Chapter 13

1257 Words
“You!” sigaw ko nang bigla niyang itapon sa mukha ko ang kaniyang damit. Nakarinig pa ako ng langitngit sa kung saan at hindi ako puwedeng magkamali, nasa ibabaw siya ng kama ko. Inis na tinanggal ko ang damit niya sa aking mukha kahit pa mabango ang amoy nito at hindi amoy pawis. Akala ko nga ay ipinangligo na niya ang kaniyang pabango dahil hindi man lang yata siya pinagpapawisan pero ipinilig ko nang pasimple ang ulo. Bakit kailangan kong problemahin ang amoy niya? Tinapunan ko siya nang masamang tingin at idinuro siya dahil nakahiga na siya ngayon sa kama ko na akala mo ay sa kaniya ang bahay na ito. Hindi man lang nahiya sa akin na may-ari ng kuwarto? “Umalis ka sa kama ko o sasaksakin kita?” banta ko sa kaniya dahil sobra na akong nauubusan ng pasensya. Minu-minuto niya akong pinipikon! For Pete’s sake! Gusto ko na lang matulog pero bakit nandito pa rin siya? Alam ko naman na hindi madadaan sa ganitong bagay ang lalaking ’to. Pero ewan ko, gusto ko siyang palayasin dahil hindi naman kami close. Hindi ko rin naman siya boyfriend pero heto siya, nakikitulog sa aking kuwarto? “May bakanteng room pa naman kasi!” pamimilit ko. Totoo namang may bakanteng room kung balak niyang matulog dito. Huwag nga lang dito sa kuwarto ko dahil hindi na ako makakapagpahinga nang maayos. Ano ako? May saltik para matulog kaming magkatabi? Hindi naman kami close kasi. Ayos lang din kung may nararamdaman ako sa kaniya, baka kiligin pa ako. Pero iyong ngayon? Pangdidiri lang ang nararamdaman ko! Bukod doon ay wala na talaga! “Napoleon!” sigaw ko muli sa kaniyang pangalan dahil nakatingin lang siya sa akin at tinatapik ang kaniyang tabi na parang inuutusan akong tumabi sa kaniya ngayon. “Hindi nga ako nakikipagbiruan!” “Mukha rin ba akong nakikipagbiruan, Zolani? Tatabi ka lang naman—” “Sinungaling!” hiyaw ko para patigilin siya sa pagsasalita. Tatabi? Baka lalandiin ako. Ako pa lolokohin ng lalaking ’to? Mukha ba akong nakikipagbiruan ngayon? Inaantok na ang pakiramdam ko kahit katutulog ko lang kanina pero mukhang mawawala yata dahil sa pag-aaway namin ng lalaking ’to. Humalakhak naman siya sa aking sinabi na para bang wala nang bukas. Ngunit imbis na matuwa ako sa kaniyang ginawa, mas lalo akong nainis. Kulang na siguro ang isang drum para sa inis ko dahil sa kaniyang ginagawang kalokohan. Grabe! Tatanda yata ako nang maaga kung ang kasama ko madalas ay itong lalaking ’to. “What? Takot ka bang maramdaman ang pagmamahal ko—” “Mahalin mo na lang ang sarili mo!” sigaw ko sa kaniya at padabog na lumabas ng aking kuwarto para kumuha ng foam sa kabilang kuwarto. May extra foam pa kasi kami rito. Kaya bubuhatin ko na lang iyon at ilipat sa kuwarto ko. May kalakihan din naman iyon at mukhang hindi ko yata kakayaning buhatin. Hilain ko na lang para walang problema! Ilang minuto rin ang nakalipas nang tuluyan kong maipuwesto ang foam sa lapag. Ramdam ko ang tingin ni Sir Napoleon sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Bahala siya. Ituturi ko na lang siyang parang hangin dahil sa pamimikon niya sa akin. “Hey.” Kumunot ang noo ko at tinangkang kunin ang unan ko sa aking kama ngunit mabilis niyang nahablot ang aking kamay. Patience, Via. Binasa ko ang aking labi at pinilit bawiin ang aking kamay ngunit hindi niya binitawan. Pinagsaklop pa nga niya. Kaya nagtangis na naman ang aking baga. “Wala ka bang balak tigilan ako?” tanong ko bigla sa kaniya dahil hindi ko na talaga kayang tiisin ang pagkapikon ko sa lalaking ’to. “Wala.” “Wala na akong pasensya,” pagod na bulong ko at pinilit bawiin na naman ang aking kamay. “Bigyan kita,” pilosopo niyang sagot. Gamit ang aking kanang kamay, mabilis kong hinampas ang lalaking ’to sa kaniyang braso at basta na lang din kinurot iyon sa sobrang inis. Nagagawa pa kasi niyang mamilosopo kahit na kanina pa ako naiinis sa ginagawa niya. Ni hindi man niya ako tigilan. Kahit man lang sana ilang minutong katahimikan para hindi ako magkaroon nang tension headache. Kasi naiinis na talaga ako sa pagmumukha niya. Sumusobra na talaga si Sir Napoleon. “Ouch! Baby—” “Baby mo mukha mo!” Pinagkukurot ko ang ang kaniyang braso. Minsan nga ay ginagamit ko pa ang aking mga kuko para lang kurutin siya nang husto pero natatawa lang siya sa akin. Kita namang nasasaktan siya pero hindi ako tumigil dahil kung tumigil ako, pipikunin na naman niya ako. Ganito naman siya magmula pa kanina. Kapag hindi siya nakakatikim ng kurot, hindi siya titigil. Ano ba iyan? Kink niya ba ang pangungurot at talagang ginagawan niya pa nang paraan para lang makurot siya nang sobra? Siya lang ang nag-e-enjoy sa ganito. Kakaibang lalaki. “Bitiwan mo nga ako!” utos ko sa kaniya. Ngunit imbis na bitawan ako, hinila lang niya ako palapit sa kaniya na naging dahilan para ako ay mapasubsob sa kaniyang dibdib. Napahiga rin ako sa kaniyang tabi na kailan man ay hindi ko inaasahan. Kumalabog ang puso ko habang ang pisngi ko naman ay namula sa gulat at inis. Bakit kasi ganito ang nangyari sa amin ngayon ni Sir Napoleon? Bakit hinayaan ko na lang din siyang hilain ako nang basta-basta? Sana hindi nangyari ang ganito. Literal din na lumapat ang aking labi sa kaniyang dibdib na para bang hinalikan ko siya roon. Amoy na amoy ko rin ang kaniyang panglalaking pabango na hindi ko inaakalang maaamoy ko talaga sa kaniyang balat. Pinangligo pala niya ang kaniyang pabango kaya ganito ang nangyari. Nang natauhan ako, bigla kong inilayo ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Parang gusto ko na lamang magpalamon ngayon sa lupa dahil sa ginagawa niyang kalokohan na hindi ko maintindihan. “Bakit mo ginawa iyon?” pabulong kong tanong sa kaniya. “Ang kulit mo kasi,” sagot naman niya sa akin nang kalmado. “Wala akong gagawing masama. Kung gusto mo, puwede naman—” Mabilis kong sinikmuraan ang kaniyang tiyan na alam kong ikinagulat niya. Hindi naman ako masakit manuntok. Magaan lang naman ang mga kamay ko kapag ganitong usapan pero mukhang nagulat yata siya. “s**t! Baby! Not my d**k!” nasasaktang bulong niya sa akin na ikinakunot naman ng aking ulo. Paano ko nasuntok ang parteng iyon kung sa tiyan naman ang sinuntok ko? Parang ang weird naman yata ’yon. Nagtatakang napabangon ako sa kama ko habang tinitingnan siyang namimilipit ngayon sa sakit. Wala naman akong tinamaan na mali maliban sa kaniyang puson, hindi ba? Pero bakit namumula ang mukha niya? Pati ang tainga niya, namumula rin. “Damn, woman!” malutong na mura nito. Napaangat naman ang aking kilay dahil mukhang hindi siya nagbibiro. Mukha talagang nasuntok ko ang hindi ko dapat masuntok. Tinamaan naman ako nang kahihiyan dahil sa nangyari. Kung hindi lang sana niya ako inasar, sana hindi ko nasaktan ang kaniyang alaga. Mukhang hindi na siya makakabuntis nito kung naulit pa ang ganitong bagay. Kawawa naman kapag nagkataon. “Sorry,” mahinang bulong ko at tinapik ang kaniyang balikat. Medyo natataranta na talaga ako dahil ilang beses pa siyang nagmura. Mukha talagang nasaktan siya. Kalmado naman ito kanina. Pero teka, hindi naman masakit ang suntok ko, ha? Pero masakit kasi talaga kapag natatamaan nang kaunti ang mga alaga nila. Kagaya na lang sa mga dibdib ng babae, kahit tumama lang nang kaunti, masakit pa rin. “I’ll ripped your clothes later.” Huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD