“Mom!” tawag ko kay Mommy nang lumitaw muli siya ngayon sa living room. Halos isang oras din kaming nagbangayan ng lalaking ’to dahil napipikon talaga ako sa ginagawa niya. Hindi man lang siya napagod sa ginagawa niyang pang-aasar sa akin magmula nang magkita kami.
Puro na lang siyang pang-iinis. Masyado niya yatang inuubos ang pasensya ko at mukhang walang balak magtira? Nakakairita rin ang ngisi niya. Dahil kung makakapit sa akin ngayon ay parang may namamagitan sa amin.
Namamagitang galit puwede pa! Eh, iyong feelings? Wala! Ang kapal naman ng mukha niya para ganito ang gawin niya sa akin! Makadikit sa akin, akala mo may dapat ipagmalaki.
“Viatrix,” nakangiting wika ni Mommy sa akin. “Handa na ang hapag—”
“Dito siya kakain?” tanong ko bigla kay Mommy para pigilan siya sa pagsasalita. Ang bastos ko man sa part na iyon pero hindi ko talaga maiwasang magtanong lalo na kung si Sir Napoleon ang usapan. Hindi dapat siya lumilitaw ngayon dito at ang malala ay hindi dapat siya makikain dito!
Ang dami nilang pagkain sa mansion nila tapos naisipan pa niyang guluhin ang buhay ko? Para saan? Safe place ko na nga lang ang bahay namin pero bigla na naman siyang lumitaw nang walang paalam. Tingin ba niya ginaganahan ako sa ganitong pamimikon at pagiging stalker niya?
Yes! Stalker na ang tawag ko sa kaniya dahil bigla na lang siyang lumilitaw sa kung saan. Literal na sinundan pa ako rito sa bahay para manggulo. Ang malala pa ay nag-i-invade siya ng privacy na dapat ay hindi! Stalker na nga, creepy pa! Ganito ba talaga ang mga mafia?
Aware naman ako sa ugali nila pero bakit umabot sa puntong kailangan na pati ako ay guluhin niya? Parang nakakawala naman ng gana ang ganitong buhay. Hindi man lang niya isipin ang mga bagay na dapat niyang isipin! Anong klaseng utak ba ang mayroon siya?
“Yes. Nandito na rin lang naman ang bisita mo, bakit hindi natin pakainin—”
“No! Hindi ako papayag!” angal ko kahit na katabi ko lang naman si Sir Napoleon. Ang nakakainis pa ay nakaakbay sa akin. Feeling boyfriend!
“Viatrix! Magbigay ka naman ng respeto kay Sir Deimos—”
“Neknek niya! May bahay naman siya. Bakit hindi na lang siya kumain doon?”
Nanglaki ang mga mata ni Mommy sa aking naging sagot pero wala akong pakialam! Nagiging demonyita ako kapag kasama ko ang demonyo na dapat ay hindi. Pinapaiksi ba naman niya ang pasensya ko, paanong hindi ako magiging demonyita?
“Viatrix, ang bunganga mo!” bulyaw sa akin ni Mommy. “Hindi mo naisip na Smirnov ang nandito sa bahay natin? Binibisita ka nga niya—”
“Wala akong pakialam sa existence niya, mom,” wika ko dahil totoo naman. Wala akong pakialam sa mga Smirnov. Hindi ko naman kasi talaga sila gusto. Kaya bakit ko pa ipagpipilitan na respetuhin sila kung hindi naman nila ako kayang respetuhin?
Nakakapikon. Nakakaubos ng pasensya. Naiinis ako. Lahat na yata ay nararamdaman ko na dahil lang sa isang Smirnov na sana ay hindi ko na lang siya nakilala. Kung bakit pa kasi nagtagpo ang landas namin? Sana hindi kumukulo ang dugo ko ngayon sa kaniya.
“It’s okay, Miss Rusco,” singit bigla ni Sir Napoleon. “Sanay naman na ako sa ugali ng anak niyo.”
Sinamahan pa niya nang mahinang tawa ang kaniyang sinabi na naging dahilan para mapalingon ako sa kaniyang gawi. Tingin ba niya ay natutuwa ako sa kaniyang ginagawa at sinasabi ngayon? Balak pa niya yatang agawin ang tiwala ng mga magulang ko para lang ipagpatuloy ang panggugulo sa tahimik kong buhay.
Sinamaan ko siya nang tingin. Naramdaman niya yata ang mga tingin na ipinupukol ko sa kaniya dahil hindi man lang siya natakot sa aking ginawa. Bagkus ay nakangiti pa rin siya sa akin at halatang natutuwa sa mga nangyayari. Nakatingin na rin siya sa akin ngayon at nakikipagtagisan pa ng titig sa akin.
“Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Sir Deimos,” paghingi ni Mommy ng tawad.
Mas lalong lumiit ang aking mga mata dahil sa ginagawa ng lalaking ’to. Kung kaya niyang mauto ang mga magulang ko, puwes, ako naman ay hindi. Hindi ako kailan man madadala sa mga titig niya sa akin kahit pa kumakabog nang malakas ang puso ko sa inis. Tingin ba niya ay hindi ako papalag sa ginagawa niya? Akala niya lang iyon.
“Puwede bang umalis ka na lang habang nagtitimpi pa ako?” tanong ko sa kaniya na ikinagiti naman niya.
“No.”
Pabagsak kong inilapag sa mesa ang hawak kong kubyertos dahil katabi ko pa sa hapag ang lalaking kinaiinisan ko nang sobra.
Sa huli kasi, inaya pa rin siya ni Mommy na kumain dito sa bahay. Nakatanggap pa nga ako ng kurot at panenermon sa mga magulang ko pero hindi naman ako apektado sa ganoon. Mas apektado pa ako sa pagmumukha ng kasama ko.
Kaya rin nawawalan ako ng ganang kumain dahil nagawa pa niyang maglagay ng mga pagkain sa aking plato kagaya nang kaniyang nakasanayan sa tuwing kakain ako sa kanilang mansion.
Ang ipinagkaiba lang ay hindi iisang plato ang gagamitin namin ngayon. May sarili siyang plato pero ang nilalagyan niya ng pagkain ay ang plato ko.
“Bakit hindi mo na lang kunin ang plato ko? Lagay ka nang lagay ng pagkain diyan,” masungit na puna ko sa kaniya dahil hindi ko na talaga siya maintindihan. Kung hindi lang siya Smirnov, kanina ko pa pinutakte ng mga mura.
“Viatrix!” sita na naman sa akin ni Daddy ngunit hindi ako nakinig sa kanila.
Bakit ko ba sila papakinggan kung si Sir Napoleon na ang usapan? Tingin ba nila ay natutuwa ako sa ginagawa ng lalaking ’to ngayon? Hindi! Never!
Natatawa naman si Sir Napoleon sa aking naging tanong at napasulyap pa sa aking gawi ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay dahil sa sobrang pagkapikon ko.
Ito ang ayaw ko kapag nasa paligid ko siya dahil humihinga lamang siya, napipikon na ako sa pagmumukha niya.
“The more you hate, the more you love—”
“Oh, shut up, Napoleon!” bulong ko na may halong diin. Ayaw kong iparinig sa mga magulang ko ang pagsusumbatan namin dahil ang pipiliin lang naman nila ay si Sir Napoleon.
Parang anak na nga nila kung tutuusin pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Siya na lang palagi ang kinakampihan porket Smirnov siya? Paano naman akong anak nila, hindi ba?
Nakakinis talaga ng existence niya. Kung hindi ko talaga siya pinansin noon, hindi sana ganito ang mangyayari. Hindi sana ako maiinis nang husto.
“Kung anu-ano ang sinasabi mo. Hindi naman totoo iyan!” saad ko dahil hindi naman talaga totoo ang mga binibitawan niyang salita.
The more you hate, the more you love?
Ginagago ba niya ako? Kasabihan lang iyan pero hindi naman totoo. Depende na lang ’yon kung gugustuhin kong mahalin siya kahit na kinaiinisan ko naman siya. Mataas naman ang standard ko. Mas mataas pa sa kaniya na paniguradong hindi niya maaabot.
“Malay mo—”
“Feeling,” putol kong muli sa kaniyang sasabihin. “Huwag kang managinip ng gising. Nagmumukha kang may saltik.”
Ngumisi lang siya sa aking sinabi at saka ipinilig ang kaniyang ulo. Bahagya niya ring inilapit ang kaniyang mukha sa akin na naging sanhi upang mahigit ko ang aking hininga.
“Hindi ako nananaginip. Nakikita ko ang future,” bulong niya sa akin. “Kapag talaga na-in love ka sa akin, kawawa ka.”
Ma-in love sa kaniya? What the heck?