Chapter 10

1272 Words
“Ang kapal ng mukha mo,” saad ko sa kaniya na naging dahilan para matawa siya. Genuine ba ang tawa niya o inaasar niya lamang ako? Kasi hindi ako natutuwa sa kaniyang reaction ngayon. Para niya akong iniinsulto na para bang may ginawa akong kalokohan. “If that’s what you think, then it is, Zolani,” mahinang wika niya na nagpaigting sa aking panga. “Don’t call me Zolani,” sita ko sa kaniya dahil hindi naman talaga kami close. Matatanggap ko pa kung Miss Rusco ang itatawag niya sa akin at hindi ganito. Kung tawagin niya kasi akong Zolani, para namang close kami kahit na hindi naman talaga. Hindi ba niya iniisip na ayaw ko sa kaniya? Kaso dikit naman siya nang dikit an akala mo ay linta. May lalaki pala talagang parang linta kung lumapit o manggulo, ano? Akala ko pa man din ay walang ganoon at madalas ay puro lamang babae kaso mali pala talaga ako. “What’s wrong calling you Zolani?” he asked, which made me roll my eyes. “We’re not that close, Sir Napoleon,” bulong ko at mabilis siyang tinalikuran. Nakakangalay ba naman kasi siyang titigan. Ang tangkad naman kasi niya. Akmang aalis na sana ako nang bigla na lang niyang hinigit ang aking bewang at basta na lang itinulak sa kung saan. Napaawang ang aking bibig sa gulat at hindi inaasahan ang ganoong pangyayari. Kahit kailan ay hindi ko naranasan ang ganoong pangyayari kaya bakit bigla na lang niyang ginawa ang bagay na iyon? “What the f**k are you doing?!” bulalas ko nang hindi inaasahan. Kumakabog pa rin ang puso ko sa sobrang gulat dahil hindi ko inaasahan na gagawin ni Sir Napoleon iyon sa akin. Kung hindi lang nagtagpo ang aming mga mata ngayon, baka nawalan na ako ng malay dahil sa gulat. Tumalon kasi talaga ang puso ko. Masyado naman kasi akong relax kanina. Hindi rin naman ganoon kabilis ang reflexes ko. Kaya bakit ko naman aasahan ang bigla niyang paghapit sa akin? Ni hindi ko pa naisip na isa pala siyang Smirnov dahil sa nangyari. Basta ko na lang siyang sinigawan nang hindi ko naiisip. Kung hindi naman dapat niya kasi ginawa iyon, hindi siya makakarinig nang masakit na salita ngayon sa akin. “What about this? Are we close enough now, Zolani?” he asked using his baritone voice. Umigting ang aking panga sa kaniyang naging tanong. Iyon lang ba ang dahilan niya kaya bigla na lang niya akong pinagdiskitahan? Hindi naman yata maganda ang ginawa niya. Kahit pa mabilis ang kaniyang reflexes, hindi maganda ang panggugulat na ginawa niya sa akin para lang magpapansin. Alam ko namang nagsisimula pa lang siyang mang-inis sa akin o hindi kaya ay magpapansin pero ngayon pa lang, nawawalan na ako ng pasensya. Parang gusto ko na lang magtago at kalimutan ang lahat para lang mamuhay nang tahimik. Kung Primanov pa talaga ang nanggugulo sa akin, baka kiligin pa ako kaso hindi, Smirnov ito at hindi ang Primanov. “Stop pestering me, Sir Napoleon,” saad ko na ikinangisi naman niya. “You can’t dictate what I’m going to do, Zolani.” Inilapit niya ang aking mukha na ikinagulat ko. “Never.” Nakaramdam ako ng kiliti sa aking puson dahil sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin. Ultimo ang kaniyang boses na ayaw na ayaw kong maririnig, bigla na lang kumikiliti sa aking puso. What the heck is wrong with me? Hindi naman ako ganito sa ibang tao. Never akong nakakaramdam ng weird na pakiramdam. Kaya bakit nangyayari sa akin ito? “Let me go!” Sinubukan kong pumalag sa kaniya dahil napipikon na talaga ako sa kaniyang pagkakayapos sa aking bewang. Hindi rin ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Para akong tumakbo nang ilang milya. Hapong-hapo ako sa nangyayari. Dahil lang sa nasa harapan ko si Sir Deimos, ganito na ang nangyayari? “What? Ayaw mo?” tangkang tanong niya sa akin muli. Pagak naman akong natawa kahit na hindi na ako makahinga at naiilang na talaga ako sa kaniya. “Alam mo, Sir Napoleon? Hindi pa ba obvious na ayaw kong makita ang pagmumukha mo?” maanghang na tanong ko sa kaniya at pilit inililihis ang aking mga mata. “Ayaw ko ring makasama ka.” Totoo iyon. Ayaw ko siyang makita o makasama sa iisang lugar. Pakiramdam ko kasi ay sobra-sobra ang nararamdaman ko na never kong naramdaman sa iba. Hindi ba niya talaga nahahalata ang pagkadisgusto ng aking mukha sa tuwing nagkikita kami? Hindi ba niya iyon ramdam? Pilit ko na kasing ipinaparamdam. Ayaw ko sa kaniya. Ayaw ko sa Smirnov. Kaya bakit ba pinaggigiitan niya ang mga ganitong bagay? Para saan? “Well, sorry for that, but I’m not gonna stop bugging you, woman,” sambit niya. “I’m just starting. Hindi ko pa nga inilalabas ang kakulitan ko pero napipikon ka na?” “Kahit pa huminga ka lang at hindi ako kausapin, naiinis ako sa pagmumukha mo,” pinal na sagot ko sa kaniya at ipinatong ang aking mga palad sa kaniyang dibdib para itulak siya palayo sa akin. Ngunit nang hindi ko napansin na gumalaw siya nang itulak ko gamit ang buong lakas ko, ngumisi lamang siya sa akin na ikinatigil ko. f**k! Mas malakas nga pala siya sa akin. Bakit hindi ko man lang naalala? “Zolani,” tawag niya muli sa aking pangalan. “Don’t call me Zolani!” sigaw ko sa kaniya. “Umalis ka na.” “No,” pagmamatigas niya habang seryoso ang mga matang ipinupukol niya sa akin. “I don’t want to.” “Bahay namin ito. Sa ayaw at sa gusto mo, lumayas ka na!” bulyaw kong muli at sinabayan pa nang malakas na pagtutulak sa kaniya. “Hindi ka ba talaga titigil sa panggugulo?” “No.” “Napoleon!” palahaw kong muli. “Yes, baby?” malambing na tanong niya sa akin. Nagulat man ako at nangdidiri sa kaniyang sinabi, pinanatili ko ang aking mukha na galit. Hindi dapat ako naaapektuhan sa mga sinasabi niya sa akin. Never dapat akong maapektuhan sa mga sinasabi niya dahil hindi ako natutuwa. Tingin ba niya kikiligin ako kapag tinawag niya akong baby? Huh? No! Mga ganiyang lalaki, babaero. Magaling lang magpakilig sa babae pero kapag nakuha na nila ang gusto nila, lalabas na ang totoong kulay nila. Kaya bakit pa ako magpapaloko sa mga ganitong mukha? Kung hindi ako nagkakamali ay ang panganay nilang si Sir Gideon Rayne Smirnov ay babaero. Impossible ring hindi sila babaero dahil hello? Magkapatid sila. Hindi ako maniniwala na matitino ang mga lalaking ito. Lalo na ang kapatid nilang si Sir Valerian Cain Smirnov? Halatang matinik sa babae. Hindi na ako magtataka kung may babae iyang lalaking iyan na mas higit pa sa isa. Itong si Sir Napoleon? Kunwari lang na gusto ako pero sa loob-loob niya, pinaglalaruan niya lang ako. Matitinik sila sa babae pero hindi ako magpapauto at hindi ako bibigay sa mga kagaya nilang lalaki. Guwapo sila pero hindi ako ma-a-attract. Never iyong mangyayari. Kahit lamunin pa ako ng lupa ngayon, hindi ako magpapauto sa kagaya niyang lalaki. Kahit pa magkaroon siya nang maraming ugat ngayon kakukulit sa akin, hinding-hindi ako kikiligin. “Don’t call me baby! I’m not your baby for Pete’s sake!” hinihingal na tili ko sa kaniya. Ngunit imbis na tumigil na siya sa pagsasabi sa akin ng bagay na iyon. Inulit pa niya nang inulit. “Zolani, my baby.” Dahil nagngingitngit na ako sa galit, basta ko na lang kinurot ang kaniyang dibdib para man lang sana makabawi sa pang-aasar niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD