Chapter 9

1263 Words
Umigting ang aking panga sa kaniyang sinabi. Talaga pa lang hindi niya ako hahayaang makalayo. Akala ko, tinatakot niya lang ako pero mukhang may isang salita ang Smirnov na ’to. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang lalaking ’to na dapat ay hindi. Ang weird lang kasi bakit kailangang umabot sa ganitong klaseng senaryo? Ang sabi ko ay lalayuan ko na siya dahil wala naman talaga akong balak pero mukhang ayaw talaga niya akong tigilan. “Alam mo, nakakapagod pa lang magtimpi,” nang-aasar kong wika sa lalaking nasa harapan ko. Nakatingin lang siya sa akin at hindi man lang nagbago ang kaniyang expression sa mukha—nanatiling seryoso ang mga titig niya sa akin. “Wala na akong pakialam kung bigla ka na lang mainis sa akin at basta mo na lang pasabugin ang bungo ko kung kailan mo gusto.” “I can’t kill you,” natatawang lintaya niya. “Why would I f*****g do that, Zolani? I’m not stupid.” “Stupid my ass!” hiyaw ko sa kaniya dahil hindi ko na talaga kayang maging kalmado sa ganitong oras. Punong-puno na ako sa lalaking ’to. Kung puwede nga lang siyang awayin, ginawa ko na pero sa ngayon, hanggang palag lang muna ako. Baka kasi mamaya ay marinig ako ng mga magulang ko at sabihin o isipin na inaaway ko ang isang Smirnov. “Don’t curse at your ass,” sita niya sa akin na ikinalaglag pa ng aking panga. I hate him! “Hindi ako nakikipagbiruan dito!” inis na wika ko dahil hindi naman talaga. Kaya hindi ko gets kung bakit sinasagad niya pa nang husto ang aking pasensya. Siya lang ang bukod tanging nakikipagkumpitensya ngayon sa pasensya na mayroon ako. Kung hindi lang sana maiksi ang pasensya ko ngayon dahil sa ginagawa niya sa akin, sana nakausap ko siya nang mas mahinahon. “Hindi rin naman ako nakikipagbiruan dito, Zolani,” seryosong sambit niya. “Tingin mo ba nakikipagbiruan ako? I was just trying to lift the atmosphere kasi galit ka.” Lumundag ang aking puso sa kaniyang sinabi at mabilis na inilihis ang aking mga mata. Kinagat ko pa ang aking ibabang labi dahil sa kaniyang sinasabi ngayon. Hindi ko alam. May epekto kasi talaga ang ginagawa at sinasabi niya sa akin. Pagtitig pa nga lang niya sa akin ay halos manghina na ako nang tuluyan. Hindi kaya ay guni-guni ko lang ’to? Nagkagusto naman ako noon pero I’ve never experienced this kind of feeling. Para akong inaatake sa nerbyos. Hindi ko maipaliwanag. Paghinga nga nang malalim ay hindi ko magawa. Lahat ay pigil na pigil. “Paanong hindi ako magagalit kung ayaw mo akong tantanan?” naiinis na tanong ko sa kaniya. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay pero bakit ayaw niyang ibigay sa akin ’to ngayon? Bakit palagi na lang ganito? Simula talaga nang dumating siya, kung anu-ano na lang ang nararamdaman ko. Hindi ako matahi-tahimik. Inis, galit, pikon, nerbyos at saya. Halo-halo na ang lahat tapos siya, hindi man lang makaramdam na ayaw ko talaga ang ginagawa niya sa akin? Alam ko namang matalino ang mga Smirnov pero bakit naman ganito kalala? Bakit ayaw niyang pakinggan ang kagustuhan ko? Hindi ko talaga siya maintindihan at hinding-hindi ko talaga siya maiintindihan. “Ano ba ang mahirap sa sinabi ko na hindi na ako lilitaw sa harapan mo?” Gusto ko na kasi talagang lumayo sa mga Smirnov. Binigyan niya kasi ako ng atensyon na dapat ay hindi mangyari. Magkaibigan ang mga pamilya namin pero hindi ibig sabihin no’n ay magkaibigan na kami para guluhin niya ako. Pati sa bahay namin, hindi na niya ako tinigilan pa. Buong akala ko pa man din ay malaya na ako kapag nandito ako sa bahay namin pero bakit naman ganito? “May isang salita ako, Zolani,” sambit niya na nagpatangis ng aking baga. “Kung ano ang gusto ko, iyon ang masusunod.” “Hindi mo naman ako pag-aari para sundin ko na lang madalas ang sinasabi mo,” naiinis na pahayag ko. “Hindi tayo magkaano-ano para gawin ang mga bagay na ginagawa mo sa iba.” Tiningnan ko siya nang masama habang ang lalaking nasa harapan ko naman ay basta na lamang tumayo at unti-unting lumapit sa akin. Hinding-hindi ako matatakot sa kaniya. Sawa na akong maging sunud-sunuran. Kung ang iba ay sinusunod pa rin siya, ako, hindi na. Nandito siya sa bahay namin at wala ako sa mansion o pag-aari nila. Kaya bakit naman ako susunod sa gusto niya? Hindi ko na hahayaang tapak-tapakan niya ako. “Zolani,” muling tawag niya sa aking pangalan nang tumapat siya sa aking harapan. Nakatingala lang ako sa kaniya dahil nga mas matangkad siya sa akin. Sa sobrang tangkad niya, nangangalay ang batok ko. Anong klaseng nilalang ba ’to at hindi man lang magbigay ng height sa mga nangangailangan? Sinalo niya kasi lahat. Actually, silang magpipinsan at magkakapatid, lahat sila ay matatangkad. Siguro dahil na rin sa pagiging Russian nila na mas angat. Ako, kutis ko, ilong at mga mata ko lang ang Russian, the rest ay ang pagiging Pinoy ko na. Kapag sa kanila kasi, mas dominant ang pagiging Russian nila magmula sa kutis, tangkad at mukha. “Then starting from now, I’ll court you,” wika niya na ikinatulos ko sa aking kinauupuan. Wait—what? Tama ba ang pagkakarinig ko? Liligawan niya ako? Kailan lang noong nagkita kami, hindi ba? Saka hindi puwedeng mangligaw siya sa akin dahil hindi naman ako nagpapaligaw! Ang ipinunta ko sa mansion ng mga Smirnov ay ang pagdidilig hindi ang magpadilig sa mga Smirnov. Natigilan ako sa naisip ko. Anong magpadilig? Wala naman akong balak magpadilig, ha? Natawa naman ako nang pagak sa sinabi ni Sir Napoleon. Hindi niya ako gusto para ligawan niya ako. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong ligawan para lang sumunod ako sa mga sinasabi niya. “Sir Napoleon, hindi mo naman sinabi sa akin na clown ka pala,” saad ko nang matigil na ako sa pagtawa. Nakita kong ipinilig niya ang kaniyang ulo nang kaunti sa aking sinabi ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin—naghihintay kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung anong klaseng ugali ang mayroon si Sir Napoleon. Ang first impression ko sa kaniya ay masungit, malamig at walang pakialam sa sasabihin ng iba pero bakit mukhang nagkamali yata ako? Hindi siya masungit. Siguro ay dahil lang sa aura niya kaya napagkakamalan kong masungit pero bukod doon? Wala na. “You can’t court me,” mabilis kong agap dahil baka mamaya ay seryosohin na naman niya. “Wala akong planong magpaligaw.” Wala talaga akong plano lalo na kung Smirnov ang mangliligaw sa akin. Hindi naman sa choosy ako pero ayaw ko talagang naididikit ako sa mga Smirnov. Hindi ko lang sila type. Kung mamimili man ako ng manliligaw sa akin, siguro ay isa sa mga Primanov. Guwapo rin naman ang mga ’yon at wala kaming koneksyon masyado sa kanila. Hindi kagaya ng mga Smirnov na matalik na kaibigan ng pamilya namin. Mabuti nga hindi nila naisipang i-arrange marriage kami sa mga Smirnov dahil hindi talaga ako papayag. Ayaw ko sa kanila. Si Cerese lang ang may gusto sa kanila. “Well, sorry, but I wanted to.” Kinagat ko ang aking dila habang nakatingin nang masama sa kaniya. Gusto ko siyang sigawan sa pinaggagagawa niya sa akin ngayon ngunit alam ko naman na wala talaga akong magagawa kung hindi kimkimin ang lahat ngayon. “You can’t. Hindi kita papansinin,” nagtitimping sagot ko sa kaniya. “Magpapapansin naman ako, Zolani.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD