Chapter 12

1290 Words
“Lumayas ka na. Tapos ka naman ng kumain, hindi ba?” tanong ko kay Sir Napoleon kahit hindi pa siya nakakainom ng tubig. Huling subo pa lang niya iyon pero kating-kati na akong umalis siya sa pamamahay namin. Hindi na kasi talaga ako natutuwa sa pagmumukha niya. Masyado na siyang nakakapikon ngayon. Ang dami niyang ginawang kalokohan ngayon tapos hindi man lang siya nakonsensya sa ginagawa niya sa akin? Saka hindi ako ma-i-in love sa kaniya. Paanong kawawa ako kung ganoon? Hindi ko naman siya type. Guwapo siya pero hindi niya naaabot ang standard na gusto ko kahit gaano pa siya katangkad. “Viatrix! Hindi ka ba titigil? Pati ba naman sa hapag babastusin mo?” sita na naman sa akin ni Mommy. Itinikom ko na lang ang aking bibig dahil sa sobrang pagkapikon. Kuhang-kuha niya ngayon ang loob nina Mommy. Para ngang siya na rin ang anak nina Mommy dahil sa ginagawa niya ngayon, eh. Nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko at shocks! Mapapamura talaga ako nang malutong kung hindi lang kami nasa hapag ngayon. Paano ba naman kasi? Naglagay na naman ng kanin sa kaniyang plato tapos nakangisi pa sa akin. Alam kong pinaplano na niya ito magmula pa kanina. Nakailang kuha ba siya ng kanin ngayon? Tatlo na yata. Halos mapuno nga ang kaniyang plato dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung sanay lang ba itong kumain nang marami o sinasadya niya lang ngayon para asarin ako? “Kumain ka lang, Sir Napoleon,” wika ni Mommy na halatang sweet pa sa lalaking ’to. Ito namang gunggong, nagawa pang sumulyap sa akin bago sumubo nang seryoso. Ngunit kitang-kita naman sa kaniyang mga mata ang naglalarong pang-aasar sa kaniyang mga mata. Hanep na lalaking ’to! Kung hindi lang sana siya lumitaw rito, baka sobrang saya ko pa ngayong gabi. “Kailan mo ba balak matapos diyan?” pabulyaw na bulong ko sa kaniya para hindi marinig ni Mommy ang aking boses. “Bukas,” kalmado ngunit pilosopo niyang sagot. Hindi naman ako nakapalag sa kaniyang sinabi at basta na lang kumuha ng isang slice na cake na mukhang dala yata niya kanina. Hindi naman kasi marunong mag-bake ng nga cake si Mommy at hindi rin naman siya mahilig kumain nang matatamis. Chocolate cake kasi ’to at medyo nakakatakam naman kahit papaano. Naiinis ako kay Sir Napoleon ngunit hindi naman ibig sabihin no’n ay hindi ko palalampasin ang cake na dala niya. “Wala ka bang inilagay na gayuma?” tanong ko sa kaniya para masiguro. “Wala rin ba itong lason?” “Gayuma puwede pa. Lason? No.” Umirap na lamang muli ako at kaagad na inilagay sa aking plato ang isang slice ng cake. Manipis lang ’to dahil gusto ko lang tikman. Hindi naman kasi ako mahilig kumain nang madami. Sakto lang dapat dahil masisira ang diet ko. “Nahiya ka pang kumuha?” tanong niya sa akin. Marahil ay nakita niya kung gaano kaliit ang kinuha kong cake. Masisira nga kasi ang diet ko. Bakit ba kailangan niyang tanungin o punahin ang lahat? Hindi ko siya pinansin hanggang matapos kami kumain. Siguro ay mas maganda na lamang na dumiretso na ako ng kuwarto ko pagkatapos kong kumain dahil napipikon talaga ako sa kaniyang mukha. Kaya nang masiguro kong tapos na lahat kumain, hindi na ako nagpaalam. Basta na lamang akong umalis ng dining area at dali-daling magpunta sa hagdan nang makapunta na ako sa aking kuwarto. Nakarinig pa ako ng yabag sa aking likod kaya mas binilisan ko ang pag-akyat sa hagdan lalo na nang maramdaman ko ang kaniyang presensya na pilit akong hinahabol. Shit! Hindi ba rin ako nagdalawang-isip pang magtungo sa kuwarto ko at sinubukang abutin ang pinto ng aking kuwarto bago isara nang mabilis ngunit naharangan ni Sir Napoleon iyon sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay. “Listen, Zolani,” sambit niya pero umiling ako. “Get out of this house. Huwag na huwag kang magpapakita sa akin,” mariing wika ko at pilit sinasabi sa kaniya ang bagay na iyon. Paulit-ulit ko na rin kasing sinasabi ang bagay na ito pero hindi siya nakikinig sa akin. Palagi na lang sarili niya ang kaniyang sinusunod at talagang napipikon na ako nang sobra sa kaniyang ginagawa. “No,” sagot niyang muli. “I’ll stay here. Matutulog ako sa kuwarto mo.” “Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ko sa kaniya nang hindi ko na talaga mapigilan ang aking emosyon. Mas nangingibabaw na ang inis ko sa kaniya dahil sa patuloy niyang pang-iinis akin. Hindi na nga ako natutuwa sa ginagawa niya. Nakakaubos na kasi talaga siya ng pasensya. Siya lang ang nag-e-enjoy sa ganito. Habang ako ay napapagod at nauubusan na talaga ng pasensya. Kung dati ay nakakaya kong bigyan siya ng respeto, ngayon ay wala na. Paano ba naman kasi ako magkakaroon ng pasensya kung palagi naman niya akong pinipikon? “Umalis ka na! I can’t be with you. Uubusin mo lang ang pasensya ko!” “No. I’m not. Hindi naman kita inaasar.” “Hindi inaasar? Eh, pagmumukha mo pa nga lang naaasar na ako, Napoleon.” “Baby,” pagsusumao niya na hindi ko pinakinggan. May kiliti akong nararamdaman pero hindi ibig sabihin no’n ay gusto ko na siya. Magkaiba iyon. Hindi iyon magiging parehas. Dahil sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan na ginamit na pala ang kaniyang lakas nang tuluyan para makapasok sa aking kuwarto. Napalayo ako sa pinto habang siya ay nanatiling nasa pintuan at unti-unting isinasara ang pinto. Seryoso ang kaniyang mga mata na nakatingin sa aking gawi. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makitaan nang pagbibiro ngayon ang kaniyang mga mata pero isa lang ang masasabi ko, kumakabog nang malakas ang aking puso lalo na nang bigla niyang i-lock ang pinto. “Ano ba talaga ang kailangan mo?” nanghihinang tanong ko sa kaniya dahil para akong kinakapos sa hangin. “Ikaw.” Umigting ang aking panga at mabilis na inilihis ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mga emosyon sa kaniyang mukha. Gets ko na naman na gusto niya akong ligawan pero hindi ibig sabihin no’n ay magpupunta na siya sa kuwarto ko. “Isn’t it obvious?” tanong niya sa akin. “No. Mukha kang stalker,” sagot ko sa kaniya na pabalang. Napatawa naman siya nang mahina ngunit kaagad din naman siyang kumalma. “Friends ang parents natin. Alam ko naman na talaga kung saan ang bahay niyo dahil madalas naman kaming magpunta rito noon nina Mommy.” Hindi ako nagsalita. Hindi ko naman kasi kailangan ng explanation niya. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang kalimutan ang kaniyang existence. Ayaw ko nga sa kaniya dahil madals akong ginugulo. Kahit pa sabihin niyang madalas silang magpunta rito noon, hindi ko naman sila tinitingnan dahil ayaw kong dumikit sa kanila. Ayaw ko sa kanila. Ano ba kasi ang mahirap intindihin doon? “Zolani,” tawag niyang muli sa aking pangalan. Kaso may bahid nang pagiging malambing ang kaniyang boses na hindi ko kailan man inaasahan. “I’m sorry. Kung ano man ang nagawa ko.” “Kung sincere ka, lumayas ka rito,” pagmamatigas ko. Kahit iyon lang sana ang kaniyang gawin, okay na sa akin. Ang akin lang naman ay huwag na siyang lumapit sa akin at itigil na ang kaniyang pangliligaw sa akin. Wala akong balak nagmahal ng Smirnov. Kahit pa umiyak siya nang dugo, hindi ako magmamahal sa isang kagaya niya. “Not gonna happen. Dito ako matutulog. Tabi tayo sa kama mo,” wika niya na nagpalingon naman sa akin sa kaniyang gawi. Kaso nakita ko ang pagtanggal niya ng kaniyang damit at basta na lang inihagis sa aking gawi. Tumama pa iyon sa mukha ko! “Napoleon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD