingin ang nagtangkang kumausap sa akin ngunit sa gulat ko, pinsan ko nga pala ito. Si Cyrielle. Magkakadikit lang ang taon namin. Ngunit si Cyrielle, lumaki sa ibang lugar at hindi rito sa Puerto Galera. Sa pagkakatanda ko ay laking Manila siya. Kung pupunta siya rito sa Mindoro, magbabakasyon lamang siya pero close naman kami. Hindi kagaya sa mga pinsan kong sina Cerese at Ivelle. Si Ivelle ay busy sa kaniyang medical course. Third year college student na siya at talagang pahirap na nang pahirap ang kanilang mga subject. Puro major na nga. Hindi na siya nakakapagpahinga nang maayos dahil tutok siya sa kaniyang pag-aaral. Kaya kahit gusto ko siyang kausapin, hindi ko magawa. Pero sinasabi naman ni Cerese na binabantayan niya ang kaniyang kapatid. Kaya kahit papaano ay nakakahinga na ako nang maluwag. “Kailan ka pa nakauwi?” tanong ko sa aking pinsan nang matauhan ako. Hindi ko napansin na nagdidilim na pala ang aking mga mata dahil sa lalaking ‘yon. May pa-Daddy-Daddy pa siyang nalalaman pero pasimple naman niyang kinuha ang aking eyeglass! “Kanina lang,” natatawa niyang sambit at basta na lang naggupit ng mga halaman. Mukhang magtatanim din siya ng rose dahil pinipili niya rin ang magagandang stem na puwede ng itanim. “Bakit hindi ka na lang magpahinga sa bahay niyo? Hindi mo naman kailangan tumulong dito. Ayos na iyong iisa lang ang nagpapakita,” nagtatakang tanong ko. Totoo naman kasi. Ayos lang ang isang lumitaw rito sa mansion ng mga Smirnov dahil hindi naman required na magpunta ang lahat dito. Kung baga, at least may isang representative pamilya namin para tumulong. Pagod din naman kasi siya sa byahe pero heto siya, pinilit na tumulong kahit na hindi naman na dapat. Minsan ay hindi ko rin maintindihan ang pinsan kong ‘to. May lahi ring kabute kung minsan. Lilitaw na lang kung kailan niya gusto. “Ayos lang naman. Hindi naman ako gaanong pagod para hindi tumulong,” aniya na nagpailing na lang sa akin. Bahala na lang siya. Ayaw ko na ring makipagtalo dahil naubos ang lakas ko sa lalaking iyon. Hindi man lang ibigay kasi ang eyeglass ko lalo na ngayon na nasa ilalim ako ng araw. Humahapdi na rin ang mga mata ko dahil sa araw. Kaya ilang beses din akong napatigil sa pagdidilig at kinusot ang aking mga mata. “Hindi mo dala ang eyeglass mo?” tanong ni Cyrielle. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Dala ko naman pero dahil nga kinuha ni Sir Napoleon ang eyeglass ko, hindi ako makapagtrabaho nang maayos. Ang mga kagaya kong may blue eyes o hindi kaya ay hazel brown at green eyes, sensitive kasi talaga kami sa araw o mga flashlight. Mahapdi kasi talaga sa mata. Blue eyes naman si Sir Napoleon pero hindi naman siya madalas magbabad sa ilalim ng araw. Kaya talagang hindi hahapdi ang kaniyang mata. Ako kasi, talagang sensitive talaga ang mata ko lalo pa at ilang oras din akong nagbababad sa araw. Ang eyeglass ko kasi, kapag natatapatan ng araw, nagiging sunglass. Kaya ayon talaga ang gusto ko kaso ng daming puwedeng pag-trip-an, eyeglass ko pa ang napagdiskitan. “Sa iyo muna ang sumbrero ko. Ako na rin muna ang magdidilig,” sambit ni Cyrielle. Naramdaman kong ipinatong niya ang suot niyang sumbrero sa aking ulo at kaagad na inagaw ang aking hawak na hose. “Magpahinga ka na muna.” “Blue eyes ka rin naman,” wika ko sa kaniya habang patuloy pa rin ako sa pagkusot ng aking mga mata. “May suot naman akong eyeglass. Kaya magpunta ka na muna sa lilim at magpahinga,” sita niya sa akin. Hindi na ako nakipagtalo at pinasingkit ko na lang ang aking mga mata bago magpunta sa ilalim ng puno. Hindi ko rin naman kasi kayang magtrabaho pa dahil naluluha na rin ang mga mata ko sa sobrang hapdi. Sa katunayan nga ay nakakahilo rin. Kaya kung pipilitin ko pa ang sarili ko, mukhang hindi makakabuti sa akin ang ganoong bagay. Mabilis lumipas ang oras, natagpuan ko na lang ang sarili ko na gutom. Sakto namang dumating sa puwesto ko si Cyrielle na ngayon ay seryoso ang kaniyang aura. Napaangat naman ang aking kilay habang tinitingnan ang pinsan ko na mag-iba ang kaniyang aura. Ngayon ko lang kasi siyang nakitang maging ganito pero hindi naman bago sa akin ang ganito dahil may time rin naman na nag-iiba rin ang mood ko. “They’re here,” wika niya at nakasimangot na umupo sa aking tabi. “Sino?” naguguluhang tanong ko dahil wala talaga akong alam kung sino ang tinutukoy niya. Masyado kasi akong nag-iisip kanina kung paano ko kukunin ang salamin ko. Ayaw ko pa man ding nagkukrus ang landas namin ng lalaking iyon dahil gusto ko nang tahimik na buhay. “Smirnov. Iyong si Sir Elijah Vincent,” wika niya na nagpatigil sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, bunsong kapatid iyon nina Sir Zyrah Arzhel at Davian Kaiser. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit nandito rin siya? Si Sir Napoleon kasi, magbabakasyon daw. Iyon ang nabalitaan ko pero si Sir Elijah Vincent, wala. Kay Cyrielle ko lang talaga narinig ang bagay na iyon. “Silang magpinsan ang nandito?” tangkang tanong ko muli dahil nalilito na talaga ako kung bakit sila nandito ngayon. May hidden agenda ba sila rito o wala? “Uuwi na ako kaagad. Tapos naman na ang lahat,” paalam niya bago tumayo. “Dala mo ba ang motor mo?” tanong ko sa kaniya. May motor kasi si Cyrielle. Kagaya ko, mahilig din naman siyang mag-motor lalo na kung ayaw naming magdala ng sasakyan. Mas comfortable rin naman kasing mag-motor lalo na kapag mag-isa ko lang. Ang hirap din naman kasing mag-overtake kung sasakyan ang gamit lalo na kung nagmamadali. Lumingon naman ako sa pinsan ko na ngayon ay inaayos na niya ang kaniyang sarili. Maganda ang pinsan ko. Actually, lahat naman kaming mga Rusco ay magaganda. May lahi rin naman kaming Russian kung tutuusin. Mas dominant lang talaga ng pagiging Pilipino namin. Ewan ko rin kung bakit. Pero kapag kutis naman, mestiza talaga kami dahil nga iyon ang namana namin sa mga magulang namin. “Yes. Didiretso rin naman kasi ako sa tabing-dagat mamaya dahil nami-miss ko ang amoy ng hangin doon,” aniya na nagpangisi sa akin. “Magtatagal ka ba roon? Balak ko kasing sumunod,” saad ko at saka tumayo na rin. Pinagpagan ko rin ang aking pang-upo nang marahan. “Siguro? Hindi ko alam. Depende sa mood,” sambit niya saka ngumiti sa akin. “Habulin mo na lang ako kung sakali na balak mong magpunta roon.” Natatawa naman akong napailing sa hamon ng pinsan ko. Mahilig kasi kaming maghabulan sa kalsada. Motor man o sasakyan ang gamit namin, talagang naghahabulan kami. Mabuti nga at hindi big bike ang gamit namin. Baka kasi mamaya, kung saan na mapunta ang pagkakarera namin. Delikado pa man din ngayon magkarera gamit ang big bike. Marami kasing sasakyan ngayon dahil nga maraming turista. Ilan sa kanila ay gustong makita ang white sand beach na ipinagmamalaki ng Puerto Galera. Kaya kahit nami-miss ko ang pagmamaneho ng big bike, hindi ko magawa. Natigil kami sa paghahamon sa isa’t isa nang lumitaw ang butler sa aming gilid. “Miss Zolani Viatrix, ipinapatawag ka po ni Sir Napoleon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD