Natawa naman ako nang pagak ngunit may halong kaba. Sino ba ang hindi matatakot sa banta niya? Hindi naman ako inosente pero ayaw kong mag-assume sa isang bagay na mahirap namang paniwalaan.
“Subukan mo, sisigaw ako,” banta ko sa kaniya kahit na naalala ko naman na soundproof nga pala ang kuwarto ko. The heck!
“You can’t. I’ll seal your lips with my kiss,” nahihirapang saad niya pero nginisihan ko lamang.
Hindi ako naniniwala sa kaniyang sinasabi. Hindi naman basta hahalik ang mga Smirnov lalo na sa ganitong sitwasyon. Pero paano nga kung hahalikan na lang niya ako bigla? Ano ang gagawin ko?
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong idea sa pakikipaghalikan sa isang tao. Wala naman kasi sa list ko ang mga ganiyang bagay lalo na kung panganay akong anak. Siguro ay dahil sa pressure kaya talagang hindi ako sumusubok makipaglandian kahit na pupuwede naman.
Kaya ngayong naririnig ko ang sinasabi niya, hindi ko maiwasang matawa at mapailing na lang sa kaniyang ginagawa. Hindi naman kasi nakakatuwa na pagbantaan nang gan’to. Hindi ako kinikilig. Sa ibang babae siguro, kung nasa katayuan nila ako, kikiligin sila dahil guwapo naman si Sir Napoleon pero ako? Hindi ako kinikilig. Nangdidiri nga ako sa pagmumukha niya.
“Shut the f**k up, Sir Napoleon. You can’t,” pamimilit ko. “Baka mamaya, mawalan ka na ng alaga.”
Hindi pa niya ako binibitawan. Kaya medyo napipikon ako ngayon dahil kahit nasasaktan na siya sa ginawa kong panununtok sa kaniyang alaga nang hindi sinasadya, hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. Hindi tuloy ako makaalis sa puwesto ko.
“Try me,” hamon niya sa akin at nilingon ako nang nakataas ang kaniyang kilay.
Hindi ko alam kung nasasaktan pa rin siya ngayon dahil nawala naman na ang paglukot ng kaniyang mukha. Pumintig tuloy ang aking puso sa kaba dahil mukhang gagawin talaga niya ang kaniyang sinasabi.
“Why would I? Ang kapal naman ng mukha mo—” Nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lang siyang bumangon. Sinubukan kong umilag pero masyado siyang mabilis na naging dahilan para mahalikan niya kaagad ang labi ko.
What the heck?
Hindi ba siya nag-iisip? Hindi dapat niya ako hinalikan. Mangliligaw ko lang siya pero hindi ko naman pinayagan na mangligaw sa akin. Kaya bakit ganito? Bakit?
Nanatili lamang akong nakamulat habang ang lalaking humahalik sa akin ngayon ay nakapikit na ang kaniyang mga mata.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko lalo na nang bigla na lang gumalaw ang kaniyang labi nang dahan-dahan. Nahigit ko naman ang aking hininga. Ramdam ko rin ang pagwawala ng puso ko at mga paru-paro sa tiyan ko na nakakakiliti.
“Kiss me,” he muttered before claiming my lips again.
Hindi ko alam kung bakit napapikit na lamang ako ng aking mga mata hanggang sa naramdaman ko ang kaniyang palad na napunta na pala sa likod ng aking ulo. Bahagya niya akong idinidiin sa kaniyang labi at mas lalong nilalalaliman ang aming paghahalikan.
Sa totoo lang, wala akong balak makipaghalikan sa kung sino. Kahit pa Smirnov iyan, wala talaga sa plano ko ang magpahalik pero bakit hinayaan ko ang sarili kong malunod sa halik ni Sir Napoleon? Ang malala pa ay nasa kuwarto kami—mismong kuwarto ko na alam kong may posibilidad na may mangyari sa amin. Hinayaan ko na siyang halikan ako, eh. Hindi na nga rin gumagana ang utak ko dahil sa kaniyang paghalik sa akin.
Napahawak ako sa kaniyang balikat habang nauubusan ako ng hangin dahil sa intense na paghalik niya. Sobrang bilis. Hindi ko siya masabayan. Parang expert siya sa pakikipaghalikan. Kaya bumaon ang aking mga kuko sa kaniyang matigas na balikat.
Sinubukan ko siyang sabayan pero sa huli, napapaigtad ako sa gulat lalo na kapag dumadaan ang dila niya sa aking labi at para dagdagan ang init na nararamdaman ko.
“Sir,” nanghihinang bulong ko.
“Daddy,” he muttered, using his sexy yet baritone voice. “Call me Daddy, Zolani.”
Nagsitayuan naman ang aking mga balahibo sa aking katawan dahil sa kaniyang binitawang salita. Gusto niyang tawagin ko siya ganoon? Bakit? Hindi naman malayo ang gap namin. Kaunti lang naman ang gap namin. Hindi ko rin naman siya sugar daddy, kaya bakit?
Pumulupot ang kaniyang bisig sa aking bewang—inaangkin na para bang sa kaniya. Kinilabutan man ako sa nangyayari sa amin, hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan.
I moaned softly when he bit my lower lip. I didn’t expect him to do that, but I think he wanted me to open my mouth, so I followed what he wanted. I opened my mouth to give him access, and when he finally felt it, he inserted his tongue.
Binuhat naman ako ni Napoleon nang walang kahirap-hirap na hindi ko alam kung bakit niya ginawa. Basta ang alam ko lang ay inilapag niya ako sa isang matigas na bagay at saka inilapit ang kaniyang katawan sa kaniyang sarili.
Nakaupo ba ako sa kaniyang kandungan? Mukhang hindi malabo ang bagay na iyon. Mas naging malapit kasi kami sa isa’t isa habang nakikipaglaro siya sa aking dila.
Shit! Why am I getting hot? This is just a kiss—a god-damned kiss! Yet why am I getting turned on?
Napoleon’s hand immediately gripped my ass, causing me to moan and hugged his neck slowly. He let out a soft curse before kissing me passionately again.
Am I doing it right? Kasi nakikipaghalikan ako nang walang experience. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko o may kulang ba sa ginagawa ko pero bakit ba kasi hinayaan ko ang sarili kong makipaghalikan sa isang Smirnov? Bakit?
Napaigtad ako sa gulat at mabilis na sinabunutan si Napoleon nang bigla na lang niyang paluin ang pang-upo ko. Instead of cursing him, I moaned.
“You punched my innocent d**k, baby,” he muttered upon breaking our kiss. “It’s time for your punishment, I guess?”
“No,” nanghihinang sagot ko. Ayaw ko ang iniisip niya pero bakit ba kasi kusang nagre-react ang katawan ko?
He slapped my ass again, which made me bite my lower lip to prevent myself from moaning. I had no idea what kind of punishment it was. Basta ang alam ko lang ay ayaw ko.
“Na uh!” he retorted before giving me a peck on my kiss. “Should I lick you for an hour?”
Namula ang aking pisngi sa kaniyang sinabi. Kaya napamulat ako ng aking mga maya. Bumungad naman sa akin ang kaniyang nag-aapoy na mga mata na para bang nagugustuhan ang kaniyang ginagawa.
“You can’t! Umalis ka na kasi sa bahay namin!” pagmamatigas ko dahil ayaw kong bumigay.
He gripped my ass again before slapping it once more.
“s**t!”
“Kung umalis ako rito sa bahay niyo, isasama naman kita sa mansion.”
“Bakit mo naman ako isasama? May sarili kaming bahay,” pilosopo kong sagot at sinamahan pa nang pag-irap. “Ang dami-daming babae riyan. Sila na lang. Nanahimik ako, eh.”
“I don’t care about them. I only like you, your body, especially your p***y—”
“That’s lust,” pahayag ko para pigilan siya sa kaniyang sasabihin. Nagre-react kasi ang katawan ko sa mga binibitawan niyang salita.
“Both. Lust and like, baby,” he replied. “Shall we continue?”
“No,” pinal na sagot ko at akmang tatayo na sana pero mabilis niya akong idiniin sa kaniyang katawan. “Napoleon.”
“Daddy, Zolani,” bulong niya. “It should be daddy.”